Showing posts with label kape at yosi. Show all posts
Showing posts with label kape at yosi. Show all posts

Wednesday, May 27, 2009

are you smarter than a fifth grader- Kelly Pickler

hindi ko talaga kilala si Kelly Pickler pero sabi ni pareng Wikipedia siya daw ay isang American country music artist, naging sikat daw siya dahil sa pagsali niya sa Fifth Season nang American Idol at umabot siya hangang sa sixth place.

Meron din siyang certified gold album na kinabibilangan nang mga kantang "Red High Heels", "I wonder", at "Things that never cross a mans mind". Magaling siyang singer pero natawa talaga ako nang todo sa episode na ito nang .... tadannnn....

Are you smarter than a fifth grader...

hungary...





a swirly after class....




isa lang ang masasabi ko, wow.....!!!

Tuesday, May 26, 2009

naalala mo pa rin?...

pagkatapos mong kausapin, ibalibag at pangigilan ang iyong mga gamit, ngayon naman kapag ikaw ay nagiisa, may mga pagkakataon bang bigla ka nalang nangingiti? o kaya ay bigla na lamang tatawa nang malakas na bubulahaw sa iyong katabi na bigla ring magtatanong "hoy, anong nangyayari sa iyo?" o kaya ay nakatanaw ka sa malayo, nakatulala, parang wala sa sarili, tapos bigla ka nalang tatanungin nang mga kasama mo sa trabaho "Nakainom ka na ba nang gamot mo?" o kaya ay "tatawag na ba ako nang amulansiya para maihatid ka na sa mental para maagapan yan?"


nakakainis no? sentisentihan ka, tapos bubulabugin ka lang nang mga hinayupak na walang mga magawa, kung bakit naman kasi kapag nagiisa ka, masarap magiisip at alalahanin ang mga masasayang moments niyo nang iyong labidu, o kaya mga kulitan, harutan at ang mga walang kwentang jokes nang iyong mga kaibigan na hindi naman nakakatawa noon pero ngayon kung kelan ka nagiisa saka ka naman natatawa, hmmmm... may pagka slow ka? ... aheheheks..


bakit kaya ano? kapag nagrereminisce ka, kapag inaalala mo ang mga nakaraang pangyayari sa buhay mo, pati na ang mga emosyong naramdaman mo noon ay bumabalik din, ang saya, ang mga halakhak, pati na ang pait, ang tamis, ang galit at pati na ang mga luha ay bumubuhos pa rin, maaring hindi na ganoon katindi ang emosyon mo, pero nakapaloob pa rin dito ang mga emosyong iyon kahit lumipas na ang panahon.

kailangan ba talagang kapag may naalala ka, kasama pa rin ba dapat ang mga emosyong nadama mo nang ang pangyayaring iyon ay naganap? hindi ba pwedeng "I remember the scene but i dont remember the feelings anymore?" aheheheks... kanta ata yun?


pero kapag tinangal mo ang mga emosyong nakapaloob dito ano pa nga ba ang silbi para alalahanin mo ang nakalipas? bakit ba kasi kailangang magreminisce? bakit kailangang alalahanin pa ang mga nangyari na? ano pa nga ba ang mga rason bakit binabalikbalikan mo pa rin ang isang alalaala na lang?

ito ba ay para magsilbing alaala nang iyong mga pagkakamali upang matuto sa mga susunod na mangyari ulit ito? para katukin ang puso mo at ipaalalang nangyari na ito, ayaw mo nang mangyari pa ulit, o maramdamang pagkalipas nang lahat nang nangyari ay maramdaman mong tao ka pa rin, may puso at damdaming nakakaramdam pa rin nang sakit, saya, nakakaluha at nakakatawa pa rin, o kaya ay paalalahanan mo ang iyong sarili na pagkatapos nang lahat heto ka pa rin nakatayo, lumalaban, mas masaya, o mas malungkot kesa sa dati? na nakalugmok pa rin at di pa nakakamove on?

sandali lang, akala ko ba masaya ang post kong ito? e bakit parang nagiging drama na? anak nang tipaklong naman, ayoko nang iyakan, ayoko nang drama, pero paano ba gawing masaya ang pagalala sa isang malungkot na bahagi nang iyong buhay?...

