Showing posts with label trip ko to. Show all posts
Showing posts with label trip ko to. Show all posts

Sunday, July 10, 2011

Thursday, October 28, 2010

itagay mo!






Kung malungkot ka...
kung may dapat ipagsaya...
o kahit trip lang ba...

may kasama man o wala...
may kulay man yan o wala..
may pulutan man o wala...

okey lang yan...
basta ang mahalaga...
MALASING KA!...

tagay mo pre!!...







Friday, October 8, 2010

1948 Pinoy Classic movie...

nakakatuwang panoorin ang pagliligawan noong mga panahon nila, malayong malayo sa mga ligawan ngayon.

wala kasi akong magawa, wala rin akong maisip na magandang isulat kaya sinubukan kong maghagilap nang mapapanood sa you tube, ayun oldies ang napag tripan, sana lang masakyan niyo ang trip kong ito.

hehehe... gudlak...



Sunday, October 3, 2010

mahabang pahinga...




wow... pagkatapos nang halos ilang buwan nang pagmumukmok, at pagkalugmok sa kung ano anong bagay, nakaka smile pa rin, kaya lang wala pa ring oras para makapagsulat,...

Tuesday, July 27, 2010

luha...

bakit kaya no? kung masaya ka, tumutulo luha mo, minsan may kasama pang sipon, kung nalulungkot ka at nagagalit, ganun din! tulo din luha mo, uhog at may kasama pang sipon.

Nakakatawang nakakalungkot isipin kung minsan no? Ganon na ba tayo kaiyakin at parang sa lahat nang pagkakataon ay umiiyak at napapaluha tayo.

Yung iba, pilit na itinatago ang mga luha nila, lalo na kapag mga lalaki, kasi nga sa Pinas kapag lalaki ka dapat matatag ka, at di ka naaapektuhan nang mga kadramahan at baka isipin nang iba na bading ka.

Kadalasan luha lang ang mga nakikita mo sa mga lalake, at kung may nakatingin ay agad na magpupunas, isa o dalawang patak lang okey na yun, tama na at magtatago na para makaiyak, pero kadalasan kinikimkim lang, kadalasan nga kapag may mga lalaking umiiyak nasasabihang parang di lalake.

Yung iba naman ay parang mga baka lang kung umatungal sa lakas nang pagpapahayag nang kanilang mga damdamin, at kadalasang nakikita mo to sa mga babae at kadalasan may kasama pang sigaw, kumpas nang kamay at kung minsan ay meron pang mga nahihimatay, at kapag babae okey lang kahit minuminuto pang umiiyak, kasi nga dito sa atin ang babae ay malalambot ang puso at iyakin.

Pero bakit kaya ano? kahit hindi ka malungkot o masaya kapag nakakakita ka nang mga taong umiiyak, napapaiyak ka na rin lalo na kapag kaibigan mo, kakilala o kahit sino lang basta ang iniiyakan nya ay naiyakan mo na dati at naiintindihan mo ang kanilang pinagdaraanan ay napapaluha ka na rin.

Nakakatawa no? kung minsan nga makaisip ka lang nang mga malulungkot na bagay o kaya ay nakapanood ka nang mga umiiyak sa tv o kaya sa sinehan, maya maya ay sumisinghot ka na rin, tulo na din luha mo lalo na kapag nakakarelate ka sa mga iniiyakan nila.

Napapaisip nga ako e, iyakin ba ang mga pinoy? Cyempre kapag mga lalake ang tatanungin, ang magiging sagot nila ay hindi, ewan ko lang kapag mga babae ang tatanungin, pero may ilan ang siguradong magsasabing oo, at may ilan na hindi aamin.

Haay naku, bakit ko ba naisipang isulat ito? baka mamaya napapaluha ka na. May kasalanan pa ako hehehe..

Pero ang mahalaga ay malaman natin na ang pagluha ay hindi para lamang sa mga babae, ito ay para sa lahat nang tao, kapag may mata ka na nakakita s mga nakakalungkot na bagay at pusong nakakaramdam nang pagmamahal ay tama lang na umiyak mapababae ka man o lalake.

