Monday, March 1, 2010

Choices....

"Once in a while you have to make a choice! You make the best choice and sometimes dared to make the worst choice, but either way, as long as you made a choice, You have to bear the consequences and make the best out of it!!!.."


Minsan nakakapagod na! Minsan gusto mo nang umayaw, pero kailangan mong lumaban, hindi para lang sa iyo pero para sa mga mahal mo na umaasa sa iyo, mahirap, masalimuot, pero kailangan mong muling humakbang at ipagpatuloy ang laban...

At sa iyong paglalakbay, hindi maiiwasang may masumpungan kang sangang daan kung saan kailangan mong mamili, at sa bawat desisyong iyong gagawin ay nakasalalalay hindi lamang ang iyong kinabusan pero nang lahat nang umaasa sa iyong kakayahang humusga at mamili nang mas nakabubuti sa iyo, o kaya ay para sa inyo....

Pero paano kapag ang napili mo ay iyong pinagsisisihan? Paano kung ang napili mo ay isang pagkakamali? paano mo ito lulusutan at paano mong maibabalik ang isang lumipas na pagkakataon upang makapamili?

Sabi nga nila ang opportunidad daw ay isang beses lang kung dumaan sa iyong buhay at sabi rin nila ito daw ay parang isang matandang ang buhok ay nasa magkabilang gilid lamang na mabilis na dumaraan at kapag dumaan sa iyong tapat ay kailangan mong sungaban dahil kapag itoy nakalampas ay hindi mo na mahahabol at lalong hindi na ito magbabalik sa iyong paglalakbay...

Pero paano kung pinili mong hayaan na lang itong dumaan sa harap mo? Paano kung pinili mong huwag siyang tignan? paano kapag pinili mong huwag nang pumili at ipagpatuloy na lamang ang anumang iyong ginagawa nang siya ay dumaan?...

Mahirap isipin pero mas mahirap ang magsisi, ito ang pinili mo at dapat lamang na ito ay iyong panindigan, maaring mahirap pero mas mahirap ang malugmok at umiyak dahil sa pagsisisi at pagaalinlangan sa sariling kakayahan...

Sabi nga nila, mas maganda na iyong kahit papano ay may napili ka, at kung ano man daw ang iyong pinili ay dapat mong pagyamanin ito at gawing inspirasyon upang mas umunlad ang iyong pamumuhay...

ewan ko kung tama... naguguluhan din ako, may pinalagpas din akong pagkakataon at nagkataon din naman na ang pinili ko ay siyang mas lalong nagpapahirap sa aking kalooban...

hindi ko rin maintindihan ang takbo nang buhay, ang biro nang tadhana, pero anuman ang mangyari hindi ako malulugmok dahil sa aking desisyon, desisyon ko ito at anuman ang kahihinatnan nito ay dapat ko itong pagyamanin upang maging kapakipakinabang...

sana...