mga pictyurs lang ba!... hehehehe...
Monday, November 15, 2010
shutter happy part 1..
Sabi nga nila kung may trigger happy meron din shutter happy, at isa na ako dun hehehe, wala naman akong kaalam alam sa photography pero kung napasakamay ko na ang camera e bahala na.
natutuwa lang ako lalo na kapag may mga tanawin or moments na gusto kong i capture, at sana kahit papano may saysay... hehehe
natutuwa lang ako lalo na kapag may mga tanawin or moments na gusto kong i capture, at sana kahit papano may saysay... hehehe
Saturday, November 13, 2010
On Saying Good Bye..
"Life is a journey...
but every journey have to end...
Good bye but we will see you soon... "
Today we finally bid farewell to my Best Friend's Mother.
I just would like to say thank you,
for with out you,
I would have never had my Best Friend..
Thank you Nanay Maria.
Sunday, November 7, 2010
hayaan mo lang...
let the wings of fantasy,
bring you to the moon!
let the embrace of fiction,
nurture your imagination!
a line from my poem My Playful Mind in my other blog Coffee Break, wala lang naisip ko lang ishare, nagiisp bata kasi ako ngayon e hehehe nagbabakasali lang may nagiisip bata din diyan maipaliwanag sa akin nang mabuti kung anong ibig sabihin niyan hahaha...
Wednesday, November 3, 2010
Tuesday, November 2, 2010
Bakit mahal na mahal ko ang Kape....
Mahilig akong magkape, isa ito sa mga hindi ko nakakalimutang inumin sa loob nang isang araw, subalit sa dinami dami nang kapeng nagsulputan sa mundo, iisa lang talaga ang masasabi kong napamahal na sa akin at miss na miss ko na sa ngayon, ang kapeng barako na pinapakuluan ni tatay sa madaling araw gamit ang kanyang mahiwagang takuri at kalan na sabi niya ay ginatungan niya nang pagmamahal kayat masarap ito kahit mapait pait ang lasa pero punong puno nang init.
Bata pa lang ako, mahilig na akong magkape at dahil nagpadala naman ako sa mga pambobola ni tatay, ayun tuluyan akong naadik sa kanyang mahiwagang kape na sinabayan nang sinangag at kung ano anong pwedeng iulam sa umaga bago kami pumasok sa paaralan.
Para tuloy hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakatikim nang kanyang mahiwagang kape, at talagang nagmamaktol pa ako noon sa umaga kapag nahuli siya nang gising at hindi nakapagpakulo nang kanyang mahiwagang kape.
Nakakatuwang balikan ang mga ala alang hatid nang kape sa aking buhay, at hindi ko tuloy maiwasang ngumiti kung minsan habang humihigop ang kape sa opisina na hindi kasing sarap nang mahiwagang kape na luto nang aking tatay.
Kadalasan instant ang mga kapeng naiinom ko ngayon, yung tipong ilalagay mo lang sa tasa, bubuhusan nang mainit na tubig, presto may kape ka na. Hindi katulad nang kape nang aking tatay na binabantayan niyang kumulo muna ang tubig bago niya lagyan nang pulbos nang kape na una niyang niluto, giniling at inimbak sa garapon na sabi niya ay para lalong bumango at sumarap dahil hinahaluan niya ito nang pagmamahal, at sabi pa niya huwag daw naming sasayangin ang kape niya dahil parang sinayang din namin ang kanyang pagmamahal.
Pasok na pasok naman ang kanyang mga pambobola sa aming magkakapatid, minsan pa nga nagkakasumbungan dahil hindi namin inuubos ang kapeng tinimpla niya. Minsan nagagalit siya, minsan naman tawa lang siya nang tawa, minsan naman tinatakot niya kaming hindi na siya magluluto nang mahiwagang kape niya, tatahimik naman kaming magkakapatid at magsisisihan kung bakit nagsumbong pa, o kaya ay bakit kasi hindi inubos ang kape niya.
haaay.. nakakamiss talaga.
Malayo ang eskwelahan sa bahay namin, kailangan pa naming tumawid nang ilog at maglakad nang halos isang kilometro mula sa pampang nang ilog bago kami makarating sa paaralan, kayat kailangan naming gumising nang maaga para hindi malate sa flag ceremony.
Kadalasan hindi pa sumisikat ang araw ay hinahatid na niya kami sa pampang nang ilog at itinatawid niya kami gamit ang kanyang maliit na bangka na ipinasadya talaga upang makatawid kami nang hindi na kailangan antayin pa ang bangkero na kadalasan namang tanghali na kung gumising.
Malamig ang madaling araw sa probinsiya at kadalasan ang tanging baon naming panlaban sa lamig ay ang init nang kanyang tinimplang kape na sabi niya ay puno nang pagmamahal.
