Showing posts with label coffee. Show all posts
Showing posts with label coffee. Show all posts
Wednesday, September 12, 2012
Visit visit lang...
it's been a while since i last visited and wrote something for my blog... yung mga huling bisita ko kasi ay puro lang mga post ng mga dati ko nang ginawa na naipon lang sa draft section at nag aantay lang maipublish, kung tutuusin madami pang dapat na ipublish pero yung iba kailangan ding basahin ulit, para malaman kung nasa lugar pa ba? nasa oras pa rin ba? o kailangan nang idelete kasi luma na yung isyu at nakakasuya na.
ang problema wala akong oras magreview ng mga naipon sa draft kaya sorry na lang muna sa ngayon, di bale darating din ang panahon at mapag uukulan ko rin ng panahon yan.. sana hehehe...
sa ngayon kasi ay bisi bisihan pa ako sa paulit ulit na sinusulat kong booklet na kailangan sa aking trabaho na sa tuwing ipapakita ko sa aking boss ay pinapa edit sa iba ibang tao kaya sa tuwing ibabalik sa akin ay may ibang pinapabago, pinapadagdag, pinapaalis... malapit na akong mainis pero trabaho ko yan, diyan ako kumukuha ng salapi upang ipangtustos sa aking mga kapritso at mga pangangailangan sa buhay, kaya keri lang... tipa ulit sa keyboard.
delete... add... highlight.. bold.. italics...scroll down.. scroll up.. hehehehe.. paulit ulit.. check gramar.. spell check.. link.. unlink.. color line.. color word.. undo.. redo.. number 1 lagay sa number 5, wait yung number seven nalang... shift.. colon teka mas maganda kung semi colon.. tangalin mo period, lagyan mo question mark, dapat ata naka left allign, subukan mo kayang justified... okey na ba?... teka wait lang.. mang teban halika nga basahin mo nga to... aahahaha... diosko sana huwag namang humantong na pati ang aming janitor ay tanungin at hingan ng idea patungkol sa aking ginagawa...
hayy... nakakatuwa, nakakatawa, nakakainis, nakakamangha... pero alam ko hindi lang ako ang nakakaranas nito, kaya huwag ka nang magmaang maangan, alam ko tinamaan ka... hehehe
tawanan mo nalang para di ka mastress...tapos ihuli mo na muna sa mga priorities mo yang paulit ulit na yan, pag finalow up sabihin mo, on going po.. update process po ako... may mga pinabago lang po kasi si __(name ng huling taong pinabasa niya)____ .... lusot na naman.... hahaha
tapos balik na ulit sa solitaire... bawal kasi FB sa office e, kundi e busy sa pagtatnim sa Farnville...hahaha
hay buhay opisina nga naman, minsan nakakatuwa lalo na at may birthday, libre na lunch mo minsan may kasama pang desert at meryenda huwag mo lang makasabay ang kaaway mo sa hallway tapos inismiran ka... warak warak ang araw mo hehehe...
siya sumilip lang ako... balik na ulit sa trabaho... saka solitaire... ahahaha
Thursday, November 10, 2011
Tuesday, November 2, 2010
Bakit mahal na mahal ko ang Kape....
Mahilig akong magkape, isa ito sa mga hindi ko nakakalimutang inumin sa loob nang isang araw, subalit sa dinami dami nang kapeng nagsulputan sa mundo, iisa lang talaga ang masasabi kong napamahal na sa akin at miss na miss ko na sa ngayon, ang kapeng barako na pinapakuluan ni tatay sa madaling araw gamit ang kanyang mahiwagang takuri at kalan na sabi niya ay ginatungan niya nang pagmamahal kayat masarap ito kahit mapait pait ang lasa pero punong puno nang init.
Bata pa lang ako, mahilig na akong magkape at dahil nagpadala naman ako sa mga pambobola ni tatay, ayun tuluyan akong naadik sa kanyang mahiwagang kape na sinabayan nang sinangag at kung ano anong pwedeng iulam sa umaga bago kami pumasok sa paaralan.
Para tuloy hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakatikim nang kanyang mahiwagang kape, at talagang nagmamaktol pa ako noon sa umaga kapag nahuli siya nang gising at hindi nakapagpakulo nang kanyang mahiwagang kape.
Nakakatuwang balikan ang mga ala alang hatid nang kape sa aking buhay, at hindi ko tuloy maiwasang ngumiti kung minsan habang humihigop ang kape sa opisina na hindi kasing sarap nang mahiwagang kape na luto nang aking tatay.
Kadalasan instant ang mga kapeng naiinom ko ngayon, yung tipong ilalagay mo lang sa tasa, bubuhusan nang mainit na tubig, presto may kape ka na. Hindi katulad nang kape nang aking tatay na binabantayan niyang kumulo muna ang tubig bago niya lagyan nang pulbos nang kape na una niyang niluto, giniling at inimbak sa garapon na sabi niya ay para lalong bumango at sumarap dahil hinahaluan niya ito nang pagmamahal, at sabi pa niya huwag daw naming sasayangin ang kape niya dahil parang sinayang din namin ang kanyang pagmamahal.
Pasok na pasok naman ang kanyang mga pambobola sa aming magkakapatid, minsan pa nga nagkakasumbungan dahil hindi namin inuubos ang kapeng tinimpla niya. Minsan nagagalit siya, minsan naman tawa lang siya nang tawa, minsan naman tinatakot niya kaming hindi na siya magluluto nang mahiwagang kape niya, tatahimik naman kaming magkakapatid at magsisisihan kung bakit nagsumbong pa, o kaya ay bakit kasi hindi inubos ang kape niya.
haaay.. nakakamiss talaga.
Malayo ang eskwelahan sa bahay namin, kailangan pa naming tumawid nang ilog at maglakad nang halos isang kilometro mula sa pampang nang ilog bago kami makarating sa paaralan, kayat kailangan naming gumising nang maaga para hindi malate sa flag ceremony.
Kadalasan hindi pa sumisikat ang araw ay hinahatid na niya kami sa pampang nang ilog at itinatawid niya kami gamit ang kanyang maliit na bangka na ipinasadya talaga upang makatawid kami nang hindi na kailangan antayin pa ang bangkero na kadalasan namang tanghali na kung gumising.
Malamig ang madaling araw sa probinsiya at kadalasan ang tanging baon naming panlaban sa lamig ay ang init nang kanyang tinimplang kape na sabi niya ay puno nang pagmamahal.
Nangingiti ako kapag naiisip ko ang mga pambobolang yun ni tatay na swak na swak naman sa aming mumunting isipan, ngayon kung minsan nagigising ako sa madaling araw na hinahanap hanap ang aroma nang kapeng barako na lagi kong nasasamyo at gumigising sa akin na sa mahabang panahon ay nagsilbing alarm clock sa aming magkakapatid, yun bang tipong kahit tulog na tulog ka bastat naamoy mo ang kapeng barako mapapatayo ka dahil baka maubusan ka, patay kang bata ka, wala kasi yung second batch at no refill pa hehehehe.
Matagal tagal na rin akong hindi nakakauwi sa probinsiya dala na rin nang mga responsibilidad at trabahong hindi maiwan iwan, subalit walang araw na nagdaan na hindi ko naiisip at inaasam na muling matikman ang kapeng tinitimpla niya na nagbibigay enerhiya sa aming lahat sa madaling araw.
Ngayon masisisi mo ba ako kung bakit mahal na mahal ko ang kape?
Subscribe to:
Posts (Atom)


