Saturday, May 30, 2009

pasukan na...


June na pala, ang bilis talaga nang panahon, eto at panahon na naman nang tagulan, at kasabay na naman nang mga patak nang ulan ang makapigil hiningang pagtitipid upang may maipadala sa probinsiya para sa alawans ni beybi damulag sa elementarya, ni jologs na kapatid sa hayskul, at ni munting propesyonal sa kolehiyo.

Tiyak na tiyak na naman ang kita ni LBC, Western Union, at ang hari nang padala sa mga remittance, local man o mapa international. (kuha nalang kaya tayo nang stock share para libre na padala? aheheks)

Sabagay kaya nga tayo nagtatrabaho diba? para mabigyan sila nang mas magandang bukas at ang magandang bukas na iyon ay mararating nila nang mas mabilis kung meron silang sapat na kaalaman, diploma at karunungan na makukuha lamang sa paaralan. (na sobrang mahal... ngiiii...)

hindi pa ako isang ama, isa lang akong kuya na nagnanais ding mabigyan nang diploma ang aking mga kapatid upang makahulagpos rin sila mula sa mahigpit na yakap nang kahirapan.

dahil saan ka man parte nang mundo mapadpad basta meron ka nito, wala kang talo, gamitan mo lang nang konting diskarte, tamang pagiisip, sipag at talino in na in ka na parekoy. (para lang commercial nang alcohol.. aheheks... di lang pampamilya, pang isports pa ahehehe..)

Kaya lang naisip ko lang ito noong graduate na ako, noong nasa mga kamay ko na yung diploma at ginagamit ko na, dahil noong nasa paaralan pa lamang ako, ang pasukan ay hudyat na naman nang lingo lingong allawans, may pang gimik, may pang inom, may pang yosi at may pang outing. ( inang... ito rin kaya nasa isip nila?.. aheheheks)

minsan pa nga kapag kinulang ang bigay na alawans dahil may lakad, magkikita ang tropa, o may date, kupit sa tindahan ni nanay, o kaya ay kunwari may project, kunwari bili nang libro, tapos ipapaxerox lang pala, kunwari bibili nang bagong uniform yun pala ipapa repair yung luma e bi mukha nang bago. ( oyyyy!!! di ko ginawa lahat yan, nakuwento lang sa akin... aheheheks)

kaya nga ako kinakabahan kapag sinasabihan ni nanay yung mga mas bata ko pang kapatid "Tularan niyo kuya niyo". Inang kupo, mapapasubo ata ako pag nagkataon aheheheheks...

ikaw anong kwentong fibisco mo? aheheheks....

Friday, May 29, 2009

Pira Pirasong Langit

minsan napakasarap tumingala sa langit at pagmasdan ang paiba ibang hugis nang mga ulap na naglalakbay sa bughaw na kalawakan, para lang mga kumpol nang mga pangarap na nabubuo, lumalago, na parang hinahanap ang tamang lugar sa kalangitan upang makita, mapansin at mapagmasdan nang lahat.

Subalit sa kanilang paglalakbay hindi maitatatwang may mga ibang pangarap na nawawala na lang, naglalaho, nagkakapiraso, at nawawalan nang buhay, habang ang ilan naman ay patuloy na lumalago, nabubuo hangang maging isang kumpol nang tubig sa langit na nagsisilbing biyaya sa lupa bilang ulan na nagbibigay buhay.

Subalit hindi lahat nang mga nabuong pangarap ay nagbibigay nang panibagong buhay at pagasa, meron ding nagiging mapaminsala at minsan kumikitil din sa mga pangarap nang iba.

ang kapirasong langit na nasa mga kamay mo, para saan ba ito? upang makapagbigay nang panibagong pagasa katulad nang ulan o upang kumitil nang mga pangarap tulad nang unos?...

Wednesday, May 27, 2009

are you smarter than a fifth grader- Kelly Pickler

hindi ko talaga kilala si Kelly Pickler pero sabi ni pareng Wikipedia siya daw ay isang American country music artist, naging sikat daw siya dahil sa pagsali niya sa Fifth Season nang American Idol at umabot siya hangang sa sixth place.

Meron din siyang certified gold album na kinabibilangan nang mga kantang "Red High Heels", "I wonder", at "Things that never cross a mans mind". Magaling siyang singer pero natawa talaga ako nang todo sa episode na ito nang .... tadannnn....

