Showing posts with label bukol. Show all posts
Showing posts with label bukol. Show all posts

Tuesday, July 28, 2009

ano na???

Ang tagal ko rin palang nawala, ang tagal ko rin palang nahimlay at nanahimik, ang tagal rin bago ako nagising at muling ipinagpatuloy ang pagsusulat sa kwento nang aking buhay....

Nalusaw na ang mga yelo sa mundo ni Scrat, yung makulit na squirel sa isang pambatang pelikula na alam kong ikaw at ako ay nakinood, nakiusyoso, nakitawa at nalungkot dahil hindi pa rin niya nakuha ang kanyang acorn, parang ibig ipahiwatig na meron na naman itong kasunod...

Natapos na rin ang pakikipaglaban ni Harry kay Snape at natapos na rin ang ika siyam na araw nang pagunita sa pagpanaw ni Dumbledore..

At alam ko muli mo namang aabangan ang isa na namang pakikipaglaban ni harry sa susunod niyang paglabas sa ginintuang tabing...

Marami nang naganap, marami nang nabago pero heto pa rin ako, bagong gising mula sa isang napakagandang bangungot, isang panaginip na hindi ko malaman kung masaya, malungkot, o nakakatakot...

Hangang ngayon nanginginig pa ako, pero hindi ko maipaliwanag kung dahil sa excited ako, o dahil natakot ako...

Pero ang mahalaga heto na ako, muling nagbabalik sa mundo nang blogosperyo, humahabol sa mga nasayang na panahon, binabalikan ang mga post sa mga blog na aking sinusundan....

makahabol pa kaya ako?....

Gising na ba ako? o itoy karugtong pa rin nang aking naputol na panaginip?...


Anak nang tipaklong... ang drama naman... eh ang ibig ko lang namang sabihin ay...

"Im Back..." aheheheks...

Wednesday, June 10, 2009

bagong bisita...


MENstream

baka mabisita niyo at maibigan ang dalawang blog na yan na aking binabalik balikan, at dalawa sa aking pinakapaborito, mejo may pagkasuplado nga lang ang author pero may sense naman ang mga sinasabi hehehe...

Sige, blog hop na muna kayo at mejo di ko pa alam ang isusunod kong post... aheheks...




Wednesday, April 22, 2009

Ang aking prayer of the day...

Home Alone ang drama ko ngayon sa buhay, pano kasi ang lakwatsero kong uncle na kasama ko sa bahay e nagpuntang subic at may seminar daw na dadaluhan, at pinagyabang pang may safari pa daw sila, iningit pa ako? sabi ko sama ako, abat umayaw? kaya hayun pinagpray kong umulan, umulan nga at parang sinamahan pa nang bagyo, ang lakas ko talaga kay bro, aheheheks.....

Ayun nasa subic na pero panay ang text na di daw makapamasyal kasi panay daw ang ulan, ang sabi ko buti nga di mo kasi ako sinama, isang lingo siyang magbibilang dun nang ulan...

Pero napagisip isip ko wawa naman uncle ko dun, pero naisip ko rin mas kawawa ako, wala akong makain kasi wala akong tagaluto, in short wala akong katulong, kaya heto sa gutom kung ano ano nalang ang naisipang iBLAG.

Iniisip ko tuloy pagbalik nya ganito na magiging itsura ko, baka hindi na nya ako makilala ....

Naku bro, help mo naman ako, sana magpadala ka nang food at nagugutom na ako,

Pero sana bro, hindi rin nya malaman na ipinagpray kong umulan, at sana di rin niya mabasa ito, baka ganito ang aabutin ko....



run rhodey run .... ahihihi.... da end...

Monday, April 13, 2009

Depress...


Naranasan mo na bang tumulong, pero in the end ikaw pa ang sinisi at naiipit? nakainis no? nakakadepress, parang ansarap tuloy nilang paguuntugin.

Thursday, April 2, 2009

Sa Jeep naman...


Sumasakay ka ba sa jeep? Madaming eksena dito lalo na sa umaga na ang karamihan ay papasok palang sa trabaho, may mga nakauniform na, may mga seksi, magaganda at meron din namang hayaan mo na hehehe.

Pero napansin mo na ba? kadalasan kapag sumasakay sa jeep maraming nauuntog sa ilaw na nakausli sa bandang gitna, at kadalasan iba iba ang kanilang reaksyon.

Kapag ang nauntog ay estudyanteng naka mini o kaya ay babaeng naka uniform nang pang opis ang sinasabi ay "Ouch!!!" sabay haplos sa malambot na buhok at kinakapa kapa ang ulo na akala mo ay tinubuan nang bukol na sinlaki nang chocolate hills.

Kapag ang nauntog ay lalaking estudyante na halatang sa computer shop pumapasok at mina master ang ibat ibang computer games, at mga kabataang lalaki na halatang tambay lang sa kanto ang sinasabi ay "Puta pare, nauntog ako, tirahin ko to e", sabay amba nang suntok sa ilaw na para bang may kalaban.

Pero kapag nauntog ay estudyanteng matino na halatang puyat pa dahil sa karereview ang sinasabi ay "Wow!", hindi ko rin alam kung bakit sila napapa wow, pero maaring dahil nauntog sila nagising ang kanilang natutulog pang utak o maari ring nawala ang kanilang nireview at mapapansin mo nalang na nakatitig sila sa ilaw na para bang gusto nilang tanungin yung driver kung bakit nilagay lagay ang ilaw na yan sa gitna nang jeep.

Masaklap kapag ang nauntog ay binabae, ang sinasabi ay "Araray...." (with feelings) na parang naiiyak lalo na kapag maraming nakakita sa kanyang madramang eksena.

Ang mga matatanda naman ay walang kareareaksyon, para bang sinasabi nilang "Sanay na kami dyan".

Magkakaiba man tayo nang reaksyon at pagkakasabing "masakit", iisa lang ang alam kong dapat gawin, pag sumakay ka nang jeep wag aanga anga upang sakuna ay maiwasan.