Showing posts with label samahan. Show all posts
Showing posts with label samahan. Show all posts

Friday, June 12, 2009

wala na siya...



mahal ko si YOSI, siya ang bumubuo sa mga malulungkot kong araw at gabi, siya ang aking kasama kapag nagiisip, nagiisa at nakatingala sa mga ulap at bituin sa langit, siya ang kasama ni kape sa aking breaktime, agahan at pati na sa hapunan, ngayon wala na siya, wala na rin akong kasama sa CR.....

Kinuha na siya ni Lord.

kesa naman ako ang kunin ni Lord no? mahal ko si Lord pero madami pa akong planong gawin, tuklasin, maramdaman, matikman at marating, kaya postpon nalang muna ang aming meeting at pinauna ko nalang muna si YOSI, siya ang isa sa mga humihila sa akin sa ilalim nang lupa, alam ko madami sila pero isa isa lang sa pagsusubtract, baka di kayanin nang aking body.. aheheheks...

Matagal ko nang plano ito pero ngayon ko lang tinotoo, sana nga lang ay magtuloy tuloy na ito at huwag nang bumangon pa si YOSI sa hukay at muli akong samahan sa aking pagiisa, (ano yun ZOMBIE?.)

mahirap sa simula, parang hinahanap hanap, naglalaway ka palagi, di makapagisip nang matino, nanghihina, nahihilo pero sa simula lang, pag nasanay ka nang wala nang nicotine ang katawan mo, balik ka na ulit sa normal na kilos, ngayon minus the usok and the amoy usok aheheheks...

at napatunayan sa aking sarili na meron din pala akong disiplina..

Pero ngayon naiisip ko si KAPE, malungkot na siya wala na ang kanyang barkada, wala na ang kanyang kaututang dila, wala na ang kanyang kumpare na humahalo halo sa kanyang usok, pero alam ko, malalampasan rin yan ni KAPE, maging matatag ka lang KAPE, dito lang ako sa tabi mo, kaya natin yan... aheheheks...

Palitan ko na rin kaya ang taytol nang aking BLAG? hmmmm.....

... in memory of yosi?
... nagiisa na si Kape?
... si kape?
... asan na si yosi?
... anak nang tipaklong bat mo pinatay si YOSI?


... hay saka ko na nga lag pagisipan yan, wala pang forty days si yosi... aheheheks...


Saturday, April 18, 2009

Barkada, Samahan... nasaan na kaya sila?


Naglinis ako nang kuarto ko kanina, mejo magulo na kasi, sangkaterbang memorabilla na kung saang saang lupalop nang aking mga pangarap ko binili, mga regalo, mga harbat, at kung ano ano pa.

At sa kakahalungkat, nakita ko rin sa wakas ang matagal ko nang hinahanap na photo album nang aming barkada.

Nakakalungkot isipin na wala na kaming balita sa isat isa. Tatlo lang kaming mga magbabarkada simula sa highschool kayat sobra ang closeness namin sa isat isa. The Three Muskeeters ang tawag namin noon sa aming samahan. Iba iba ang naging course namin nung college pero iisa lang school namin kaya okey lang, patuloy pa rin ang kulitan at talagang mejo napapatulo luha at uhog namin nang graduation na at pinatutug pa ang "Goodbye to you my friend, well see each other again.....", Tinginan lang kami noon, walang imikan alam kasi namin di na katulad nang dati, kelangan na naming maghanap nang trabaho, may mga responsibilidad nang nakaatang sa aming mga balikat at kelangan na naming maghiwahiwalay nang landas.

Nakatawang isipin ang huling reunion naming tatlo bago ako lumuwas nang maynila, tawanan kami nang tawanan habang tumutulo mga luha namin habang nagpapaalaman sa tabing ilog nang rio chico, natutuwa kasi may maipagyayabang nang diploma pero nalulungkot dahil buwag na ang samahang binuo nang sangkaterbang red horse, pinagdikit nang sandamakmak na yosi at pinagtagpi tagpi nang sangkaterbang kalokohan.

Tawa lang kami nang tawa dahil nagkakahiyaan kaming humagulgol pero talagang tulo ang mga luha namin at puro pigil na hikbi lang ang pwede naming ilabas, kayat ibinunton nalang namin sa sangkaterbang red horse ang lahat hangang makatulog sa kalasingan, hangang ngayon kapag naalala ko ang paalaman naming yun naluluha pa rin ako, at nakakapanghinayang dahil pagkalipas nang sampung taon wala pa rin kaming comunikasyon sa bawat isa.

Naghanap na ko sa friendster, facebook, tagged, multiply, at kung saan san pang site sa internet, pero wala akong makitang ni anino nang mga loko, parang napagiwanan na yata sila nang panahon at parang hindi yata marunong gumamit nang computer at internet. Nakakainis at nakakafrustrate.

Sabi namin noon sulatan kami kasi nga mahal pa ang cellphone at wala pang text, di pa din uso ang mga e mail, pero nakakalungkot dahil nang maghiwahiwalay kami nang gabing yun wala na rin akong naging balita sa kanila.

Ang sarap balikan ang mga nakaraan, pero kasama nang mga magandang alaala ay mga luhang tutulo dahil sa bawat magagandang alaala may mga di maiiwasang bagay at tao tayong maaalala, at ako miss na miss ko na ang aking barkada, ang aming dating samahan. Mabubuo pa kayang muli ang Three Muskeeters?