Nangingiti ako kapag naiisip ko ang mga pambobolang yun ni tatay na swak na swak naman sa aming mumunting isipan, ngayon kung minsan nagigising ako sa madaling araw na hinahanap hanap ang aroma nang kapeng barako na lagi kong nasasamyo at gumigising sa akin na sa mahabang panahon ay nagsilbing alarm clock sa aming magkakapatid, yun bang tipong kahit tulog na tulog ka bastat naamoy mo ang kapeng barako mapapatayo ka dahil baka maubusan ka, patay kang bata ka, wala kasi yung second batch at no refill pa hehehehe.
Matagal tagal na rin akong hindi nakakauwi sa probinsiya dala na rin nang mga responsibilidad at trabahong hindi maiwan iwan, subalit walang araw na nagdaan na hindi ko naiisip at inaasam na muling matikman ang kapeng tinitimpla niya na nagbibigay enerhiya sa aming lahat sa madaling araw.
Ngayon masisisi mo ba ako kung bakit mahal na mahal ko ang kape?
Sunday, October 31, 2010
Kwento lang naman....
Araw na naman nang mga patay, at siyempre uso na naman ang takutan, minsan nakakatuwa lalo na kapag ikaw ang nananakot at nakakainis naman kapag ikaw na ang tinatakot, pero lalong nakakatawa kapag nanood ka lang sa mga takutang nagaganap.
Pero mas nakakatawa, na nakakainis, na nakakatakot kapag ikaw mismo ang nananakot sa sarili mo, yun bang tipong alam mong magisa ka lang sa bahay, sa kuarto, o kaya sa opisina, nang biglang may kumaluskos sa likuran mo, o kaya biglang may bumulong, at sa di maipaliwanag na dahilan biglang nagtayuan ang mga buhok mo sa batok, habang pakiramdam mo ay unti unting lumalaki ang ulo mo.
Ang sarap tumakbo sa mga pagkakataong ganyan di ba? Pero paano kapag sa pagtakbo mo, may nakaabang na palang anino sa pintuan, at sa paglingon mo sa iyong pinang galingan ay may nakatayong babaeng nakaputi.
Syet!.. tigas to the bones ang aabutin mo niyan... pero teka parang may nakatayo ata sa likuran mo!
hehehe, joke lang, nadala lang nang konti sa usapan, pero sino unang tatawagin mo? si Inay, si Itay, si Kuya, si Ate, o si boypren/gerlpren?
Minsan kapag nasa alanganin tayong sitwasyon, may mga tao tayong tinatawag, mga taong sa palagay natin ay safe tayo sa kanilang piling, hindi ka na makakapili kung minsan at magugulat ka nalang na siya ang nasambit mo at gusto mong dumating para alalayan ka.
Pero paao kung ang naiisip mong pangalan ay patay na, at sa di inaasahang pangyayari dumating nga, hehehe, joke lang ulit, pero malay mo, nasa likuran mo siya ngayon at nakikibasa na rin.. hehehehe...
Subukan mo kayang sumilip sa ilalim nang mesa? o kaya sa kama? sa aparador, may kumakaluskos ba?...
hehehe ako rin natatakot na, madals lang akong magisa sa bahay, at kahit sanay na akong may kung ano anong naririnig at nakikita, hindi pa rin mawala yung takot, lalo na kapag sinabayan nang malamig na hangin at ang nakakapangilabot na pagtindi nang balahibo sa batok at paglaki nang ulo.
Happy Halloween kaibigan...
at sana sa ating pagunita sa ating mga mahal sa buhay na namayapa ay ang panalangin na matahimik at mamayapa na sila.
Friday, October 29, 2010
Life...
sometimes you just wonder
what went wrong...
sometimes you would ask
what did i do?...
sometimes you would blame others
and GOD too...
but have you really looked back
and see what you've been through?..
sometimes you lost faith
and never felt like moving on...
sometimes you feel like staying
and never look to the future...
sometimes its easy to just cry
and let your emotions out...
sometimes is easier to be lost
and wander along the path...
mistakes are our teachers
they teach us life's hard lessons...
regrets serves as guides
not to commit that same actions...
tears are our outlets
to empty our loads...
tomorrow bring us hope
to keep moving on...
life is a cycle
you need to learn...
life is cycle
you need to understand...
life is fast moving
you need to catch up...
for life will continue
with or without you in his arms...
Labels:
a poem,
goal,
learning,
life,
looking back,
moving forward
Thursday, October 28, 2010
Sunday, October 24, 2010
I dream a dream..
Its easy to dream a dream, but as the song says,
"...And there are storms we cannot weather..."
"...Now life has killed the dream I dreamed...."
but i think, it is better to have dreamed and tried to achieve it, rather than never dreamed and never tried...
and sometimes when you cease believing,
when you stopped dreaming,
when you need help to believe again,
and to dream again...
search your heart,
an amber still lingers,
just waiting for you
to turn it into a burning fire..
Subscribe to:
Posts (Atom)



