Are you smarter than a fifth grader...

hungary...





a swirly after class....




isa lang ang masasabi ko, wow.....!!!

Tuesday, May 26, 2009

naalala mo pa rin?...

pagkatapos mong kausapin, ibalibag at pangigilan ang iyong mga gamit, ngayon naman kapag ikaw ay nagiisa, may mga pagkakataon bang bigla ka nalang nangingiti? o kaya ay bigla na lamang tatawa nang malakas na bubulahaw sa iyong katabi na bigla ring magtatanong "hoy, anong nangyayari sa iyo?" o kaya ay nakatanaw ka sa malayo, nakatulala, parang wala sa sarili, tapos bigla ka nalang tatanungin nang mga kasama mo sa trabaho "Nakainom ka na ba nang gamot mo?" o kaya ay "tatawag na ba ako nang amulansiya para maihatid ka na sa mental para maagapan yan?"


nakakainis no? sentisentihan ka, tapos bubulabugin ka lang nang mga hinayupak na walang mga magawa, kung bakit naman kasi kapag nagiisa ka, masarap magiisip at alalahanin ang mga masasayang moments niyo nang iyong labidu, o kaya mga kulitan, harutan at ang mga walang kwentang jokes nang iyong mga kaibigan na hindi naman nakakatawa noon pero ngayon kung kelan ka nagiisa saka ka naman natatawa, hmmmm... may pagka slow ka? ... aheheheks..


bakit kaya ano? kapag nagrereminisce ka, kapag inaalala mo ang mga nakaraang pangyayari sa buhay mo, pati na ang mga emosyong naramdaman mo noon ay bumabalik din, ang saya, ang mga halakhak, pati na ang pait, ang tamis, ang galit at pati na ang mga luha ay bumubuhos pa rin, maaring hindi na ganoon katindi ang emosyon mo, pero nakapaloob pa rin dito ang mga emosyong iyon kahit lumipas na ang panahon.

kailangan ba talagang kapag may naalala ka, kasama pa rin ba dapat ang mga emosyong nadama mo nang ang pangyayaring iyon ay naganap? hindi ba pwedeng "I remember the scene but i dont remember the feelings anymore?" aheheheks... kanta ata yun?


pero kapag tinangal mo ang mga emosyong nakapaloob dito ano pa nga ba ang silbi para alalahanin mo ang nakalipas? bakit ba kasi kailangang magreminisce? bakit kailangang alalahanin pa ang mga nangyari na? ano pa nga ba ang mga rason bakit binabalikbalikan mo pa rin ang isang alalaala na lang?

ito ba ay para magsilbing alaala nang iyong mga pagkakamali upang matuto sa mga susunod na mangyari ulit ito? para katukin ang puso mo at ipaalalang nangyari na ito, ayaw mo nang mangyari pa ulit, o maramdamang pagkalipas nang lahat nang nangyari ay maramdaman mong tao ka pa rin, may puso at damdaming nakakaramdam pa rin nang sakit, saya, nakakaluha at nakakatawa pa rin, o kaya ay paalalahanan mo ang iyong sarili na pagkatapos nang lahat heto ka pa rin nakatayo, lumalaban, mas masaya, o mas malungkot kesa sa dati? na nakalugmok pa rin at di pa nakakamove on?

sandali lang, akala ko ba masaya ang post kong ito? e bakit parang nagiging drama na? anak nang tipaklong naman, ayoko nang iyakan, ayoko nang drama, pero paano ba gawing masaya ang pagalala sa isang malungkot na bahagi nang iyong buhay?...

hindi naman pwedeng tumatawa habang lumuluha para sana balanse, may ngiti, may luha, may ambulansiya nang naghihintay sa iyong paglabas ahehehe....

masarap magbalik tanaw kapag ito ay nagbibigay sa iyo nang lakas upang lumaban, tumayo at maglakbay ulit, subalit kung sa iyong paglingon ay mas malulugmok ka sa iyong kinalalagyan ay dapat mo na siguro itong kalimutan, iwaksi sa iyong isipan at pulutin ang aral na pwede nitong ibigay sa iyo, lumakad pasulong, at hayaang lamunin nang kahapon ang pait na dala nang nakaraan.

ngunit paano?...





