Tuesday, September 29, 2009

"Nangarap ako noon...."

nangarap lang naman ako noon, na sana pagdating nang panahon ay mabuo ko rin ang aking mga pangarap, na sana matupad ko ang nais nang aking mga magulang, ang magkaroon nang mas mabuting buhay, yung hindi ka nabibilad sa bukid, yung hindi napuputikan, yung nakakin ang mga nais kanin, at yung laging malinis at mabango dahil may magandang uniporme at mamahaling pabango na magagamit sa pagpasok sa isang magandang trabaho araw araw.


kung tutuusin napakasimple lang naman nang aking mga pangarap noon, subalit hindi pala ganoon kadali, hindi pala iyon madaling marating, hindi pala iyon parang isang bagay na maaaring bilhin na kapag nagsawa ka na ay pwede mo nang itapon, itago o kaya ay ipamigay.


Mahirap palang mangarap, at mas mahirap palang abutin ang mga pangarap na iyon lalo na kapag sa pagtagal nang panahon, at sa iyong pagtanda, ang mga simpleng pangarap na ito ay malalaman mo na lamang na hindi na pala para lamang sa “iyo”, kundi para na sa “inyo”.


Iisa lang naman ang pangarap na iyon kung tutuusin, subalit sa pagikot nang panahon ang “Ako” ay unti unting naging “Tayo”, hangang sa maging “Kami”.


Iisang pangarap, subalit sa pagyabong nito ay ang pagdagdag nang mga taong umiikot dito, umaasa, at nagdarasal na sana ay matupad mo ang iyong mga pangarap, dahil sa katuparan nang mga ito ay ang katuparan na rin nang mga pangarap nila.


Noon akala ko, nangangarap ako upang paunlarin lamang ang aking sarili, ang pagbutihin ito at mabuhay nang ayon sa gusto ko, ang makapagipon nang pera upang mabili ang aking mga nais bilhin, ang magkaroon nang magagarbong kasuotan, ang magkaroon nang magarang sasakyan, madaming alahas, at kung ano ano pang pwedeng ipalamuti sa katawan, subalit nagbabago pala ito dahil sa ngayon, hindi na iyon ang aking naiisip, pumapangalawa na lamang ito sa aking listahan o kadalasan panghuli na kung may matira ay pwede na.


Sa ngayon, sa bawat patak nang pawis, sa bawat patak nang pisong pumapasok sa aking bulsa ay kasabay nito ang pagaalala na sana ay umabot ito para sa alawans nang aking mga kapatid na katulad ko noon ay nagsisimulang mangarap ngayon, na nagsisimulang buuin ang kanilang pag asa, na sana sa malapit na hinaharap ay malagpasan rin nila ang hirap nang buhay sa bukid, at pumalaot sa mundo nang buhay na mas nakakaangat sa iba.


Mahirap maging panganay dahil pasan mo sa iyong balikat ang mga responsibilidad na katulad na rin nang isang magulang, lalo na kapag katulad naming wala namang pwedeng ipagyabang, mahirap ang maging kuya dahil ikaw ang nagiging ehemplo sa iyong mga nakakabatang kapatid, mahirap kung iisipin, subalit masaya ako dahil bukal sa aking puso ang pagtangap sa hamon at sa mga responsibilidad na nakaatang sa aking balikat.


Ang aking simpleng pangarap noon ay patuloy na lumalago, unti unting nabubuo, nagkakaroon nang buhay subalit kasabay rin nito ang paglaki nang responsibilidad na nakaatang sa aking balikat, pero kapag tinangap mo pala ito nang buong puso, nang may pagmamahal, pang unawa at lambing, ito ay gumagaan, napapalitan nang ngiti ang bawat ngiwing sumasabay dahil na rin sa dagok nang buhay, at malalaman mo nalang, nandoon ka na, nadoon na kayo, at pwede mo nang ibaba ang dala dala mong responsibilidad dahil kaya na nila, at buo na rin ang mga pangarap na binuo “mo”, “ninyo”, “kayo” at “sila”.


