Showing posts with label nose bleed. Show all posts
Showing posts with label nose bleed. Show all posts

Friday, October 15, 2010

Just another day...



Last week was one hell of a ride , I was up, down and most of the time tossed and almost thrown overboard. I just hold on tight with high spirit but anchored my feet in the ground, and that worked for me.

I don't want to speak about the details but i would like to share what i learned.



"Put your heart in everything you do and make it always your best, allow your self to shine but never ever think that you are indispensable".


Sometimes we tend to take our job easy and treat it like we don't care, but beware if the management see's there's no difference if you're in or out they always have the time and authority to fire you. I say love what you do and never settle for "PWEDE NA YAN" output, for even the hardest job would just be like eating peanuts as long as you put your heart in to it, and if you love it you'll never want to settle for the second best.

If you did the best of what you can do and offer, never ever think that you are indispensable unless you own the business but too much bossiness might also lead to a day when no one would like to work for you. I say put your heart into it but never to put it in your head.

Sometimes if we excel and reach the pinnacle of what we do, the praises, rewards and honors we receive tend to blow our heads out of proportion and if not controlled might literally blow us into pieces. Always have your feet anchored to the ground and share the glory and credit to your team and friends.

Consider your team and friends as your life support, with out them you could not function effectively though you function independently. Your team could break your fall and your friends could cushion the fall.

I learned a lot though i didn't learn everything yet, for learning is a never ending process that would benefit you if you keep on listening and practice what you've been taught.

I resigned not because i lost the battle but because i lingered too long in my comfort zone. You can never put a good man down, and next week is a new beginning for me as i stand up against the challenge of a new career.

Good luck to me and to the company i will be associated with and foresee the great days ahead.


I just have one question about this post "did i make sense?"...

Sunday, August 23, 2009

naligaw ako....


mahirap palang maligaw, hindi mo alam kung saan ka papunta, hindi mo alam kung babalik ka ba o ipagpapatuloy mo nalang ang paglalakbay, dahil sayang naman ang miles na nalakbay mo na.

mahirap pala kapag hindi mo alam kung anong nasa dako pa roon, hindi mawala ang kaba, at pangamba sa iyong dibdib, ang pagaagam agam kung tama ba o mali ang tinahahak mong landas.

pero mas mahirap pala habang nagtgitipa ka sa keyboard nang computer mo, nasa kalagitnaan nang pageemote tapos nag automatic update ang computer mo nagre start, nawala tuloy ang emote mode mo...

anak nang tinapa..

hay buhay.. ewan ko ba, parang feeling ko kasi nagkawindang windang ang buhay ko in the past few weeks, nawalan ako nang ganang gawin ang lahat nang mga nakasanayan ko nang gawin, maging sa trabaho, sa bahay kahit na mga extra curricular and non curricular activities na dati ko namang ginagawa ay naiwang nabitin, hindi natapos, tumiwangwang at humambalang sa bawat kanto nang aking buhay.

parang nawalan ako nang gana, siguro nga dumarating talaga sa buhay nang isang tao ang bigla nalang magsawa, mawalan nang gana o kaya ay maligaw nang panandalian, kung ano pa mang dahilan ay hindi ko mawari, hindi ko maintindihan at lalong hindi ko siguro ito maipapaliwanag nang mabuti.

pero sa panandaliang pagkaligaw na yun ay malalaman mo kung gaanong kahalaga nang mga ito sa iyong buhay, yan ay kung matutuntun mo agad ang dating daang tinahatahak mo at hindi ka tuluyang malugmok sa pagkakaligaw.

sana nga lang magtuloy tuloy na ito at hindi na ako muling maligaw nang landas...

aheheheks...

bow....

Friday, May 29, 2009

Pira Pirasong Langit

minsan napakasarap tumingala sa langit at pagmasdan ang paiba ibang hugis nang mga ulap na naglalakbay sa bughaw na kalawakan, para lang mga kumpol nang mga pangarap na nabubuo, lumalago, na parang hinahanap ang tamang lugar sa kalangitan upang makita, mapansin at mapagmasdan nang lahat.

Subalit sa kanilang paglalakbay hindi maitatatwang may mga ibang pangarap na nawawala na lang, naglalaho, nagkakapiraso, at nawawalan nang buhay, habang ang ilan naman ay patuloy na lumalago, nabubuo hangang maging isang kumpol nang tubig sa langit na nagsisilbing biyaya sa lupa bilang ulan na nagbibigay buhay.

Subalit hindi lahat nang mga nabuong pangarap ay nagbibigay nang panibagong buhay at pagasa, meron ding nagiging mapaminsala at minsan kumikitil din sa mga pangarap nang iba.

ang kapirasong langit na nasa mga kamay mo, para saan ba ito? upang makapagbigay nang panibagong pagasa katulad nang ulan o upang kumitil nang mga pangarap tulad nang unos?...

