Friday, November 26, 2010


Bakit kapag nagmahal ka?


...wala kang nakikitang hindi maganda?...

Monday, November 22, 2010

Harry Potter and the Deathly Hallows..


Hindi ako masyadong die hard fan nang Harry Potter Serries, pero isa ako sa mga  nakipila noong unang araw na ipalabas sa manila ang unang episode nang Deathly Hallows, at ang masasabi ko, okey, panalo, nakakabitin, at talaga namang aabangan mo yung next installment nito na hindi ko pa alam kung kailan ipapalabas.

gusto ko munang ikwento ang kwento ni Beedle the Bard an author of wizarding fantasies and author of the book The Tale of the Three Brothers kung saan nagmula ang kwento nang Deathly Hallows na titulo nang unang yugto nang huling aklat nang Harry Potter Series.

THE TALE OF THE THREE BROTHERS:
One day long ago, three brothers decided to go out travelling the world together. At twilight they came to a treacherous river that had taken the lives of many people who had attempted to cross to the other side. The Peverells, being expert wizards, casually whipped out their wands and created a bridge out of thin air to cross over. No sooner had they set foot on the bridge when they saw a dark, hooded figure blocking their path in the middle of the bridge. This figure was none other than Death himself, and he was outraged that he'd been cheated out of three new victims, since most people usually drowned in the river. However, Death was cunning and pretended to congratulate the three brothers for being able to "evade" him, offering each of them a prize for their skill.


Antioch, the eldest and most boastful of the Peverell brothers, desired power over others, and so he asked Death for a wand that must always win in a duel for its master, a wand worthy of a man who had conquered Death. So Death crossed to an Elder tree near the river bank, snapped off a twig from one of its branches, fashioned a wand fifteen inches in length with the core of a Thestral hair, and gave it to Antioch, promising him that the newly-created Elder Wand would be the most powerful wand in creation.



Cadmus, the middle brother, was an arrogant man and wanted to humiliate Death even further, so he asked Death for the power to bring people back from the dead. So Death walked to the river bank, picked up a black stone from the riverbed, and gave it to Cadmus, promising him that when turned over thrice in one's hand, the Resurrection Stone would have the power to bring back the dead as he had requested.


Ignotus, the youngest and wisest of the three brothers, was a humble man and did not trust Death at all. Rather than ask for something to further his own desires, he asked for something that would enable him to leave Death and not be followed. Death, knowing he may have been outsmarted by Ignotus but not wishing to betray his true intentions in giving the brothers their "gifts," took off his own Cloak of Invisibility that he used to sneak up on people with and gave it to Ignotus with very bad grace. This was no ordinary Invisibility Cloak, as it provided everlasting protection to its wearer and did not fade with age as most Invisibility Cloaks often do. With this, Death stepped aside and allowed the three brothers to continue on their travels as they admired Death's gifts and talked of their adventure.

Eventually, the three brothers separated, each heading toward his home. Antioch reached a village and sought out a wizard with whom he had a quarrel, engaging him in a duel that left the rival wizard dead on the floor. Antioch then proceeded to a nearby inn, where he celebrated his victory and drank heavily in the process. He then drunkenly boasted of his unbeatable wand he had snatched from Death himself, claiming it made him invincible. Later that night, a greedy wizard who had overheard Antioch's ravings crept up to Antioch's room. Finding Antioch unconscious and wine-sodden, the wizard took the Elder Wand from Antioch's belongings and, for good measure, slit Antioch's throat, winning mastership of the Elder Wand for himself. So Death took back his first victim.


Meanwhile, Cadmus returned to his own home and took out the Resurrection Stone. As Death had instructed him, he turned the black stone over thrice in his hands, and, to his joy and astonishment, the image of the girl he had hoped at one point to marry before her untimely death appeared before him. However, she was cold and distant, as though being seen through a veil, and she suffered due to the fact that she no longer belonged in the world of the living and desired to go back to the world of the dead. Upset that the Resurrection Stone could not make it as though she had never died, Cadmus was driven mad with longing, and he took his own life so as to truly join his love in death. So Death took back his second victim.
Though Death searched for many long years, he was unable to find Ignotus, who successfully hid from Death for a good many years using the Cloak of Invisibility. Finally, when he was a ripe old age and had lived a long and happy life, Ignotus decided to take off the Cloak of Invisibility and gave it to his son. Ignotus then greeted Death as an old friend, and together they departed this world as equals.

 the symbol of the deathly Hallows,
the wand, the resurrection stone, and the cloak of invisibility
It is believed that whoever succeeds in uniting all three of the Hallows would become the Master of Death

...and that is the story of the DEATHLY HALLOWS... 