Sabi nga nila ang buhay daw ay parang gulong, paikot ikot lang, nasa ilalim ka man ngayon darating din ang araw na papaibabaw ka, manalig ka lang, at harapin nang may ngiti ang bawat responsibilidad na darating sa iyong buhay at mararamdaman mo ang malaking kaibahan, hindi ako nagyayabang subalit hindi ko maiwasang lumakad nang nakaliyad ang dibdib sa paglalakad.


Marami pang taon ang bubunuin “ko”, “namin” upang tuluyang mabuo ang mga pangarap na sinisimulan namin subalit alam kong hindi ako nagiisa sa pagbuo nang mga pangarap na ito, dahil nakikita ko ang determinasyon, ang pagnanais nang lahat nang aking mga kapatid at magulang na lumaban, at pumaimbabaw sa bawat responsibilidad na darating, sabi nga nila, kayang kaya kung tulong tulong.


Ako ito, ikaw?… kumusta ka kaibigan?…

Sunday, September 20, 2009

puro ka kasi tanong...


Napansin ko lang bakit kaya may mga ibang pasawauy? yung tipong tinatanong mo naman nang maayos pero nakakatuwang nakakainis dahil kung minsan hindi naman talaga sinasagot kung anong tinanong mo.

tanungin mo kung "Kumain ka na?" sassagutin ka nang "Busog pa ako."
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo" sasagutin ka nang "Bakit?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ako."
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Madali lang."

O diba naman? parang praning lang yung tinatanong mo, parang bangag lang kayat may sarili siyang mundo..

Pero kung minsan yung iba mas malupit, tinatanong mo, pero imbes na sagutin ka tatanungin ka rin..


tanungin mo kung "Kumain ka na?" sasagutin ka nang "Anong ulam?"
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo?" sasagutin ka nang "Hindi mo ba nakasalubong?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ba ako?"
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Marunong ka rin bang gumawa nito?"

O diba? adik na adik ang dating... hehehe

anchuchay talaga oo....

Parang gusto ko tuloy sumigaw nang paglalakas lakas na ... "ano baaaaaaaa!!!!...

Ikaw makikisigaw ka rin ba?.. aheheheks...

Friday, August 28, 2009

If....



If you were given the chance to live your life again are you going to commit the same mistakes to be with the person you love or to correct the mistakes you did and have a better life?

I had been thinking a lot of things i did wrong in the past, but fortunately i could say those mistakes led me to the company of the people, friends and love ones i have in my side today.

I was asked the question latter this day in a meeting and lots of people in the room said they would try to correct all of their mistakes to have a better life, lots of regrets came out, and lots of hopefuls that all would be good again as it was a few years and decades for some.

When we look back, when we see the glory days and compare it to where we are now, what do you see?

Are you still living the glory days? or are you one of the hopefuls that you would be given a second chance to correct the direction your life was going?

No one could predict the future, we could only see the past, we could only hope for the best and regret whats been done.

We always think "If we did this, could the outcome be like this...?", "If...." we are sometimes bombarded with the word "IF...".

But if you did not do what you did, will you still be here?

If only we are given the chance to see the outcome of our choices. If only we are allowed to peek into the future to see if our decisions are the right ones, if only, a lot of if...

But don't you think we regret too much? worry too much and sometimes forget the best our mistakes has to offer?

We sometimes give an exclamation point on the negative side of what we did, how about looking on the other side for a change?

I know its hard to look on the good part when your down and in the middle of regret, but its your choice, and whatever your choice should always be good.

I just hope i did the right thing....

Am i one of the hopefuls?..