Ate at kuya salamat sa pagbabasa, kung napaluha ka di ko na kasalanan, pero kung nainis ka, kasalanan mo yun

Sunday, January 24, 2010

Isang tanong... Subalit may sasagot kaya?

may mga kaibigan ka bang baliw?

may mga kaibigan ka bang abnormal?

o ikaw mismo ang baliw? na ikaw mismo ang kaibigan nilang abnormal?

mga kaibigan baliw, hindi ko ibig sabihing mga nakakulong sa mental, na nagsasalitang magisa, nagkakamot nang ulo at gulo gulo ang buhok, mga kaibigang baliw na hindi sumusunod sa normal na takbo nang buhay, hindi makapagisip nang matino at parang may mga sariling mundo.

mga kaibigang abnormal, hindi ko tinutukoy yung may mga pisikal na kapansanan, kundi mga kaibigag hindi mo maintindihan kung bakit nila magamit ang kanilang mga kamay paa, at utak, mga kaibigang parang lagi nalang umaasa sa iyong sipag at diskarte.

at ang talagang hindi ko maintindihan ay kung bakit patuloy mo pa rin silang kinukunsinti, pinababayaang lokohin ka, pagsamantalahan ang iyong sipag, talino, at kakayahan. sino nga ba talaga ang may problema, ikaw? o sila?

hindi ako nangangaral at lalong hindi ako nagagalit, nagtataka lang ako kung kayat naisipan kong magtanong...

ang mga magkakaibigan ay hindi ba dapat nagtutulungan? pero paano kung darating sa puntong alam mo nang pinagsasamantalahan na nila ang iyong mga kakayahan, hahayaan mo pa rin ba?

hahayaan mo pa rin ba sila dahil masyado mong niliitan ang mundo mo kayat umiinog nalang ito sa inyong dalawa, tatlo o lima?

sabagay kung tututusin, mas lalong nahahasa ang iyong utak, mas gumaganda ang iyong diskarte at laong tumitibay ang iyog loob, subalit paano naman siya? mas lalo siyang nagiging depende sa iyo, mas lalo siyang nagiging tamad at mas lalong mapapariwara ang kanyang buhay.

kung minsan hindi mo na talaga malaman kung sino talaga ang baliw, kung sino talaga ang abnormal at kung sino talaga ang niloloko, nanloloko, at kung sino talaga ang walang pakialam.

nararanasan ko ito ngayon, at hindi ko ito napapansin dahil akala ko ay nakakatulong ako, subalit may isang nagsabi nalang bigla sa mukha ko, "Oy masyado nang dependent sa iyo yan ha?". Napaisip ako, natulala, kayat naisipan ko itong isulat.

nalilito rin ako at hindi ko alam ang gagawin...

kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin mo?

Sunday, September 20, 2009

puro ka kasi tanong...


Napansin ko lang bakit kaya may mga ibang pasawauy? yung tipong tinatanong mo naman nang maayos pero nakakatuwang nakakainis dahil kung minsan hindi naman talaga sinasagot kung anong tinanong mo.

tanungin mo kung "Kumain ka na?" sassagutin ka nang "Busog pa ako."
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo" sasagutin ka nang "Bakit?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ako."
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Madali lang."

O diba naman? parang praning lang yung tinatanong mo, parang bangag lang kayat may sarili siyang mundo..

Pero kung minsan yung iba mas malupit, tinatanong mo, pero imbes na sagutin ka tatanungin ka rin..


tanungin mo kung "Kumain ka na?" sasagutin ka nang "Anong ulam?"
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo?" sasagutin ka nang "Hindi mo ba nakasalubong?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ba ako?"
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Marunong ka rin bang gumawa nito?"

O diba? adik na adik ang dating... hehehe

anchuchay talaga oo....

Parang gusto ko tuloy sumigaw nang paglalakas lakas na ... "ano baaaaaaaa!!!!...

Ikaw makikisigaw ka rin ba?.. aheheheks...

Friday, August 28, 2009

If....



If you were given the chance to live your life again are you going to commit the same mistakes to be with the person you love or to correct the mistakes you did and have a better life?

I had been thinking a lot of things i did wrong in the past, but fortunately i could say those mistakes led me to the company of the people, friends and love ones i have in my side today.

I was asked the question latter this day in a meeting and lots of people in the room said they would try to correct all of their mistakes to have a better life, lots of regrets came out, and lots of hopefuls that all would be good again as it was a few years and decades for some.

When we look back, when we see the glory days and compare it to where we are now, what do you see?

Are you still living the glory days? or are you one of the hopefuls that you would be given a second chance to correct the direction your life was going?

No one could predict the future, we could only see the past, we could only hope for the best and regret whats been done.

We always think "If we did this, could the outcome be like this...?", "If...." we are sometimes bombarded with the word "IF...".

But if you did not do what you did, will you still be here?

If only we are given the chance to see the outcome of our choices. If only we are allowed to peek into the future to see if our decisions are the right ones, if only, a lot of if...

But don't you think we regret too much? worry too much and sometimes forget the best our mistakes has to offer?

