Sunday, March 29, 2009
Ang aking Kape at Yosi
Makalipas ang mahaba habang deliberasyon, argumento, at ang tila walang hangang pagtitig sa kawalan, narating ko rin sa wakas ang isang konglusyon.
Alam ko na gagawin sa aking bagong blog na "KAPE AT YOSI". (wow malaki at mabuting balita ito.)
Ang aking isang blog ang "COFFEE BREAK" ay isang blog na pwedeng sabihing wholesome at dito naipapakita ko ang aking isang side bilang mabait na nilalang. Ang problema nga lang hindi naman sa lahat nang pagkakataon ang tao ay mabait, masunurin, masipag, in short anghel sa lupa.
Kyat sa aking pagmumuni muni ay naisipan ko rin sa wakas na dito sa "KAPE AT YOSI" ko nalang ipapakita ang aking pagka maldito, usisero, tsimoso, at kung ano ano pang kapilyuhan. sa maikling pananalita demonyito pero slight lang naman kaya di na kailangan ang parental guidance.
Kayat gudlak nalang at sana kahit papano makapaghatid ako nang ngiti sa iyong mga labi...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ahaha! Pareho atang may kape ang blog mo... Adik! sa kape?....wehehe
Cheers Rhodey para sa iyong another blog! Keep blogging!
Dylan Dimaubusan
oo nga no? parang ngayon ko lang napansin hehe... adik nga ba ako sa kape? hahaha
Post a Comment