Monday, August 24, 2009

paano ba maging matatag?


nasubukan mo na bang umiyak nang dahil lamang may nakita kang umiiyak rin? kung baga nakiiyak ka lang, nang dahil sa nasaksihan mo ay nasundot ang matagal nang nakahimlay na damdamin sa iyong puso at nakakita nang pagkakataon ang iyong mga luha upang humulagpos at lumaya sa mga mata mong naging kulungan nila.

pero paano kung ang umiiyak na iyon ay isang taong malapit sa iyo? isang taong masasabi mong nakinig sa iyong mga kadramahan, katarantaduahan, umintindi sa iyong mga kapilyuhan at nagpasensiya sa iyong mga pagmamalabis at mga pagkukulang, at ngayon ay kailangan niya nang isang taong malakas na pwede niyang masasandalan sa panahong siya ay nalulugmok, iiyak ka pa ba?

akala nila malakas ako, matatag, dahil iyon ang ipinakita ko, at iyon ang nakikita nila sa akin, pero ang hindi nila alam mababaw lang ang luha ko, na madali akong masaktan, hindi ako makatagal kapag may mga umiiyak, umaalis agad ako nang hindi nila namamalayan at naghahanap nang lugar na hindi nila nakikita at doon ko binibigyang laya ang aking mga luhang pumatak at rumagasa, o kaya ay magsindi nang yosi upang matakpan nang usok ang mga luhang sumusungaw sa aking mga mata.

hindi ko alam kung paanong gagawin ko, pero kailangan kong magpakatatag, ang lumakad nang nakataas pa rin ang noo at maging pader na pwedeng sandalan, kanlungan at magsilbing proteksiyon sa unos na dumaraan sa kanyang buhay.

kaibigang matalik ang turing niya sa akin, ako namay itinuring na siyang kapuso at kapamilya, lagi niya akong iniintindi at kinukunsinti kung minsan, malapit siya sa aking puso kung kayat napakahirap pigilin ang mga emosyong nagpupumilit lumabas lalo na kapag naguunahan na ang mga luha sa kanyang mga mata.

alam ko pinipigilan din niya ang kanyang sarili sa pagiyak subalit hindi talaga maiiwasang may mga pagkakataong natutulala siya, tumatawa nga pero tawang hangang sa kanyang mga labi lamang.

mahirap palang sabihing magiging okey din ang lahat lalo na kapag alam mong alam niya na hindi okey, para kang sinasakal, para kang sinasaksak, pero kailangan mong maging matatag at maging positive para hindi siya malugmok nang tuluyan.

mahirap palang magpakatatag, mahirap palang magkunwaring hindi nasasaktan, mahirap palang maging sandalan, pero kahit gaano pala kahirap basta para sa isang tunay na kaibigang nangangailangan nang tulong may mga kaibigan din palang lalabas at tutulong sa paglalakbay.

napatunayan ko ito sa aking sarili, mahirap pero alam ko hindi ako nagiisa, nauna lang siguro akong bigyan nang pagkakataon upang ito ay makita.

Sunday, August 23, 2009

naligaw ako....


mahirap palang maligaw, hindi mo alam kung saan ka papunta, hindi mo alam kung babalik ka ba o ipagpapatuloy mo nalang ang paglalakbay, dahil sayang naman ang miles na nalakbay mo na.

mahirap pala kapag hindi mo alam kung anong nasa dako pa roon, hindi mawala ang kaba, at pangamba sa iyong dibdib, ang pagaagam agam kung tama ba o mali ang tinahahak mong landas.

pero mas mahirap pala habang nagtgitipa ka sa keyboard nang computer mo, nasa kalagitnaan nang pageemote tapos nag automatic update ang computer mo nagre start, nawala tuloy ang emote mode mo...

anak nang tinapa..

hay buhay.. ewan ko ba, parang feeling ko kasi nagkawindang windang ang buhay ko in the past few weeks, nawalan ako nang ganang gawin ang lahat nang mga nakasanayan ko nang gawin, maging sa trabaho, sa bahay kahit na mga extra curricular and non curricular activities na dati ko namang ginagawa ay naiwang nabitin, hindi natapos, tumiwangwang at humambalang sa bawat kanto nang aking buhay.

parang nawalan ako nang gana, siguro nga dumarating talaga sa buhay nang isang tao ang bigla nalang magsawa, mawalan nang gana o kaya ay maligaw nang panandalian, kung ano pa mang dahilan ay hindi ko mawari, hindi ko maintindihan at lalong hindi ko siguro ito maipapaliwanag nang mabuti.

pero sa panandaliang pagkaligaw na yun ay malalaman mo kung gaanong kahalaga nang mga ito sa iyong buhay, yan ay kung matutuntun mo agad ang dating daang tinahatahak mo at hindi ka tuluyang malugmok sa pagkakaligaw.

sana nga lang magtuloy tuloy na ito at hindi na ako muling maligaw nang landas...

aheheheks...

bow....