hindi naman pwedeng tumatawa habang lumuluha para sana balanse, may ngiti, may luha, may ambulansiya nang naghihintay sa iyong paglabas ahehehe....

masarap magbalik tanaw kapag ito ay nagbibigay sa iyo nang lakas upang lumaban, tumayo at maglakbay ulit, subalit kung sa iyong paglingon ay mas malulugmok ka sa iyong kinalalagyan ay dapat mo na siguro itong kalimutan, iwaksi sa iyong isipan at pulutin ang aral na pwede nitong ibigay sa iyo, lumakad pasulong, at hayaang lamunin nang kahapon ang pait na dala nang nakaraan.

ngunit paano?...





Saturday, May 16, 2009

Confessions of a "Devils Advocate"



Taklesa ako, inaamin ko yan, minsan may mga nasasabi akong mga katotohanan na masakit isipin at tangapin kung sa iyo napatungkol, dahil totoo, sabi nga nila "Truth Hurts", lalo na kapag yung katotohanan na yun ay negative ang dating sa iyo.

Nasanay lang kasi ako sa bahay noong bata pa ako, kung may mali kang nagawa huwag mong ikaila, tangapin mo and " bear the consequences of your actions" sabi nga ni nanay, "Kundi ka ba naman isat kalahating tanga alam mo nang di tama gagawin mo pa". o di ba? Ang lupet ni madir dir ko? hahaha pero tunay, totoo, at sumasangayon ako. (hindi yung isat kalahating tanga ako ha? yung meaning nung sentence nya eheheheks.....) at lagi niya kaming sinasabihan na kapag may nakita kaming hindi tama ay dapat namin itong sabihin dahil baka hindi alam nung taong yun na mali ang kanyang ginagawa para maitama niya, o kaya ay masyadong concieted ang taong yun para alam niyang hindi daw siya kaguapuhan at huwag matatakot dahil kapag katotohanan daw ang iyong sinasabi ay marami kang magiging kakampi, pero yung iba duwag lang daw lumabas pero aayon sila sa mga sinasabi mo, huwag ka lang masyadong OA sa pagdeliver nang speech mo.

Pero sa bandang pagdeliver nang speech ako minsan pumapalya, wala akong grace under pressure, dirediretso lang ako, masaktan ka na wala akong pakialam, tanga ako pero mas tatanga tanga ka pa pala sa akin, sabi ko nga sa aking mga kaibigan "Either you love me or Hate me, Either way I DONT CARE" aheheheks.... o diba? astig nang LOLO niyo.

Minsan madami ang nagsasabing ang sama sama ko daw, pero ang hindi nila alam matagal ko nang alam yun at ang sagot ko nga "Thank you for the compliment" o diba? sopla agad eheheheks....

Alam ko, hindi nakakatuwa, na madami akong nasasaktan, nasasagasaan at madaming may galit sa akin dahil sinabi kong, tatanga tanga kasi siya, kundi ba naman siya isat kalahating tanga alam niyang mali ginawa pa rin niya , na magtrabaho na siya at puro lang siya sipsip sa boss, kung gusto niyang umasenso magtrabaho siya nang tama at huwag angkinin ang pinaghirapan nang mga katrabaho niya, may kasama pang "mura".

Alam ko rin na akala nang madami supladito ako, impaktito, walnghiya, pero hindi nila nakikita ang "Halo" sa aking ulo, ang "puting pakpak" sa likod ko, ang hindi nila alam "ANGHEL" ito no? hindi lang halata kasi naka disguise ako eheheheks....

Pansamantala, "i will keep my mouth shut" ang tanong makakatagal kaya ako? sa dinami dami nang naglalakad na taong plastic, ewan ko nalang eheheks...