Monday, May 25, 2009

paano kaya?...hmmmm...

naranasan mo na bang nagsasalitang magisa? kinakausap ang sarili? o kaya ay ang mga bagay bagay na nasa paligid mo?

kapag nagcocomputer ka at mabagal ang connection, di mo ba mapigilan ang sarili mong kausapin ang computer mo, murahin o kaya ay magmakaawa upang bilisan nito ang pag download? kapag di mo mabuksan ang pinto, ano ba ang ginagawa mo? kinakausap mo pa rin ba? ang sapatos mo kapag di mo makita sinisigawan mo ba at tinatanong kung nasaan na siya? na pwede bang magpakita na siya at malelate ka na? ang susi mo kapag di mo mahanap, ano ang ginagawa mo?

hindi ko rin maintindihan pero alam mo namang hindi sasagot ang mga iyon pero kung kausapin mo sila ganun ganun nalang, kung minsan punong puno nang pagmamahal, minsan naman punong puno nang galit, kung ibalibag mo nga sila ganun ganun nga lang din, kung minsan at nangigigil ka di ba kung lapirutin mo sila, yakapin ay halos magkadurog durog na sila?

nakakatuwa ano? alam mong di ka naman sasagutin pero bakit kailangan mo pa silang kausapin? pumasok na ba sa isip mo paano nalang kung bigla silang sumagot? may matatakbuhan ka ba? e kung sa kakalapirot mo sa pangigigil mo diyan sa laruan mong teddy bear biglang umaray, may malulundagan ka ba? yung sapatos mo sa kababalibag at biglang nagreklamo may mapagtataguan ka kaya? yung mga susi kung biglang sumagot at sisishin ka sa pagiging burara mo, may matatakbuhan ka ba? hmmmmmm.....

e pano nalang kung habang binabasa mo to may sumitsit sa likod mo lilingon ka kaya?....

aheheks.... joke lang po....

pssssttt..... hahaha

Sunday, May 24, 2009

my favorite blog award

Lahat tayo may mga blog na binabalikan, kahit isang taon na ang nakalipas mula noong huli siyang nagpost e sige pa rin tayo sa pagbisita dahil gusto natin ang kanyang blog, marahil dahil nakakarelate tayo sa mga post niya, naniniwala tayo sa kanyang mga pananaw o kaya ay naaaliw tayo sa paraan niya nang pagsulat at sa paglalahad nya sa kanyang mga naiisip, kahit ano pa ang rason mo, masama man mabuti basta ang nahalaga ay gusto mo ang blog niya, mahal mo na siya bilang isang manunulat at nais mong sabihin sa kanyang "love ko na ang blog mo", at umaasa akong sa paraang ito ay masabi natin sa ating kapwa bloger na paborito natin ang kanyang pahina.


simple lang naman ang rules nito.

1. dapat lagi mong binibisita ang kanyang pahina,
2. inform mong meron siyang tag/award sa pahina mo,
3. acknowledge mo kung sinong nagbigay sa iyo.
4. pwede mong ibigay sa kung ilang blog na mahal mo, malapit sa puso mo, o kaya ay paborito mo.
5. Lagyan mo na rin nang link

yun lang.

una na ako.... gusto kong ibigay ito kay:

Lord Cm mula sa "Dungeon Lord"

Hari nang Sablay mula sa "Tambay"

The Pope mula sa "Palipasan"

Marlon mula sa "Perspektib"

Super Gulaman mula sa "Super Gulaman"

Jelai mula sa "My Deviation"

Gi-Ann mula sa "The Second Realm"

at sa lahat nang mga naligaw, nakibasa, tumambling sa aking pahina at sa lahat nang mga ka blogs natin na nasa aking blogroll at nais niyo din itong kunin at may pagbibigyan kayo ay sige lang grab lang nang grab aheheks...





gusto ko lang ding pasalamatan si Gi-Ann mula sa TheSecond Realm, at kay Jelai mula sa My Deviation para sa mga award na to..



Saturday, May 23, 2009

sa aming probinsiya..


alam ko hindi lang ako ang gustong gusto nang makauwi na muli sa probinsiya, ang muling makita ang mga kaibigan at mga kabarkadang kababata, mayakap ang mga mahal sa buhay at muling gawin ang mga bagay bagay na ating kinagawian, ang magpalipad nang sarangola sa kaparangan, maghabulan sa bukid, magkwentuhan sa ilalim nang punong manga, umakyat sa puno nang sinegwelas, manghuli nang tutubi sa parang at kung ano ano pang gustong gusto mo nang balikan at gawing muli upang maramdamang muli ang ligayang dulot nang pagiging bata...

ang sorbetes na inaabangan mo sa hapon, ang habulan ninyo habang naglalaro nang tumbang preso, piko, taguan, sipa, at madami pang iba, at siyempre namimiss mo na rin yung kalaro mo sa bahay bahayan, kumusta na kaya sila?

kakainis kasi itong si mareng Celeste Legaspi, sarap na sarap akong nakikinig sa radyo nang bigla siyang kumanta, nadala tuloy ako, nasaling ang aking pinakatago tagong damdamin para sa aking mga mahal na naiwan sa probisiya, ayan nag "emo mode" tuloy ako...

haaaaaayyyyyyy......