Saturday, August 22, 2009

Thursday, August 6, 2009

hindi ka nagiisa!!!

"Paalam at Salamat sa lahat nang iyong mga ginawa para sa bayan...."

Hindi ko sinasadyang makarating nang Osmena Highway kahapon kung saan dumaan ang entorege nang namayapang pangulo nang Pilipinas na si President Cory Aquino, at hindi ko rin inaasahan ang pagkakatipon tipon nang nanapakaraming pilipinong naghintay sa pagdaan nang kanyang kabaong sa kalagitnaan nang malakas na ulan at sama nang panahon upang ipakita sa huling pagkakataon ang kanilang pagpapasalamat at respeto sa namayapang ina nang demokrasyang pilipino.

Bibili lang sana ako nang Plantsa sa SM Manila dahil nasira ang aking lumang plantsa na siya sanang gagamitin ko upang mapatino ang gusot gusot ko nang barong tagalog na siya naming uniporme.

Subalit hindi na nakalampas ang sinasakyan kong jeep kayat naglakad lakad ako gamit ang lumang payong na kung minsan ay hinihila nang malakas na hangin, hangang marating ko ang Osmena highway na punong puno nang tao na pati ang mga sasakyan ay walang nagawa kundi huminto at pumagilid upang bigyang daan ang pagdadalamhati nang marami dahil sa pagpanaw nang isang liwanag na nagsilbing tanglaw sa madilim na bahagi sa kasaysayan nang Pilipinas.

Pumapaimbabaw sa malakas na ulan ang paulit ulit na pagbigkas sa pangalan ni Cory, hangang mapalitan ito nang ibang pangalan at ipalit ang..."Gloria, Gloria Susunod ka na!!!" at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay unti unting lumakas, hangang sa pati ako ay nakisigaw...

Hindi ko ito napanood sa mga balita pero hindi maiiwasang ikumpara ang dalawang babaeng humawak sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa, at dahil ayaw kong isara nang google ang blog kong ito e kayo nan ang bahalang tumimbang.....

Biglang nagtanong ang isang babae sa aking likod, kapag kaya si Gloria ang namatay, ganito rin kaya kadaming tao ang darating? marami ang sumagot pero ang pinaka magandang sagot na pinalakpakan nang marami nasiyang dahilan upang maghiyawan ang mga tao ay..."Siyempre mas madami pang tao ang darating... Dahil sisiguraduhin talaga nilang patay na siya at di na muli pang makabangon..."

aheheheks.... binahagi ko lang ang aking naranasan kahapon.... aheheheks talaga....


Thursday, July 30, 2009

Laro lang...

Naranasan mo na bang ma adik sa mga larong pang browser? yung mga laro sa computer na may mga inaalagaan ka, maaring mga halaman na dapat mong diligan araw araw upang hindi malanta, o kaya ay isang buong Village na dapat mong bisitahin upang mandohan ang mga villagers nito upang maghakot nang kung ano anong bagay para sa ikakaunlad nang iyong Village.

Nakakaaliw kasi, pero nakakainis rin kung minsan lalo na kapag ang pinasukan mong laro ay yung pang war games na kung minsan ay kailangan mong i raid or i attack ang isang village upang madagdagan ang iyong mga resources, at kung ano ano pang points upang maging isa kang matatag na village.

Masaya kung ikaw ang nagre raid at umaatake sa mga ibang Villages pero nakaka praning at nakakainit nang ulo kapag ikaw naman ang inaatake lalo na kapag ang umatake sa iyo kasapi sa isang malaking Alliance at hindi ka maka attack back.

Nagsimula ako sa Travian masyado akong naaliw hangang nakarating ako sa Ikariam hangang sa Facebook, sa Pet Society, Farmville, Farm town, Barn Buddy, at Yoville.

