Showing posts with label trabaho lang. Show all posts
Showing posts with label trabaho lang. Show all posts

Friday, October 15, 2010

Just another day...



Last week was one hell of a ride , I was up, down and most of the time tossed and almost thrown overboard. I just hold on tight with high spirit but anchored my feet in the ground, and that worked for me.

I don't want to speak about the details but i would like to share what i learned.



"Put your heart in everything you do and make it always your best, allow your self to shine but never ever think that you are indispensable".


Sometimes we tend to take our job easy and treat it like we don't care, but beware if the management see's there's no difference if you're in or out they always have the time and authority to fire you. I say love what you do and never settle for "PWEDE NA YAN" output, for even the hardest job would just be like eating peanuts as long as you put your heart in to it, and if you love it you'll never want to settle for the second best.

If you did the best of what you can do and offer, never ever think that you are indispensable unless you own the business but too much bossiness might also lead to a day when no one would like to work for you. I say put your heart into it but never to put it in your head.

Sometimes if we excel and reach the pinnacle of what we do, the praises, rewards and honors we receive tend to blow our heads out of proportion and if not controlled might literally blow us into pieces. Always have your feet anchored to the ground and share the glory and credit to your team and friends.

Consider your team and friends as your life support, with out them you could not function effectively though you function independently. Your team could break your fall and your friends could cushion the fall.

I learned a lot though i didn't learn everything yet, for learning is a never ending process that would benefit you if you keep on listening and practice what you've been taught.

I resigned not because i lost the battle but because i lingered too long in my comfort zone. You can never put a good man down, and next week is a new beginning for me as i stand up against the challenge of a new career.

Good luck to me and to the company i will be associated with and foresee the great days ahead.


I just have one question about this post "did i make sense?"...

Tuesday, September 29, 2009

"Nangarap ako noon...."

nangarap lang naman ako noon, na sana pagdating nang panahon ay mabuo ko rin ang aking mga pangarap, na sana matupad ko ang nais nang aking mga magulang, ang magkaroon nang mas mabuting buhay, yung hindi ka nabibilad sa bukid, yung hindi napuputikan, yung nakakin ang mga nais kanin, at yung laging malinis at mabango dahil may magandang uniporme at mamahaling pabango na magagamit sa pagpasok sa isang magandang trabaho araw araw.


kung tutuusin napakasimple lang naman nang aking mga pangarap noon, subalit hindi pala ganoon kadali, hindi pala iyon madaling marating, hindi pala iyon parang isang bagay na maaaring bilhin na kapag nagsawa ka na ay pwede mo nang itapon, itago o kaya ay ipamigay.


Mahirap palang mangarap, at mas mahirap palang abutin ang mga pangarap na iyon lalo na kapag sa pagtagal nang panahon, at sa iyong pagtanda, ang mga simpleng pangarap na ito ay malalaman mo na lamang na hindi na pala para lamang sa “iyo”, kundi para na sa “inyo”.


Iisa lang naman ang pangarap na iyon kung tutuusin, subalit sa pagikot nang panahon ang “Ako” ay unti unting naging “Tayo”, hangang sa maging “Kami”.


Iisang pangarap, subalit sa pagyabong nito ay ang pagdagdag nang mga taong umiikot dito, umaasa, at nagdarasal na sana ay matupad mo ang iyong mga pangarap, dahil sa katuparan nang mga ito ay ang katuparan na rin nang mga pangarap nila.


Noon akala ko, nangangarap ako upang paunlarin lamang ang aking sarili, ang pagbutihin ito at mabuhay nang ayon sa gusto ko, ang makapagipon nang pera upang mabili ang aking mga nais bilhin, ang magkaroon nang magagarbong kasuotan, ang magkaroon nang magarang sasakyan, madaming alahas, at kung ano ano pang pwedeng ipalamuti sa katawan, subalit nagbabago pala ito dahil sa ngayon, hindi na iyon ang aking naiisip, pumapangalawa na lamang ito sa aking listahan o kadalasan panghuli na kung may matira ay pwede na.