Thursday, May 21, 2009

ikaw, ako at isang mathematical equation


ayaw na ayaw ko ang math, kaya nga ako kumuha nang English bilang major sa aking pagaaral kasi puro lang yun subject and predicate, noun at pronoun, at walang kinalaman dito ang addition, subtraction, multiplication at division, lalong lalo nang ayaw kong makasabay sa paglalakbay sina pareng squareroot at pareng pie, lalo na si pareng variance, dahil sakit nang ulo, lagnat, sipon at nose bleed ang inaabot ko sa kanila.


Subalit, ngunit, datapwat....


sa mga hindi maiiwasang kadahilanan napalundag ako sa kumukulong kumunoy nang mga numero sa aking paghahangad na maiangat ang aking propesyon at hangang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaahon mula rito, magaapat taon na rin ako sa mundo nang accounting, pero habang tumatagal parang nalibang na rin ako at hindi ko na inasam na muling umahon pa at lisanin ang kanilang mundo, ewan ko ba? parang may magnet na humila sa akin upang mapalapit sa kanila at tuluyan ko silang niyakap, inalagaan at itinuring na bahagi na nang aking buhay.

noong una pinipilit ko ang sarili kong iwasan sila, na hindi kailan man mainlab sa magulong mundo nang mga numero pero sa bawat galaw ko, unti unti kong nakita kung paanong ang mga numero ang siyang gumagabay sa aking paglalakbay, at napagtanto ko na tayo ay nabubuhay sa gitna nang isang malaki at complikadong mathematical equation, maaring napansin mo na rin, maari ding hindi mo lang binigyan nang tingin pero hindi bat sa bawat galaw mo, maaring gumagamit ka nang addition, subtraction, multiplication at maari ding may division?

kapag naglalakad ka nagdaragdag ka nang milya sa iyong paglalakbay, habang nagsusubtract ka naman sa oras na iyo pang ilalagi sa mundo, nagmumultiply ka sa pamamagitan nang pagkakaroon nang mga supling at gumagamit ka nang division upang mapagkasya ang oras mo sa trabaho, pamilya, kaibigan at para sa iyong sarili, pero habang ginagawa mo ito ay naapektuhan rin ang buhay nang ibat ibang taong nakapaligid sa iyo.

kasama ako sa nagsasabing mahirap unawain ang mathematics, pero kapag itoy iyong niyakap at isinapuso ay makikita mong hindi ito mahirap intindihin, at lalong hindi siya mahirap gamitin sa araw araw nating paglalakbay.

hindi ko man lubusang maipaintindi sa inyo kung ano ang ibig kong sabihin subalit magmasid ka kaibigan at makikita mong ang mathematics ay ginagamit natin sa araw araw, hindi lang natin napapansin, hindi lang binibigyang halaga, pero ikaw ay kasama ko sa isang higante at kumplikadong mathematical equation at bawat kilos mo ay may epekto rin sa akin, at sa mga taong mas malapit pa sa iyo.

hmmmmm... did i make sense? aheheheks...



takbo, wala lang tumakbo ka lang....



naranasan mo na bang tumakbo, tumakas at iwan ang mga problemang humahabol sa iyo? ang pansamantalang magkaroon nang katahimikan at dagling kalimutan ang mga responsibilidad na nakaatang sa iyong mga balikat?


nakakapagod diba? takbo ka lang nang takbo, tago ka nang tago, pero mayat maya nandiyan pa rin ang problema nakasunod sa iyo, hindi maiwan, hindi mataguan, parang pusa lang hindi mo mailigaw, basta nalang lilitaw, ayan na naman siya, hindi mo tuloy alam kung saan ka sisilong upang ang hinayupak na problemang yan ay lubayan ka, lumisan nang tuluyan, at maglahong parang bula.


