mejo matagal tagal na rin pala ang huli kong bisita at pag update dito, masyado akong nalibang sa pagharap sa kung ano anong problemang dumating sa aking buhay at sa trabaho...
nakakatuwa lang isipin na pagkatapos nang lahat lahat na pinagdadaanan ko ay heto, nakatayo at lumalaban pa rin kahit papano...
pero hangang kelan kaya???... hehehe
gusto kong magmukmok at umiyak pero wala namang mangyayari diba???
gusto kong tumakbo at magtago pero saan naman ako pupunta???....
harapin na nga lang at baka matapos na yan, e di solb, no problem... okey na ulit.. pwede diba?
Hindi ako yung tipo nang taong puro positive ang nakikita, kung minsan mas marami nga akong nakikitang negative, pero minsan ang ulo kaya nilagyan nang utak at nilagay sa pinakaitaas na bahagi nang iyong katawan ay para lagi mong naalala at magamit ito.
Hindi rin ako yung tipong plastic na tao, subalit hindi ka pala pwedeng mamuhay na laging totoo, minsan kailangan mo rin palang magpaka plastic upang makasurvive sa magulong mundo nang mga sinasabi nilang "PROFESSIONALS".
Hindi ko rin alam kung bakit sila tinawag na "Profesional" samantalang hindi rin naman yata nila naintindihan tulad ko kung ano ang tunay na kahulugan nito sa dikstionaryo na kung ihahambing mo sa tunay na kalakaran sa mundo ay kakaiba at nakakatawa...
Minsan masarap din palang sumama nalang sa agos, hayaang dalhin ka nang tubig o hangin sa ibat ibang lugar, dahil mahihirapan ka lang kung pilit mong puntahan ang mga nais mong marating lalo na kung sinasalubong mo ang ihip nang hangin o kaya ay ang agos nang tubig...
Hindi ko sinasabing huwag kang magpakatotoo, subalit kung alam mong mahihirapan ka upang maabot ang iyong mga nais, ipagpipilitan mo pa rin ba???
Kung ang mga paniniwala mo ay ayaw tangapin nang nakararami, maaring bang ikaw ang talagang hindi nakakaintindi???
Kung sa bawat bigkas mo nang katotohanan ay maraming masasaktan at maaring ikabagsak mo, magsasalita ka pa rin ba???
maraming tanong na hindi ko mawari kung saan huhugutin ang mga sagot, pero ang alam ko kaya nga tayo binigyan nang free will ay upang magawa natin ang bagay na nais natin ayon sa ating kunsensiya, pero may konsensiya ka nga ba???
pwede bang mamahagi nang safeguard? baka sakaling sa pagbukas nila nang karton o sachet nito ay may nakalakip na mga katagang.....
"YOU WON 1 MELYON KONSENSIYA"....
amen...
Thursday, May 20, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)