Sa ngayon, sa bawat patak nang pawis, sa bawat patak nang pisong pumapasok sa aking bulsa ay kasabay nito ang pagaalala na sana ay umabot ito para sa alawans nang aking mga kapatid na katulad ko noon ay nagsisimulang mangarap ngayon, na nagsisimulang buuin ang kanilang pag asa, na sana sa malapit na hinaharap ay malagpasan rin nila ang hirap nang buhay sa bukid, at pumalaot sa mundo nang buhay na mas nakakaangat sa iba.


Mahirap maging panganay dahil pasan mo sa iyong balikat ang mga responsibilidad na katulad na rin nang isang magulang, lalo na kapag katulad naming wala namang pwedeng ipagyabang, mahirap ang maging kuya dahil ikaw ang nagiging ehemplo sa iyong mga nakakabatang kapatid, mahirap kung iisipin, subalit masaya ako dahil bukal sa aking puso ang pagtangap sa hamon at sa mga responsibilidad na nakaatang sa aking balikat.


Ang aking simpleng pangarap noon ay patuloy na lumalago, unti unting nabubuo, nagkakaroon nang buhay subalit kasabay rin nito ang paglaki nang responsibilidad na nakaatang sa aking balikat, pero kapag tinangap mo pala ito nang buong puso, nang may pagmamahal, pang unawa at lambing, ito ay gumagaan, napapalitan nang ngiti ang bawat ngiwing sumasabay dahil na rin sa dagok nang buhay, at malalaman mo nalang, nandoon ka na, nadoon na kayo, at pwede mo nang ibaba ang dala dala mong responsibilidad dahil kaya na nila, at buo na rin ang mga pangarap na binuo “mo”, “ninyo”, “kayo” at “sila”.


Sabi nga nila ang buhay daw ay parang gulong, paikot ikot lang, nasa ilalim ka man ngayon darating din ang araw na papaibabaw ka, manalig ka lang, at harapin nang may ngiti ang bawat responsibilidad na darating sa iyong buhay at mararamdaman mo ang malaking kaibahan, hindi ako nagyayabang subalit hindi ko maiwasang lumakad nang nakaliyad ang dibdib sa paglalakad.


Marami pang taon ang bubunuin “ko”, “namin” upang tuluyang mabuo ang mga pangarap na sinisimulan namin subalit alam kong hindi ako nagiisa sa pagbuo nang mga pangarap na ito, dahil nakikita ko ang determinasyon, ang pagnanais nang lahat nang aking mga kapatid at magulang na lumaban, at pumaimbabaw sa bawat responsibilidad na darating, sabi nga nila, kayang kaya kung tulong tulong.


Ako ito, ikaw?… kumusta ka kaibigan?…

Sunday, June 21, 2009

Laro lang....

noong una isa lang itong katuwaan, isang laro, pakyutan lang, hangang sa lumawak nang lumawak hangang sa halos lahat ay nakisali, nakigulo at naging isang malaking laro...

May mga ilang umayaw, hindi nakisali, umayaw, pero ganon pa man masasabi kong mas marami ang nakisama, nakigulo, nakisaya...

Isang laro, isang eksperimento, isang pagpapakilala....







Mula sa HK and HR Dept...



Accounting, Finance, Sales Depts.





Guest Services and Dining Depts.




Boys from different depts.
(Eng, Housekeeping, Dining and Banquet waiters, OJT, and etc...)



maraming salamat sa mga nakigulo sa larong aking sinimulan...

Sunday, June 7, 2009

Vowels for sale...


naranasan mo na bang makalimutan ang sana ay sasabihin mo? nasa dulo nang dila mo pero hindi mo mabigkas dahi nga hindi mo na maisip kung ano yung sasabihin mo.

Madalas mangyari sa akin ang ganyan pero baligtad, kadalasan mga ka opismate ko ay hindi na maalala ang sasabihin sa akin, nakakatawa noong una pero pagtagal nakakairita na, dahil pati ikaw ay mapapaisip kung ano yung sana ay sasabihin niya.
"Sir kanina ko pa kayo hinahanap, kaya lang mamaya nalang kasi nakalimutan ko na sasabihin ko hehehe...", ganyang ganyan ang mga kadalasang naririnig ko, hindi ko tuloy malaman kung gusto lang nilang sabihin pumirme ka nga sa mesa mo nang hindi ka namin hinahanap para hindi namin makalimutan ang sasabihin namin sa iyo. hay naku naman....