Ewan ko ba pero pati ibang ka office mate ko nahila ko na rin sila sa paglalaro nito at naging mga ka alliance, nieghbor, at kung ano ano pang pwedeng itawag sa mga magkaibigang naglalaro nito.

Malamang sa malamang katulad rin kita... Isang certified Browser game adik.. madami pang iba pero hindi ko na maalala, kung may account ka, tag mo ko, friends tayo hehehe...

Tuesday, July 28, 2009

ano na???

Ang tagal ko rin palang nawala, ang tagal ko rin palang nahimlay at nanahimik, ang tagal rin bago ako nagising at muling ipinagpatuloy ang pagsusulat sa kwento nang aking buhay....

Nalusaw na ang mga yelo sa mundo ni Scrat, yung makulit na squirel sa isang pambatang pelikula na alam kong ikaw at ako ay nakinood, nakiusyoso, nakitawa at nalungkot dahil hindi pa rin niya nakuha ang kanyang acorn, parang ibig ipahiwatig na meron na naman itong kasunod...

Natapos na rin ang pakikipaglaban ni Harry kay Snape at natapos na rin ang ika siyam na araw nang pagunita sa pagpanaw ni Dumbledore..

At alam ko muli mo namang aabangan ang isa na namang pakikipaglaban ni harry sa susunod niyang paglabas sa ginintuang tabing...

Marami nang naganap, marami nang nabago pero heto pa rin ako, bagong gising mula sa isang napakagandang bangungot, isang panaginip na hindi ko malaman kung masaya, malungkot, o nakakatakot...

Hangang ngayon nanginginig pa ako, pero hindi ko maipaliwanag kung dahil sa excited ako, o dahil natakot ako...

Pero ang mahalaga heto na ako, muling nagbabalik sa mundo nang blogosperyo, humahabol sa mga nasayang na panahon, binabalikan ang mga post sa mga blog na aking sinusundan....

makahabol pa kaya ako?....

Gising na ba ako? o itoy karugtong pa rin nang aking naputol na panaginip?...


Anak nang tipaklong... ang drama naman... eh ang ibig ko lang namang sabihin ay...

"Im Back..." aheheheks...

Wednesday, July 1, 2009

Happy Birthday to me!!!



Happy Birthday to me!!!
(aheheheks....)

Ganyan talaga ang buhay, bawat taon nadadagdagan ang ating karunungan, mga kaibigan, kakilala at higit sa lahat ang edad...

At ngayon official na, wala na sa kalendaryo ang edad ko .... huhuhu ang saklap, kasama na ako sa mga senior citizen ... aheheheks...

Pero masaya ako dahil narating ko ang ika tatlumpo't dalawang taon nang aking buhay na matiwasay, masaya at maligaya.

Una gusto kong pasalamatan si Bro, dahil binigyan niya ako nang buhay na masaya, mga magulang na puno nang pagmamahal, at mga kapatid na masunurin din naman sa akin hehehehe... at sa kanyang patuloy na paggabay sa akin sa malikot na mundong ito...

Pangalawa sa aking mga kaibigan sa trabaho, lalo na ang housekeeping department na kahit accounting talaga ang departamento ko ay inampon nila ako at itinuring na tunay na kapamilya nila, na sinurpresa ako sa makabagbag damdamin nilang pagalala sa aking kapanganakan, lalo na kay Miss Elaine, Ate Melda, Bert, Malou, Jane, Dwight, Darwin, Michael, at sa lahat nang bumati sa akin maraming salamat. Sa Engineering, Kitchen, Dining, Accounting and Finance, salamat sa pagalala...

Pangatlo sa aking mga naging kaibigan at nakilala sa mundo nang blogosperyo, na sumubaybay sa aking mga likha mula pa sa Coffee Break, hangang sa Kape at Yosi... madaming madaming salamat sa pakikibahagi sa isang yugto nang aking buhay, at sa pakikipag palitan nang mga kuro-kuro, komento, ideya, at karunungan...

at higit sa lahat kay ENGOT na hindi nagsawa sa aking kakulitan, kakyutan, at kakisigan... aheheheheks... ay lab yu... hehehe...