Saturday, March 28, 2009
kape at yosi
Bata pa lamang ako natuto na akong magkape, lumaki kasi ako sa bukid, at sa bukid tuwing umaga at walang ulam uso ang kape na isasabaw sa kanin para sa agahan, pwede nang pagtyagaan at pwede nang lamang tyan yun hangang umabot ang tanghalian.
Sa amin ang kape "barako" talaga hindi katulad nang mga iniinum ko ngayon dito sa manila puro instant, at ang kapeng probinsya may halong pagmamahal. Buto lang yun nang kape na inaani ni nanay sa likod bahay, tapos binibilad ni tatay sa bubong pag natuyo na tatangalan namin nang mga balat tapos ibibilad ulet at saka isasangag ni nanay na kapag naluto na ay binabayo ni tatay na kapag naging pulbos ay siya namang iluluto ni nanay sa umaga na siya naming iniinum sa umagahan at kung minsan at wala talagang maulam e pwede na rin yun lalo na kapag sinangag na kanin ang hain ni nanay.
Walang kasing sarap, at namimiss ko nang todo yun. yung masarap na samyo nang kape na siyang gigising sa iyo sa madaling araw, na siya ring magiinit sa malamig mong sikmura, haaay..
Ang sarap balikan yung mga panahong yun, nung medyo bata ka pa walang pakialam sa mundo makapaglaro lang okey na.
Ang hirap lang kapag tumatanda ka na, dumarating na ang mga responsibilidad at sa ayaw man o gusto mo kailangan mong harapin yun.
Pero mabigat man o magaan ang responsibilidad na iniatang sa iyo di makukumpleto ang araw kapag walang kape, sa umaga, sa tanghali, at sa meryenda at kung minsan nga kung trip mong magpuyat dahil may tinatapos kang trabaho, project, o kaya ay nagrereview isang takuring kape ang kasama mo sa pagpupuyat, at kadalasan kapag may hawak kang kape may sindi ka ring yosi.
Ewan ko ba kung bakit masarap pagsabayin ang dalawang ito, pero pansinin mo lang sa paligid mo, luminga linga ka at makikita mo ang katotohanan nang sinasabi ko.
Maraming nagsasabing di daw maganda ang yosi at kape, dahil ang kape merong cocaine at ang yosi naman ay pero nicotine, pero sabi nga nila masarap daw ang bawal, pero ang masasabi ko lang moderation lang ang kailangan.
Isa lang ang natitiyak ko kung saan saan na napunta ang sinusulat ko na binabasa mo. Gusto ko lang naman sanang ipakilala ang blog ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Isang makabuluhang panulat na naguugnay sa mga sakripisyo ng bawa;t Pilipino upang labanan ang banta ng kahirapan sa bawa't pamilyang Pilipino.
Bagama't magkasintulad ng hangarin na maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng bawa't mangagawa sa pagitan ng mga migranteng Pilipino kumpara sa mangagawang nagtatrabaho sa Pilipinas - ang pagharap sa kakaibang kultura ng ibang bansa, klima at batas alituntunin at ang malawak na karagatan na naghihiwalay sa pamilyang nagmamahalan ang ilan sa mga bagay na nagbigay na malawak na hamon sa mga OFW na nasa ibang bansa.
Maraming salamat sa iyong paglahok sa PEBA 2010 at sa pamamagitan ng iyong likhang panulat, ito'y magbibigay inspirasyon ating mga kababayang Pilipino na nakikibaka laban sa kahirapan. Pagpalain ka ng Maykapal.
Post a Comment