Thursday, May 21, 2009

takbo, wala lang tumakbo ka lang....



naranasan mo na bang tumakbo, tumakas at iwan ang mga problemang humahabol sa iyo? ang pansamantalang magkaroon nang katahimikan at dagling kalimutan ang mga responsibilidad na nakaatang sa iyong mga balikat?


nakakapagod diba? takbo ka lang nang takbo, tago ka nang tago, pero mayat maya nandiyan pa rin ang problema nakasunod sa iyo, hindi maiwan, hindi mataguan, parang pusa lang hindi mo mailigaw, basta nalang lilitaw, ayan na naman siya, hindi mo tuloy alam kung saan ka sisilong upang ang hinayupak na problemang yan ay lubayan ka, lumisan nang tuluyan, at maglahong parang bula.


bakit hindi mo nalang kasi harapin, square kayo sa ring? magboxing kayo, bugbugan maghapon magdamag ang unang matumba talo, upang hindi mo na kailangang magtago, at hindi ka na rin niya susundan, lalo na kapag natalo mo siya, isisigaw mo nalang next problem please .. aheheheks...


inom ka nang alak, malilimutan siya sandali, pero kapag wala na si alak, ayan na ulet siya, hindi naman pwedeng bente kuatro oras kang lashing, paktay ka pagnagkataon, wala ka na ngang problema, wala ka na ring buhay, wala din, talo ka, at higit sa lahat wala ka nang magagawa para lutasin ang iyong problema, tapos ayan na si pareng uuod, kakagat na... eeeewwwwww.... haha


kaakibat na natin ang problema, bawat hakbang mo nga kung hindi ka nagiingat may problemang dulot, hindi naman pwedeng for life ka nalang nakatayo diyan, wala kang mararating at higit sa lahat, mangangawit ka sa katatayo mo, e paano kung yung pwesto mo binahayan nang langam, e di pinagkakagat ka, hindi ka pa rin kikilos? ay ewan... engot hehehe


bawat problema may katumbas na solusyon, para lang yang mathematical equation, gamitan mo nang plus, minus, divide at multiply, kung hindi uubra ang isa, gamitan mo nang dalawa o kaya ay higit sa dalawa, kung hindi pa rin lapit ka kay pareng squareroot, tignan lang natin kung hindi matunaw ang problemang yan.


ang problema kasi kapag hinayaan mo lang gagamit din nang mathematical equation yan laban sa iyo, mag aadd yan magpapaplus, e paano pa kapag gumamit nang multiply, e di natabunan ka, pero kapag kumilos ka, ginamitan mo siya nang minus, malamang matumbok mo yung zero e di wala na siyang power kung hindi man at least nabawasan mo naman ang kanyang power to give problems aheheks...


hmmmmm... itutuloy na lang natin mamaya, o kaya bukas, abangan nalangh ang susunod na kabanata..... pagod na ako e ahihihiks.....


Saturday, May 9, 2009

ang aking inay..


hindi ko pa nasasabihan nang "I LOVE YOU" ang aking inay, ewan ko ba? dyahi e! nahihiya akong ewan aheheks... parang baduy, parang .... parang.... a ewan basta ayaw lumabas sa bibig ko.. aheheheks... pero alam niyang lab na lab ko silang pareho ni tatay..

Hindi lang kasi kami sanay na nagsasabihan nang mga ganong kaekekan... pero naiingit ako sa mga kaibigan at mga kaaway ko na nakakapagsabi nang "ILOVE YOU" sa kanilang mga ama at ina.

Mabait ang nanay ko, huwag mo nga lang siyang tatarantaduhin dahi talagang bibigwasan ka niya, panlalakihan nang mga mata, at rarapiduhin ka nang salita...... bratatatatatatatattatttt.... walang katapusan hangang mapagod (o hangang maubusan daw nang gasolina ayon kay tatay), tapos may continuation pa yan kinabukasan (sabi nga ni tatay, may gasolina na daw ulit si nanay).... kayat kaming lahat kapag nagsalita siya at nangaral, makinig ka na kung ayaw mong masaktan... eheheks.... (kasama tatay ko dyan... eheheks) wala siyang sinasanto kapag nagagalit, umiwas ka na sa kanyang daraanan kung ayaw mong madamay, may mga kapitbahay kaming kunwari hindi takot sa kanya,pero bahag naman ang buntot kapag hinarap sila ni nanay. Yan ang nanay ko "Amasona, Palaban" lalo na kapag nasa tama siya. sabi nga niya "Ayusin mo kasi buhay mo kung ayaw mong masaktan, kung tarantado ka mas tarantado ako kung ako lolokohin mo" pero kahit papano madaming nakikinig sa kanyang mga opinyon. (dala na rin siguro nang takot aheheheks)....