We sometimes give an exclamation point on the negative side of what we did, how about looking on the other side for a change?

I know its hard to look on the good part when your down and in the middle of regret, but its your choice, and whatever your choice should always be good.

I just hope i did the right thing....

Am i one of the hopefuls?..

Sunday, August 23, 2009

naligaw ako....


mahirap palang maligaw, hindi mo alam kung saan ka papunta, hindi mo alam kung babalik ka ba o ipagpapatuloy mo nalang ang paglalakbay, dahil sayang naman ang miles na nalakbay mo na.

mahirap pala kapag hindi mo alam kung anong nasa dako pa roon, hindi mawala ang kaba, at pangamba sa iyong dibdib, ang pagaagam agam kung tama ba o mali ang tinahahak mong landas.

pero mas mahirap pala habang nagtgitipa ka sa keyboard nang computer mo, nasa kalagitnaan nang pageemote tapos nag automatic update ang computer mo nagre start, nawala tuloy ang emote mode mo...

anak nang tinapa..

hay buhay.. ewan ko ba, parang feeling ko kasi nagkawindang windang ang buhay ko in the past few weeks, nawalan ako nang ganang gawin ang lahat nang mga nakasanayan ko nang gawin, maging sa trabaho, sa bahay kahit na mga extra curricular and non curricular activities na dati ko namang ginagawa ay naiwang nabitin, hindi natapos, tumiwangwang at humambalang sa bawat kanto nang aking buhay.

parang nawalan ako nang gana, siguro nga dumarating talaga sa buhay nang isang tao ang bigla nalang magsawa, mawalan nang gana o kaya ay maligaw nang panandalian, kung ano pa mang dahilan ay hindi ko mawari, hindi ko maintindihan at lalong hindi ko siguro ito maipapaliwanag nang mabuti.

pero sa panandaliang pagkaligaw na yun ay malalaman mo kung gaanong kahalaga nang mga ito sa iyong buhay, yan ay kung matutuntun mo agad ang dating daang tinahatahak mo at hindi ka tuluyang malugmok sa pagkakaligaw.

sana nga lang magtuloy tuloy na ito at hindi na ako muling maligaw nang landas...

aheheheks...

bow....

Saturday, August 22, 2009

Wednesday, July 1, 2009

Happy Birthday to me!!!



Happy Birthday to me!!!
(aheheheks....)

Ganyan talaga ang buhay, bawat taon nadadagdagan ang ating karunungan, mga kaibigan, kakilala at higit sa lahat ang edad...

At ngayon official na, wala na sa kalendaryo ang edad ko .... huhuhu ang saklap, kasama na ako sa mga senior citizen ... aheheheks...

Pero masaya ako dahil narating ko ang ika tatlumpo't dalawang taon nang aking buhay na matiwasay, masaya at maligaya.

Una gusto kong pasalamatan si Bro, dahil binigyan niya ako nang buhay na masaya, mga magulang na puno nang pagmamahal, at mga kapatid na masunurin din naman sa akin hehehehe... at sa kanyang patuloy na paggabay sa akin sa malikot na mundong ito...

Pangalawa sa aking mga kaibigan sa trabaho, lalo na ang housekeeping department na kahit accounting talaga ang departamento ko ay inampon nila ako at itinuring na tunay na kapamilya nila, na sinurpresa ako sa makabagbag damdamin nilang pagalala sa aking kapanganakan, lalo na kay Miss Elaine, Ate Melda, Bert, Malou, Jane, Dwight, Darwin, Michael, at sa lahat nang bumati sa akin maraming salamat. Sa Engineering, Kitchen, Dining, Accounting and Finance, salamat sa pagalala...

Pangatlo sa aking mga naging kaibigan at nakilala sa mundo nang blogosperyo, na sumubaybay sa aking mga likha mula pa sa Coffee Break, hangang sa Kape at Yosi... madaming madaming salamat sa pakikibahagi sa isang yugto nang aking buhay, at sa pakikipag palitan nang mga kuro-kuro, komento, ideya, at karunungan...

at higit sa lahat kay ENGOT na hindi nagsawa sa aking kakulitan, kakyutan, at kakisigan... aheheheheks... ay lab yu... hehehe...

Wednesday, June 24, 2009

transformers:

Kasabay nang araw nang maynila ang muling pagdating nang mga nagdidigmaang sasakyan na pinamumunuan ni Optimus Prime na isang Autobot, at ni Megatron na isa namang Decepticon na pareho namang galing sa Cybertron, kung saan man yun di ko alam, nakinood lang ako, kung gusto mong malaman, hanapin mo, bumili ka nang mapa.. aheheheks... wala akong pasok, holliday, at kailangang maglakwatsa hehehe...

kahit na may nagbabadyang unos ay sige pa rin ako, sugod sa sinehan at pumila,... wow, hanep. nakalimutan ko premiere nga palang ngayon, dumating ako sa sinehan mga bandang alas tres, pangalawang screening na daw yun at ang third screening ay magsisimula mga bandang alas kuatro pa, anak nang tipaklong....