Minsan sa telepono
"Hello this is Rhodey, how may i help you?", tapos ang isasagot sa iyo " a.. e.. sir tawag ulit ako mamaya, nakalimutan ko sasabihin ko hehe..." , o kaya naman ay ganito "Ay sir sorry, hindi po pala ako dapat diyan tatawag sorry po wrong number hehehe.." anak nang tipaklong hindi bat nakakairita?

Noon ang kadalasang sinasagot ko
"Okey sige, feel free to call back later", kaya lang ngayon iba na.. nakakairita na e, pinapabili ko na sila nang vowels and consonant to complete yung phrases nila..

Ayaw ko nang sabihin ang
"okey lang", ngayon ang sagot ko, "Sige kaya mo yan, may letter S ba?, o kaya bili ka nang vowels, yung letter A, 5 pesos lang naman, meron ka na bang choice?"

hay naku talaga naman.....

Ikaw? baka gusto mo ring bumili nang Vowels? five pesos lang!... aheheheks...






Friday, May 15, 2009

Kapamilya Kapuso Katrabaho....


Ang trabaho ay itinuturing na nating second family, mas marami na nga tayong nauubos na oras sa ating workplace kesa sa sariling bahay kung minsan diba? Lalo na kapag super daming trabaho at di maiiwasang mag over time.

At hindi rin maiiwasan na may mga katrabaho ka na mas may edad pa sa iyo (pasensiya na kung ikaw ang pinakamatanda, malas mo eheheks…) at hindi rin maiiwasan na nakakabuo tayo dito nang pamilya, may mga tatay tatayan o kaya ay nanay nanayan tayo, may mga kuya kuyahan, ate atehan, at kung minsan meron ding mga asawa asawahan. (aheheheks…)


Sila yung mga itinuturing ka na ring parang tunay na kapamilya nila, sa kanila mo naibabahagi ang iyong mga suliranin, mga halakhak, luha at pati na nga galit kung minsan.


Sila yung mga nagbibigay sa iyo nang pangaral, at nagaalala tuwing napapatawag ka sa opis ni GM kasi may bulilyaso ka na naman, o kaya ay nagpapaalala sa iyo na ang pasok ay 6 days a week at ang day off ay isang beses lang isang lingo, na ang birthday leave ay minsan lang sa isang taon, at ang sickleave kapag may sakit ka lang at hindi tuwing naiisip mong may sakit ka. Sila yung nagsasabing mataas na ang files nang folder sa mesa mo at kailangan mo nang tapusin ang pakikipag chat, pagsilip sa mga profiles nang ka Friendster, ka Facebook at kung ano ano pang mga kabalbalang pinag gagawa mo tuwing office hours katulad nang pagdownload nang mga kanta sa Limewire para sa iyong mp3. In short sila yung tumutuwid sa baluktot mong pananaw na hindi ka nababayaran nang tama kaya di ka rin nagtatrabaho nang tama.

Masarap magtrabaho kung ang mga kasama mo ay may malasakit sa isat isa, yung buo kayo, matatag at ang problema nang isa ay ramdam nang bawat isa, at ang nais ay isulong pataas ang grupo at hindi kanya kanya lang, isang pamilyang kapuso.

Matagal kong pinangarap ang ganitong work place, yung may malasakit sa bawat isa, yung tiwala nyo sa isat isa na susuportahan ang bawat isa ay matatag, at yun ang nagbibigay sa inyo nang sidhi upang umusad pataas para mahila mo rin sila pataas, yung isang grupo na ang nais ay mapaunlad di lang ang kanilang sarili kundi ang kanilang binuong pamilya sa pamamagitan nang bigkis nang trabaho.

Isipin mo nalang kung ang grupong nasalihan mo ay puro sarili lang nila ang nais na itaas, na sila lang ang gustong mapuri hindi na inaalintana kung may natatapakan sila basta’t ang mahalaga siya ang nakikita at siya ang palaging tama.