(source: The Tale of the Three Brothers: Harry Potter Wikia.com)

Saturday, November 20, 2010

"Ikaw at Ako..."

ikaw at ako,
minsan magkaibigan,
minsan magkaaway,
minsan magkabati,
minsan hindi magpapansinan,
kasi naman minsan ang sungit mo,
minsan naman basta ka nalang nagagalit,
di mo naman sinasabi ang dahilan.
nakakainis ka na nga e,
pero di kita matiis...


.


kapag naglulungkot lungkutan ka sa tabi,..
kapag kunwari iiyak ka na,
kahit alam ko nagdadrama ka lang,
kapag nagpapapansin ka,
kapag nagseselos ka sa wala,
nakakapraning ka na nga e,
sige pa rin,
kahit minsan nakakatawa na,
kahit latay na katawan ko sa kurot mo,
sige pa rin..


.



minsan nakakapagod na,
minsan di na nakakatuwa,
minsan gusto na nga kitang patulan e,
kaya lang,
wala e,
hindi ko kaya,
kaya naman sinasamantala mo,
ewan ko ba sa iyo,..
kesyo alam mong di ko kayang wala ka,
parang gusto mo namang abusuhin...


minsan nga kahit pagod na pagod ako,..
nagpapakarga ka pa,
buti sana kung slim ka,
tuwang tuwa naman ako,
nakakainis,
ginayuma mo ako ano?
makapaghanap nga nang albularyo,
makapaghanap nga nang pangontra,
haaaay...
anak nang tinapang isda...





ikaw na nakibasa,
kung may kilala kang albularyo,
i refer mo naman ako, Please...
pero whag muna ngayon,
ineenjoy ko pa,
iwan mo lang address niya,
puntahan ko after 50 years,
kasi naman tong mangkukulam kong mahal,..
nasa likod ko at nakikibasa,
nangungurot pa...

Monday, November 15, 2010

Shutter Happy Part 2..

mga pictyurs lang ba!... hehehehe...














shutter happy part 1..

Sabi nga nila kung may trigger happy meron din shutter happy, at isa na ako dun hehehe, wala naman akong kaalam alam sa photography pero kung napasakamay ko na ang camera e bahala na.

natutuwa lang ako lalo na kapag may mga tanawin or moments na gusto kong i capture, at sana kahit papano may saysay... hehehe

























Saturday, November 13, 2010

On Saying Good Bye..


"Life is a journey...

but every journey have to end...

Good bye but we will see you soon... "












Today we finally bid farewell to my Best Friend's Mother.

I just would like to say thank you,

for with out you,

I would have never had my Best Friend..



Thank you Nanay Maria.

Sunday, November 7, 2010

hayaan mo lang...




let the wings of fantasy,

bring you to the moon!
let the embrace of fiction,
nurture your imagination!


a line from my poem My Playful Mind in my other blog Coffee Break, wala lang naisip ko lang ishare, nagiisp bata kasi ako ngayon e hehehe nagbabakasali lang may nagiisip bata din diyan maipaliwanag sa akin nang mabuti kung anong ibig sabihin niyan hahaha...



Wednesday, November 3, 2010

pumila ka...


Pagkahaba haba man nang pila;

makakarating ka rin sa releasing...

Tuesday, November 2, 2010

Bakit mahal na mahal ko ang Kape....