At ang madalas na habilin nang aking tatay kapag nagaalmusal kami, bago ako umalis nang bahay noon bago pumasok lalo na noong nasa highschool palang ako, "umayos ka rhodey ha, ayaw ko nang makinig nang long playing na sermon pag di ka dumating sa oras.." kukurutin naman siya ni nanay o kaya ay papaluin nang sandok, saka sila magtatawanang dalawa... haaaay, namimiss ko na talaga silang pareho.

Pero dahil sa kanyang "carino brutal" na paglalambing ay nakatapos akong pagaaral, at noong graduate na ako nang college, hindi na siya nagagalit sa akin, sa mga kapatid ko nang sumunod (panganay ako sa lima).. hindi na rin niya ako masyadong hinahanap, at sinusundo kapag nalelate ako nang uwi at napadaan sa mga bahay bahay nang aking mga kaklase. sabi nga niya hindi ko na daw kailangan nang matinding gabay, may diploma na daw akong pwedeng iharap sa buhay at gamitin ko daw yun nang tama o ako ang tatamaan sa kanya...

Iyak siya nang iyak nang magdesisyon akong dito na lamang sa maynila maghanap nang trabaho, matinding sermon ang pabaon sa akin habang pahikbi hikbi niya akong inihatid sa bus terminal. huwag magpupuyat, huwag matututong maglasing, huwag kakain nang wala sa oras, huwag papabayaan ang sarili at madami pang huwag.... habang pangiti ngiti lang ang aking tatay habang nakamasid at isang mahigpit na yakap lang ang pabaon sa akin bago ako sumakay nang bus at parang sinasabing "Pagbutihin mo dun anak, sundin mo ang mga bilin ni nanay!

Pero mas gusto kong magalit si nanay kesa kay tatay. kasi si tatay isang salita lang di mo mapapakingan nang kung ano ano pang sermon, at minsan ka rin lang magpaliwanag, kung naipaliwanag mong mabuti ang kaso mo, okey absuelto ka.. pero kapag tumunog ang kanyang lie detector... (may built in detector ata tatay ko, hindi ako makapagsinungaling sa kanya... eheheks) patay, takbo kay nanay.

haaaaay... sa December pa ulit ako makakabakasyon... at talaga namang gusto kong hilahin ang mga araw para makauwi na..miss ko na silang lahat..

Saturday, April 25, 2009

nose bleed...

(kopya mula sa internet)

halfday ako tuwing sabado, tapos na ko sa reports at iba pang mga gawain sa opis, di rin nagparamdam ang aking ka chat kayat naisipan kong magpakalat kalat sa mundo nang kablagan!

Napadpad ako sa mundo ni pareng Thoughtskoto at isang nakaka nose bleed na hiling ang tumambad sa aking pamamasyal, nagsisi tuloy ako ... aheheks...

Tulungan daw natin siyang isalin sa wikang Pilipino ang mga katagang....

“Filipinos Abroad – Hope of the Nation, Gift to the World”

Ako ay Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.... pero hindi ko ito maisalin, lapit tuloy ako kay bro.. "Bro, i need your help..." ang sabi ni bro?... "Magsaliksik ka..." lapit ako kay meriam webster, sabi niya... "wala dito hinahanap mo", lapit ako kay google at sabi niya .. "Mamili ka...", lalo akong nalito, nahilo at nawalan nang ulirat.


Lapit ako sa aking mga kaibigan, ang sabi nila "Diyos ko, Pati ba yan pinoproblema mo?", "Problema mo yan bakit mo kami idadamay?" ang saklap diba? Pero in fairness tumulong sila word per word...

Dugo dugo na ilong ko, ubos na rin ang aking isang kilong bulak , nang may bumbilyang sumindi... "ting" (sound effects yan...)

eto ang kanilang mga translations:

OFW - bagong bayani
HOPE - Sigarilyo ehe! Pagasa
NATION - UN? ngeeekk.. Bayan
GIFT - gantimpala, biyaya, handog
WORLD - PEACE? hehehe, Mundo, sangkatauhan, sanlibutan

Rinambol ko ito parang hueteng at ang lumabas..

"Pinoy: Bagong Bayani, Pag-asa at handog sa Mundo"

"Pinoy: Bagong Bayani, Pag-asa nang Bayan at handog sa Sanlibutan"

"Bagong Bayani: Pag-asa nang Bayan at Biyaya sa Sangkatauhan"

"Bagong Bayani: Pinoy, Pag-asa ka nang Sangkatauhan"

hala... pinakyaw, eheheks..... ikaw kung meron kang idea, hala magpadugo ka rin nang ilong, at tumulong sa ating kaibigan. hahaha...