Masakit isipin subalit kung minsan hindi maiiwasang may mga taong makasarili, at kapag ang grupo napasukan nang isang taong sarili lamang ang naiisip, nawawala sa tamang landas ang grupo at napapariwara, nagkakanya kanya at nabubuwag ang magandang nasimulan, lalo na kapag ang taong lumihis sa landas ay ang pinakapangulo nito.

Hindi ako nagmamagaling dala na lang siguro ito nang ibat ibang karanasan ko sa trabaho, mula sa pagiging crew cashier nang Jollibee, sa pagiging diskjokey sa radio, ahente nang alak, mula sa mga pagtawag tawag sa callcenter, pagaayos nang mga plano nang bahay na ipinadadala sa japan, sa grocery at ngayon sa hotel naman.

Hindi kalakihan ang hotel na pinapasukan ko ngayon at hindi rin kalakihan ang sinasahod ko, pero Masaya ako dito, dahil may nabuo kaming pamilya, may nanay nanayan ako, meron din akong tataytatayan, meron din akong yaya, meron akong mga tinuturing na mga kapatid, at meron din akong sariling anak anakan higit sa lahat meron akong fairy god mother, at fairy god lola na aking kinukulit, inaaway kung minsan, sinusungitan pero kahit papano kasama na sila sa pamilyang nabuo ko sa trabaho at yun ang mahalaga.

Gaano man kahirap, kakumplikado, at kasintunado ang mga trabaho niyo kung isa kayong pamilya, nagtutulungan, nagkakaisa, at nagkakasundo ay bale wala ito, natatapos sa oras, nagagawa nang tama at higit sa lahat, umaangat ang grupo.

Pero kapag kanya kanya, walang tulungan, wala ding patutunguhan, ang iba tapos na, ang iba napuri na, pero yung iba kinawawa naman, wala din, walang asenso at dito na papasok ang crab mentality, hilahan pababa, turuan kung sinong may kasalanan at agawan nang credit kapag may magandang nagawa.

Kung nagsisimula ka nang magsawa sa trabaho mo, dala na rin nang iba ibang dahilan bakit di mo subukang simulang baguhin ang nakasanayan nyo na? simulan mong bumuo nang isang pamilya, mahirap sa simula, pero makikita rin nilang may magandang patutunguhan ang sinisimulan mo, lahat tayo ay may gustong marating at ang tunay na tagumpay ay mas matamis kapag pinagsasaluhan, na masaya ang lahat dahil alam nila at alam mong kasama mo sila sa pagunlad, hindi yung iniisip nila na nakamit mo ito dahil sumipsip ka lang, inangkin mo ang kanilang mga ginawa at tinapakan mo sila upang ikaw ay makita, mapromote at mabigyan nang parangal.

siya, salamat sa pagbabasa kaibigan... sana saan ka man nagtatrabaho, masaya ka, tulad ko, tulad namin nang binuo naming pamilya.

(...chhhhhiiiiiiingggg.... barya ko yun nahulog... eheheheks.....)





Wednesday, April 29, 2009

wala lang....


nakakatuwa namang talaga, mantakin mong pagkatapos kong matangap ang pinakakaasam kong adik ID este Cute Blogger ID eto na naman at nanominate pa akong employee of the month for February and March.

Nakakatuwa talaga, pagkatapos kong magawa ang bagong lay out nang aking friensdter, at multiply, iedit ang mga post ko para sa blog, at makipag chat ay eto at talagang pinili pa nila akong maging contender para sa pinakamasipag na mangagawa, aheheks talaga...

Anak nang tipaklong oo, eheheks....

Parang gusto ko tuloy pagaralang ibahin naman ang lay out nang blog ko, baka next month masungkit ko na talaga ang unang pwesto bilang pinakamasipag na mangagawa... aheheks...

Sana lang di maligaw ang aking boss na Finance Officer sa aking blog at baka mabuking ako aheheks talaga....