bakit hindi mo nalang kasi harapin, square kayo sa ring? magboxing kayo, bugbugan maghapon magdamag ang unang matumba talo, upang hindi mo na kailangang magtago, at hindi ka na rin niya susundan, lalo na kapag natalo mo siya, isisigaw mo nalang next problem please .. aheheheks...


inom ka nang alak, malilimutan siya sandali, pero kapag wala na si alak, ayan na ulet siya, hindi naman pwedeng bente kuatro oras kang lashing, paktay ka pagnagkataon, wala ka na ngang problema, wala ka na ring buhay, wala din, talo ka, at higit sa lahat wala ka nang magagawa para lutasin ang iyong problema, tapos ayan na si pareng uuod, kakagat na... eeeewwwwww.... haha


kaakibat na natin ang problema, bawat hakbang mo nga kung hindi ka nagiingat may problemang dulot, hindi naman pwedeng for life ka nalang nakatayo diyan, wala kang mararating at higit sa lahat, mangangawit ka sa katatayo mo, e paano kung yung pwesto mo binahayan nang langam, e di pinagkakagat ka, hindi ka pa rin kikilos? ay ewan... engot hehehe


bawat problema may katumbas na solusyon, para lang yang mathematical equation, gamitan mo nang plus, minus, divide at multiply, kung hindi uubra ang isa, gamitan mo nang dalawa o kaya ay higit sa dalawa, kung hindi pa rin lapit ka kay pareng squareroot, tignan lang natin kung hindi matunaw ang problemang yan.


ang problema kasi kapag hinayaan mo lang gagamit din nang mathematical equation yan laban sa iyo, mag aadd yan magpapaplus, e paano pa kapag gumamit nang multiply, e di natabunan ka, pero kapag kumilos ka, ginamitan mo siya nang minus, malamang matumbok mo yung zero e di wala na siyang power kung hindi man at least nabawasan mo naman ang kanyang power to give problems aheheks...


hmmmmm... itutuloy na lang natin mamaya, o kaya bukas, abangan nalangh ang susunod na kabanata..... pagod na ako e ahihihiks.....


Wednesday, May 20, 2009

balik tanaw lang....


nang dahil sa payless na yan, napaisip ako, napatigil, may naalala, nag "emo mode"....

noong panahong nasa school palang, noong ang allowance ay pinagkakasya lang para sa isang lingo, at siyempre kapag dumating na ang miyerkules mejo kulang na ang pera at dapat ka pang magtira nang pamasahe para makauwi sa sabado upang makabakasyon pansamantala at makakuha na ulit nang allowance para next week.

hindi kami mayaman mayabang lang talaga ako aheheheks.... at ang allowance ko lang noon ay Five hundred pesos kasama na doon ang thirty pesos na pamasahe para sa dalawat kalahating oras na biyahe mula sa aming barrio. Hangang saan nga naman aabot ang four hundred seventy sa dami nang projects, ipapaxerox, pangmeryenda, pangkain at pang date, tapos dapat ka pang magtira nang thirty pesos para makauwi ulit o maghahanap ka nang mauutangan sa biyernes upang makauwi, at kadalasan yung huli ang ginagawa ko tapos dapat sa lunes bayad ka kung hindi hindi ka na makakaulit. hehehe.

Three fity lang ang payless noon at kuatro pesos naman kapag pancit canton, tapos ang itlog ay three fity din, talagang naalala ko yan kasi yan ang palagi kong pagkain, sa umaga, tanghali at hapunan, iba iba nga lang ang flavor, at kapag itlog naman, dapat scrambled na prito at dapat malaki ang pagpriprituhan para malaki ang spread para mahati mo, para may ulam ka pa mamayang tanghali. haaaaay, buhay estudyante nga naman.

nakakatuwang magbalik tanaw, ang isipin kung paano ka nakasurvive, at balikan ang ibat ibang putahe nang payless na ihinain mo, o kaya ay pancit canton na nilagyan nang kung ano anong sahog na gulay tapos isang kalderong kanin ang kasabay, solb na ang gutom mo.

mapalad yung ibang mga kaibigan natin na hindi na kailangang magtipid para lang makapagaral, pero dahil na rin sa mga bagay yun kaya ako nagpursige, nagaral nang mabuti, upang hindi na muling maulit ang mga yun sa aking magiging mga supling, haaaay, sana nga lang maapreciate nila ang mga pagsusumikap ko ngayon para sa ikabubuti nila... aheheheks... achuchuchu.. haha..