Mahilig akong magkape, isa ito sa mga hindi ko nakakalimutang inumin sa loob nang isang araw, subalit sa dinami dami nang kapeng nagsulputan sa mundo, iisa lang talaga ang masasabi kong napamahal na sa akin at miss na miss ko na sa ngayon, ang kapeng barako na pinapakuluan ni tatay sa madaling araw gamit ang kanyang mahiwagang takuri at kalan na sabi niya ay ginatungan niya nang pagmamahal kayat masarap ito kahit mapait pait ang lasa pero punong puno nang init.

Bata pa lang ako, mahilig na akong magkape at dahil nagpadala naman ako sa mga pambobola ni tatay, ayun tuluyan akong naadik sa kanyang mahiwagang kape na sinabayan nang sinangag at kung ano anong pwedeng iulam sa umaga bago kami pumasok sa paaralan.

Para tuloy hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakatikim nang kanyang mahiwagang kape, at talagang nagmamaktol pa ako noon sa umaga kapag nahuli siya nang gising at hindi nakapagpakulo nang kanyang mahiwagang kape.

Nakakatuwang balikan ang mga ala alang hatid nang kape sa aking buhay, at hindi ko tuloy maiwasang ngumiti kung minsan habang humihigop ang kape sa opisina na hindi kasing sarap nang mahiwagang kape na luto nang aking tatay.

Kadalasan instant ang mga kapeng naiinom ko ngayon, yung tipong ilalagay mo lang sa tasa, bubuhusan nang mainit na tubig, presto may kape ka na. Hindi katulad nang kape nang aking tatay na binabantayan niyang kumulo muna ang tubig bago niya lagyan nang pulbos nang kape na una niyang niluto, giniling at inimbak sa garapon na sabi niya ay para lalong bumango at sumarap dahil hinahaluan niya ito nang pagmamahal, at sabi pa niya huwag daw naming sasayangin ang kape niya dahil parang sinayang din namin ang kanyang pagmamahal.

Pasok na pasok naman ang kanyang mga pambobola sa aming magkakapatid, minsan pa nga nagkakasumbungan dahil hindi namin inuubos ang kapeng tinimpla niya. Minsan nagagalit siya, minsan naman tawa lang siya nang tawa, minsan naman tinatakot niya kaming hindi na siya magluluto nang mahiwagang kape niya, tatahimik naman kaming magkakapatid at magsisisihan kung bakit nagsumbong pa, o kaya ay bakit kasi hindi inubos ang kape niya.

haaay.. nakakamiss talaga.

Malayo ang eskwelahan sa bahay namin, kailangan pa naming tumawid nang ilog at maglakad nang halos isang kilometro mula sa pampang nang ilog bago kami makarating sa paaralan, kayat kailangan naming gumising nang maaga para hindi malate sa flag ceremony.

Kadalasan hindi pa sumisikat ang araw ay hinahatid na niya kami sa pampang nang ilog at itinatawid niya kami gamit ang kanyang maliit na bangka na ipinasadya talaga upang makatawid kami nang hindi na kailangan antayin pa ang bangkero na kadalasan namang tanghali na kung gumising.

Malamig ang madaling araw sa probinsiya at kadalasan ang tanging baon naming panlaban sa lamig ay ang init nang kanyang tinimplang kape na sabi niya ay puno nang pagmamahal.

Nangingiti ako kapag naiisip ko ang mga pambobolang yun ni tatay na swak na swak naman sa aming mumunting isipan, ngayon kung minsan nagigising ako sa madaling araw na hinahanap hanap ang aroma nang kapeng barako na lagi kong nasasamyo at gumigising sa akin na sa mahabang panahon ay nagsilbing alarm clock sa aming magkakapatid, yun bang tipong kahit tulog na tulog ka bastat naamoy mo ang kapeng barako mapapatayo ka dahil baka maubusan ka, patay kang bata ka, wala kasi yung second batch at no refill pa hehehehe.

Matagal tagal na rin akong hindi nakakauwi sa probinsiya dala na rin nang mga responsibilidad at trabahong hindi maiwan iwan, subalit walang araw na nagdaan na hindi ko naiisip at inaasam na muling matikman ang kapeng tinitimpla niya na nagbibigay enerhiya sa aming lahat sa madaling araw.

Ngayon masisisi mo ba ako kung bakit mahal na mahal ko ang kape?