Ewan ko ba sa dinami dami nang pwedeng ipamana nang aking ina ang kanyang pagiging matabil pa ang nakuha ko pero masaya ako kapag nakikita kong may nangyayari sa mga taong pinagsabihan ko nang katotohanan, kapag nakita mo na hindi na nila ginagawa yung kanilang mga kinagawian dahil nasabihan silang "Tanga" , "Tamad" , "Plastic", "Manloloko" , "Sipsip" "Ningas kugon" at etc... etc.. ay masaya na rin ako, minsan ang kailangan lang nang ilan sa atin ay matinding yugyug sa balikat upang magising sa katotohanan.

hmmmm... ako kaya? kelan kaya ako mayuyugyog? kelan kaya ako magigising? tama kaya mga pinaggagawa ko?... ay ewan, "Bro, ano sa palagay mo?".... ehehheks....

this is my confession, Confessions of a Devils Advocate....

Sunday, March 29, 2009

Ang aking Kape at Yosi


Makalipas ang mahaba habang deliberasyon, argumento, at ang tila walang hangang pagtitig sa kawalan, narating ko rin sa wakas ang isang konglusyon.

Alam ko na gagawin sa aking bagong blog na "KAPE AT YOSI". (wow malaki at mabuting balita ito.)

Ang aking isang blog ang "COFFEE BREAK" ay isang blog na pwedeng sabihing wholesome at dito naipapakita ko ang aking isang side bilang mabait na nilalang. Ang problema nga lang hindi naman sa lahat nang pagkakataon ang tao ay mabait, masunurin, masipag, in short anghel sa lupa.

Kyat sa aking pagmumuni muni ay naisipan ko rin sa wakas na dito sa "KAPE AT YOSI" ko nalang ipapakita ang aking pagka maldito, usisero, tsimoso, at kung ano ano pang kapilyuhan. sa maikling pananalita demonyito pero slight lang naman kaya di na kailangan ang parental guidance.

Kayat gudlak nalang at sana kahit papano makapaghatid ako nang ngiti sa iyong mga labi...

Saturday, March 28, 2009

kape at yosi


Bata pa lamang ako natuto na akong magkape, lumaki kasi ako sa bukid, at sa bukid tuwing umaga at walang ulam uso ang kape na isasabaw sa kanin para sa agahan, pwede nang pagtyagaan at pwede nang lamang tyan yun hangang umabot ang tanghalian.

Sa amin ang kape "barako" talaga hindi katulad nang mga iniinum ko ngayon dito sa manila puro instant, at ang kapeng probinsya may halong pagmamahal. Buto lang yun nang kape na inaani ni nanay sa likod bahay, tapos binibilad ni tatay sa bubong pag natuyo na tatangalan namin nang mga balat tapos ibibilad ulet at saka isasangag ni nanay na kapag naluto na ay binabayo ni tatay na kapag naging pulbos ay siya namang iluluto ni nanay sa umaga na siya naming iniinum sa umagahan at kung minsan at wala talagang maulam e pwede na rin yun lalo na kapag sinangag na kanin ang hain ni nanay.

Walang kasing sarap, at namimiss ko nang todo yun. yung masarap na samyo nang kape na siyang gigising sa iyo sa madaling araw, na siya ring magiinit sa malamig mong sikmura, haaay..

Ang sarap balikan yung mga panahong yun, nung medyo bata ka pa walang pakialam sa mundo makapaglaro lang okey na.

Ang hirap lang kapag tumatanda ka na, dumarating na ang mga responsibilidad at sa ayaw man o gusto mo kailangan mong harapin yun.

Pero mabigat man o magaan ang responsibilidad na iniatang sa iyo di makukumpleto ang araw kapag walang kape, sa umaga, sa tanghali, at sa meryenda at kung minsan nga kung trip mong magpuyat dahil may tinatapos kang trabaho, project, o kaya ay nagrereview isang takuring kape ang kasama mo sa pagpupuyat, at kadalasan kapag may hawak kang kape may sindi ka ring yosi.

Ewan ko ba kung bakit masarap pagsabayin ang dalawang ito, pero pansinin mo lang sa paligid mo, luminga linga ka at makikita mo ang katotohanan nang sinasabi ko.

Maraming nagsasabing di daw maganda ang yosi at kape, dahil ang kape merong cocaine at ang yosi naman ay pero nicotine, pero sabi nga nila masarap daw ang bawal, pero ang masasabi ko lang moderation lang ang kailangan.

Isa lang ang natitiyak ko kung saan saan na napunta ang sinusulat ko na binabasa mo. Gusto ko lang naman sanang ipakilala ang blog ko.