Tuesday, September 29, 2009

"Nangarap ako noon...."

nangarap lang naman ako noon, na sana pagdating nang panahon ay mabuo ko rin ang aking mga pangarap, na sana matupad ko ang nais nang aking mga magulang, ang magkaroon nang mas mabuting buhay, yung hindi ka nabibilad sa bukid, yung hindi napuputikan, yung nakakin ang mga nais kanin, at yung laging malinis at mabango dahil may magandang uniporme at mamahaling pabango na magagamit sa pagpasok sa isang magandang trabaho araw araw.


kung tutuusin napakasimple lang naman nang aking mga pangarap noon, subalit hindi pala ganoon kadali, hindi pala iyon madaling marating, hindi pala iyon parang isang bagay na maaaring bilhin na kapag nagsawa ka na ay pwede mo nang itapon, itago o kaya ay ipamigay.


Mahirap palang mangarap, at mas mahirap palang abutin ang mga pangarap na iyon lalo na kapag sa pagtagal nang panahon, at sa iyong pagtanda, ang mga simpleng pangarap na ito ay malalaman mo na lamang na hindi na pala para lamang sa “iyo”, kundi para na sa “inyo”.


Iisa lang naman ang pangarap na iyon kung tutuusin, subalit sa pagikot nang panahon ang “Ako” ay unti unting naging “Tayo”, hangang sa maging “Kami”.


Iisang pangarap, subalit sa pagyabong nito ay ang pagdagdag nang mga taong umiikot dito, umaasa, at nagdarasal na sana ay matupad mo ang iyong mga pangarap, dahil sa katuparan nang mga ito ay ang katuparan na rin nang mga pangarap nila.


Noon akala ko, nangangarap ako upang paunlarin lamang ang aking sarili, ang pagbutihin ito at mabuhay nang ayon sa gusto ko, ang makapagipon nang pera upang mabili ang aking mga nais bilhin, ang magkaroon nang magagarbong kasuotan, ang magkaroon nang magarang sasakyan, madaming alahas, at kung ano ano pang pwedeng ipalamuti sa katawan, subalit nagbabago pala ito dahil sa ngayon, hindi na iyon ang aking naiisip, pumapangalawa na lamang ito sa aking listahan o kadalasan panghuli na kung may matira ay pwede na.


Sa ngayon, sa bawat patak nang pawis, sa bawat patak nang pisong pumapasok sa aking bulsa ay kasabay nito ang pagaalala na sana ay umabot ito para sa alawans nang aking mga kapatid na katulad ko noon ay nagsisimulang mangarap ngayon, na nagsisimulang buuin ang kanilang pag asa, na sana sa malapit na hinaharap ay malagpasan rin nila ang hirap nang buhay sa bukid, at pumalaot sa mundo nang buhay na mas nakakaangat sa iba.


Mahirap maging panganay dahil pasan mo sa iyong balikat ang mga responsibilidad na katulad na rin nang isang magulang, lalo na kapag katulad naming wala namang pwedeng ipagyabang, mahirap ang maging kuya dahil ikaw ang nagiging ehemplo sa iyong mga nakakabatang kapatid, mahirap kung iisipin, subalit masaya ako dahil bukal sa aking puso ang pagtangap sa hamon at sa mga responsibilidad na nakaatang sa aking balikat.


Ang aking simpleng pangarap noon ay patuloy na lumalago, unti unting nabubuo, nagkakaroon nang buhay subalit kasabay rin nito ang paglaki nang responsibilidad na nakaatang sa aking balikat, pero kapag tinangap mo pala ito nang buong puso, nang may pagmamahal, pang unawa at lambing, ito ay gumagaan, napapalitan nang ngiti ang bawat ngiwing sumasabay dahil na rin sa dagok nang buhay, at malalaman mo nalang, nandoon ka na, nadoon na kayo, at pwede mo nang ibaba ang dala dala mong responsibilidad dahil kaya na nila, at buo na rin ang mga pangarap na binuo “mo”, “ninyo”, “kayo” at “sila”.


Sabi nga nila ang buhay daw ay parang gulong, paikot ikot lang, nasa ilalim ka man ngayon darating din ang araw na papaibabaw ka, manalig ka lang, at harapin nang may ngiti ang bawat responsibilidad na darating sa iyong buhay at mararamdaman mo ang malaking kaibahan, hindi ako nagyayabang subalit hindi ko maiwasang lumakad nang nakaliyad ang dibdib sa paglalakad.


Marami pang taon ang bubunuin “ko”, “namin” upang tuluyang mabuo ang mga pangarap na sinisimulan namin subalit alam kong hindi ako nagiisa sa pagbuo nang mga pangarap na ito, dahil nakikita ko ang determinasyon, ang pagnanais nang lahat nang aking mga kapatid at magulang na lumaban, at pumaimbabaw sa bawat responsibilidad na darating, sabi nga nila, kayang kaya kung tulong tulong.


Ako ito, ikaw?… kumusta ka kaibigan?…

Sunday, September 20, 2009

puro ka kasi tanong...


Napansin ko lang bakit kaya may mga ibang pasawauy? yung tipong tinatanong mo naman nang maayos pero nakakatuwang nakakainis dahil kung minsan hindi naman talaga sinasagot kung anong tinanong mo.

tanungin mo kung "Kumain ka na?" sassagutin ka nang "Busog pa ako."
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo" sasagutin ka nang "Bakit?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ako."
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Madali lang."

O diba naman? parang praning lang yung tinatanong mo, parang bangag lang kayat may sarili siyang mundo..

Pero kung minsan yung iba mas malupit, tinatanong mo, pero imbes na sagutin ka tatanungin ka rin..


tanungin mo kung "Kumain ka na?" sasagutin ka nang "Anong ulam?"
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo?" sasagutin ka nang "Hindi mo ba nakasalubong?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ba ako?"
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Marunong ka rin bang gumawa nito?"

O diba? adik na adik ang dating... hehehe

anchuchay talaga oo....

Parang gusto ko tuloy sumigaw nang paglalakas lakas na ... "ano baaaaaaaa!!!!...

Ikaw makikisigaw ka rin ba?.. aheheheks...