Kung saan saang banda tuloy nang mall ang narating ko, lakad dito, lakad doon, tingin dito, tingin doon... ngayon masakit ang paa ko... kailangan nang hilot... awwwwsssss....

maganda siya kung mahilig ka sa action, dahil talaga namang action packed itong palabas na ito, pero kung ang hanap mo ay magandang storya???.... hmmmm... mejo naapektuhan yata nang rally nang mga writters ang kwento hehehe...

at ang masakit habang nanonood ako, may nagkukwentuhan sa likuran ko... anak nang tipaklong talaga... gusto kong sigawan, kaya lang magisa lang ako, apat sila, kaya nakinig na rin ako sa kwento niya... haaaayssss... anak nang tipaklong talaga....

Hindi naman ako fan ni transformers kaya hindi ko sila masyadong kilala, pero dahil na rin sa kwento nang kung sino mang nilalang na nasa likuran ko habang nanonood kami, magkapatid daw sila, at yun daw ang tatay nila, tutulungan daw siya, .... anak nag tupa... napanood mo na ba? akala ko ba premiere? nanood ka na kanina?.. ang sarap sakalin... pero sabi ko nga apat sila, isa lang ako, makinig nalang ... aheheheks..

eto ilang mga SPOILERS, ... hihilutin ko muna paa ko, masakit talaga... aheheheks...

Sunday, June 21, 2009

Laro lang....

noong una isa lang itong katuwaan, isang laro, pakyutan lang, hangang sa lumawak nang lumawak hangang sa halos lahat ay nakisali, nakigulo at naging isang malaking laro...

May mga ilang umayaw, hindi nakisali, umayaw, pero ganon pa man masasabi kong mas marami ang nakisama, nakigulo, nakisaya...

Isang laro, isang eksperimento, isang pagpapakilala....







Mula sa HK and HR Dept...



Accounting, Finance, Sales Depts.





Guest Services and Dining Depts.




Boys from different depts.
(Eng, Housekeeping, Dining and Banquet waiters, OJT, and etc...)



maraming salamat sa mga nakigulo sa larong aking sinimulan...

Saturday, June 20, 2009

matagal na ito...








matagal na po ito kaya lang ngayon ko lang napagtuunan nang pansin dahil na rin sa aking pangungulila at pagdadalamhati sa pagpanaw ni Yosi.

Pinapasalamatan ko ang mga nagbigay, si ...... nakalimutan ko sila... aheheheks... si ano... hay... hala... sino sino nga ba sila? aheheheks ano ba yun... anak nang tipaklong talaga... matagal na kasi ito sa aking computer at nakalimutan kong lagyan nang mga links.. my bad, im sorry....

Maraming salamat nalang sa kanilang lahat.... maging sino man sila... hehehe, ang naalala ko lang ay si Jelai, si Hari nang Sablay at si Gi-Ann...

at kung gusto mo rin ang mga iyan, kunin mo na rin... maraming salamat...

bow...


Friday, June 19, 2009

directions... directions... directions...

nakakasunod ka ba sa mga utos? directions at kung ano ano pang tawag mo sa may ipapagawa muna sa iyo para marating mo ang dulo nang isang bagay?

o katulad ka rin nang iba, nawawala, nabubugnot, kaya sa huli hindi na alam kung nasaan sila?...




1. May sasabihin sana ko sau... Basahin mo muna no. 5
2. Nagmamadali ka ba?! Read no. 8
3. Curious ka noh? Read no. 9
4. Uu na.. Malalaman mo na sa susunod.. You better read no. 15
5. Sandali lang.. Just read no. 17
6. Gusto ko na talagang sabihin sa'yo.. But you should read no. 16
7. Sasabihin ko na.. Pero basahin mo muna no. 2
8. Simple lang 'to.. Just read no. 4
9. Oo na eto na.. 'Wag ka nang kabahan.. Just read no. 18
10. 'Di pa.. But read no. 19
11. Napapagod ka na ba? Relax! Just read no. 13
12. Tulad ng sinasabi ko.. Read no. 3
13. Malapit na talaga.. Read no. 20
14. Gusto ko lang malaman kung masunurin ka nga .. d;)" Ahihi..=) Peace..
15. Kinakabahan ka na ata eh.. Just read no. 6
16. 'Di mo pa ba alam? Just read no. 12
17. Naku, kainis naman.. Read no. 7
18. Pero 'di ko 'lam kung maiintindihan mo sasabihin ko eh.. Just read no. 10
19. Basahin mo na no. 11.. Slowly.. And you'll find out..
20. Sasabihin ko na nga.. Read no. 14.



hmmmm.....