Friday, April 24, 2009

week end na




haaaay salamat week end na ulet, makakapagpahinga na rin sa wakas mula sa mga nakakarinding reports, nakakatulirong memo, at kung ano ano pang mga pinaggagawa sa opis, kasama na dyan ang bagong lay out nang friendster at face book, mga ieedit na entries para sa BLOG, at siyempre isabay na rin dyan ang pagkikipag chat. O di ba? sobrang busy talaga sa opis, kung minsan nga tapos na pala lunch break di ka pa nakakain, kasi yung ka chat mo ayaw paawat, tapos itutuloy mo pa yan pagdating sa bahay, ang dami talagang ginagawa sa opis at kelangan talaga nang matindi tinding pahinga pagsapit nang week end.

Pero nakakapagpahinga ka ba talaga kapag week end?

Sa dami nang labahin, lilinisin, kukumpunihin, at kakalikutin tapos na pala ang week end di ka pa rin nakapagpahinga, at bago mo pa mapansing pagod ka pa rin nasa opis ka na ulet at binabalikan na ang mga hindi natapos na report, mga di pa nabasang memo, ang di mo natapos na layout nang friendster at facebook, tapos ayan na yung ka chat mo, may kasama pang buzzz .

Parang wala din di ba?

Bakit kaya di nalang palitan ang pangalan nang week end, imbes na SABADO at LINGO, gawin nating SALABA, SALINIS, SAKUMPUNI,SAKAKALIKUTIN, SAPLANTSAHIN.

Naisip ko lang... Naisip mo na rin ba?.... aheheks...

Tuesday, March 31, 2009

Isa ka ba sa Kanila?


May trabahao ka ba? estudyante o kaya ay miyembro nang isang organisasyon? O kahit na anong uring grupo na merong leader, o sinumang naatasang hahawak nang mataas na tungkulin.

Tumingin ka sa paligid mo lalo na kapag ikaw ay nasa trabaho, pansinin mo lang pero huwag mong pakatitigan at baka masisante ka kasalanan ko pa. Pansinin mo kung papanong ang ibang tao ay gagawin ang lahat upang mapalapit sa kung sino mang nakaupo sa trono o sa sino mang humahawak sa pinakamataas na posisyon.

Yung iba para lang mga tuta kung maging sunud sunuran at makapaglambing sa boss para lang mapansin at dahil kapag napansin nga naman ay talagang"swak na swak" na agad sila sa posisyon kahit di naman qualipikado at ang alam lang e magtimpla nang kape at kwentuhan nang kalokohan ang bossing.

Nakakatawa ano? walang alam pero ang hawak na posisyon ay mataas at sensitibo, kayat kadalasan ang resulta ay puro walang silbing desisyon na karaniwang pumapalpak at ang itinuturong may kasalanan? Ang kanyang mga tauhan.

Maraming ganyan sa Pinas, luminga linga ka lang at buksan ang mata, marami kang makikita at sigurado ako, isa sa mga ito kilala mo, boss mo, kaibigan, kaaway o kaya ay ikaw mismo.

Madali lang naman silang makilala at makita, sila yung mga animo'y tuta na laging nakabuntot sa boss, maaring nasa posisyon na, o nagaambisyon palang at kadalasan sila yung mga walang laman ang utak at di makuha ang posisyon sa kalidad nang trabaho kaya't dinadaan na lamang sa pagpapalapad nang papel, tagasumbong, reporter, mata nang may ari o boss at walang alam isagot kundi "Yes Sir" o kaya ay "Yes Maam".

Nakakalungkot isipin na ang mga taong may utak, at de kalidad ang trabaho ay naisasantabi dahil lamang sa mga taong mapapel, sipsip at mapanlinlang, dahil nga sa alam nilang di sila makalaban nang patas kayat naghahanap sila nang paraan upang mapabango ang kanilang pangalan at makuha ang kanilang inaasam na posisyon kahit na magtipla lang nang kape ang kanilang alam.

Napansin ko lang ito at naisipang isulat, kung nasaktan kita dahil isa ka sa mga taong aking nabangit ay patawad, pero sana ay mabuksan ang iyong isip at gumawa nang tama, lumaban nang patas at huwag ambisyunin ang di kaya nang utak, pero pwede mong hasain ito para maging mas matalas at magiging mas matamis ang ganti nang bukas.