Tuesday, July 27, 2010

luha...

bakit kaya no? kung masaya ka, tumutulo luha mo, minsan may kasama pang sipon, kung nalulungkot ka at nagagalit, ganun din! tulo din luha mo, uhog at may kasama pang sipon.

Nakakatawang nakakalungkot isipin kung minsan no? Ganon na ba tayo kaiyakin at parang sa lahat nang pagkakataon ay umiiyak at napapaluha tayo.

Yung iba, pilit na itinatago ang mga luha nila, lalo na kapag mga lalaki, kasi nga sa Pinas kapag lalaki ka dapat matatag ka, at di ka naaapektuhan nang mga kadramahan at baka isipin nang iba na bading ka.

Kadalasan luha lang ang mga nakikita mo sa mga lalake, at kung may nakatingin ay agad na magpupunas, isa o dalawang patak lang okey na yun, tama na at magtatago na para makaiyak, pero kadalasan kinikimkim lang, kadalasan nga kapag may mga lalaking umiiyak nasasabihang parang di lalake.

Yung iba naman ay parang mga baka lang kung umatungal sa lakas nang pagpapahayag nang kanilang mga damdamin, at kadalasang nakikita mo to sa mga babae at kadalasan may kasama pang sigaw, kumpas nang kamay at kung minsan ay meron pang mga nahihimatay, at kapag babae okey lang kahit minuminuto pang umiiyak, kasi nga dito sa atin ang babae ay malalambot ang puso at iyakin.

Pero bakit kaya ano? kahit hindi ka malungkot o masaya kapag nakakakita ka nang mga taong umiiyak, napapaiyak ka na rin lalo na kapag kaibigan mo, kakilala o kahit sino lang basta ang iniiyakan nya ay naiyakan mo na dati at naiintindihan mo ang kanilang pinagdaraanan ay napapaluha ka na rin.

Nakakatawa no? kung minsan nga makaisip ka lang nang mga malulungkot na bagay o kaya ay nakapanood ka nang mga umiiyak sa tv o kaya sa sinehan, maya maya ay sumisinghot ka na rin, tulo na din luha mo lalo na kapag nakakarelate ka sa mga iniiyakan nila.

Napapaisip nga ako e, iyakin ba ang mga pinoy? Cyempre kapag mga lalake ang tatanungin, ang magiging sagot nila ay hindi, ewan ko lang kapag mga babae ang tatanungin, pero may ilan ang siguradong magsasabing oo, at may ilan na hindi aamin.

Haay naku, bakit ko ba naisipang isulat ito? baka mamaya napapaluha ka na. May kasalanan pa ako hehehe..

Pero ang mahalaga ay malaman natin na ang pagluha ay hindi para lamang sa mga babae, ito ay para sa lahat nang tao, kapag may mata ka na nakakita s mga nakakalungkot na bagay at pusong nakakaramdam nang pagmamahal ay tama lang na umiyak mapababae ka man o lalake.

Ate at kuya salamat sa pagbabasa, kung napaluha ka di ko na kasalanan, pero kung nainis ka, kasalanan mo yun