Tuesday, June 16, 2009

haaay....




and dami ko na palang nasimulang entry pero puro hindi natapos, puro simula lang, pagkatapos nang ilang talata, wala na, hindi na itinuloy dahil nawala na ang interes ko sa bagay na iyon. Minsan naman masyadong malawak ang sakop nito at nahihirapan akong hatihatiin ito upang mailahad ko nang mahusay.

Ewan ko ba, mejo naapektuhan ang aking pagiisip sa pagkawala ni yosi, madaling maginit nang aking ulo, madali rin akong mabugnot, madaling nasisira ang aking konsentrasyon, in short miss na miss ko na si yosi..

Pero ganon pa man, ipinagyayabang kong magiisang buwan na rin akong hindi na muling lumanghap sa maladonselyang usok ni yosi (aheheheks...) hindi na rin ako madalas pumunta sa rooftop upang panoorin ang mga ulap na naghahabulan sa bughaw na kalangitan habang bumubuga nang bilog bilog na usok na humahalo sa mga ulap, hindi na rin ako pumupunta sa 10th floor terrace upang manood sa unti unting paglubog nang araw sa manila bay habang iniisip kung nakakarating nga ba ang usok mula sa yosi sa mga ulap above..

haaay... kailan kaya matatapos ang aking pangungulila at hangang kelan ako magiging matatag at hindi na muling titikim sa maladonselyang usok na aking kinabaliwan... hehehe

Pero ramdam ko na ngayon ang pagbabago sa aking paghinga, hindi na ako hinihingal kapag nagjojoging sa EDSA o kaya ay akyat baba sa hagdanan, hindi na rin ako madalas ubuhin, hindi na rin nagtatakip nang ilong ang aking labintatlong crush na bebot kapag kasabay ko sila sa elevator, madalas na rin akong ikiss nang panlabing apat... aheheks... (joke lang!!!)

anak nang tipaklong.... aheheks talaga....

Friday, June 12, 2009

wala na siya...



mahal ko si YOSI, siya ang bumubuo sa mga malulungkot kong araw at gabi, siya ang aking kasama kapag nagiisip, nagiisa at nakatingala sa mga ulap at bituin sa langit, siya ang kasama ni kape sa aking breaktime, agahan at pati na sa hapunan, ngayon wala na siya, wala na rin akong kasama sa CR.....

Kinuha na siya ni Lord.

kesa naman ako ang kunin ni Lord no? mahal ko si Lord pero madami pa akong planong gawin, tuklasin, maramdaman, matikman at marating, kaya postpon nalang muna ang aming meeting at pinauna ko nalang muna si YOSI, siya ang isa sa mga humihila sa akin sa ilalim nang lupa, alam ko madami sila pero isa isa lang sa pagsusubtract, baka di kayanin nang aking body.. aheheheks...

Matagal ko nang plano ito pero ngayon ko lang tinotoo, sana nga lang ay magtuloy tuloy na ito at huwag nang bumangon pa si YOSI sa hukay at muli akong samahan sa aking pagiisa, (ano yun ZOMBIE?.)

mahirap sa simula, parang hinahanap hanap, naglalaway ka palagi, di makapagisip nang matino, nanghihina, nahihilo pero sa simula lang, pag nasanay ka nang wala nang nicotine ang katawan mo, balik ka na ulit sa normal na kilos, ngayon minus the usok and the amoy usok aheheheks...

at napatunayan sa aking sarili na meron din pala akong disiplina..

Pero ngayon naiisip ko si KAPE, malungkot na siya wala na ang kanyang barkada, wala na ang kanyang kaututang dila, wala na ang kanyang kumpare na humahalo halo sa kanyang usok, pero alam ko, malalampasan rin yan ni KAPE, maging matatag ka lang KAPE, dito lang ako sa tabi mo, kaya natin yan... aheheheks...

Palitan ko na rin kaya ang taytol nang aking BLAG? hmmmm.....

... in memory of yosi?
... nagiisa na si Kape?
... si kape?
... asan na si yosi?
... anak nang tipaklong bat mo pinatay si YOSI?


... hay saka ko na nga lag pagisipan yan, wala pang forty days si yosi... aheheheks...