bakit kaya no? kung masaya ka, tumutulo  luha mo, minsan may kasama pang sipon, kung nalulungkot ka at nagagalit,  ganun din! tulo din luha mo, uhog at may kasama pang sipon.
Nakakatawang  nakakalungkot isipin kung minsan no? Ganon na ba tayo kaiyakin at  parang sa lahat nang pagkakataon ay umiiyak at napapaluha tayo.
Yung  iba, pilit na itinatago ang mga luha nila, lalo na kapag mga lalaki,  kasi nga sa Pinas kapag lalaki ka dapat matatag ka, at di ka  naaapektuhan nang mga kadramahan at baka isipin nang iba na bading ka.
Kadalasan  luha lang ang mga nakikita mo sa mga lalake, at kung may nakatingin ay  agad na magpupunas, isa o dalawang patak lang okey na yun, tama na at  magtatago na para makaiyak, pero kadalasan kinikimkim lang, kadalasan  nga kapag may mga lalaking umiiyak nasasabihang parang di lalake.
Yung  iba naman ay parang mga baka lang kung umatungal sa lakas nang  pagpapahayag nang kanilang mga damdamin, at kadalasang nakikita mo to sa  mga babae at kadalasan may kasama pang sigaw, kumpas nang kamay at kung  minsan ay meron pang mga nahihimatay, at kapag babae okey lang kahit  minuminuto pang umiiyak, kasi nga dito sa atin ang babae ay malalambot  ang puso at iyakin.
Pero bakit kaya ano? kahit hindi ka malungkot  o masaya kapag nakakakita ka nang mga taong umiiyak, napapaiyak ka na  rin lalo na kapag kaibigan mo, kakilala o kahit sino lang basta ang  iniiyakan nya ay naiyakan mo na dati at naiintindihan mo ang kanilang  pinagdaraanan ay napapaluha ka na rin.
Nakakatawa no? kung minsan  nga makaisip ka lang nang mga malulungkot na bagay o kaya ay nakapanood  ka nang mga umiiyak sa tv o kaya sa sinehan, maya maya ay sumisinghot  ka na rin, tulo na din luha mo lalo na kapag nakakarelate ka sa mga  iniiyakan nila.
Napapaisip nga ako e, iyakin ba ang mga pinoy?  Cyempre kapag mga lalake ang tatanungin, ang magiging sagot nila ay  hindi, ewan ko lang kapag mga babae ang tatanungin, pero may ilan ang  siguradong magsasabing oo, at may ilan na hindi aamin.
Haay naku, bakit ko ba naisipang isulat ito? baka mamaya napapaluha ka na. May kasalanan pa ako hehehe..
Pero  ang mahalaga ay malaman natin na ang pagluha ay hindi para lamang sa  mga babae, ito ay para sa lahat nang tao, kapag may mata ka na nakakita s  mga nakakalungkot na bagay at pusong nakakaramdam nang pagmamahal ay  tama lang na umiyak mapababae ka man o lalake.
Ate at kuya salamat sa pagbabasa, kung napaluha ka di ko na kasalanan, pero kung nainis ka, kasalanan mo yun
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment