ikaw at ako,
minsan magkaibigan,
minsan magkaaway,
minsan magkabati,
minsan hindi magpapansinan,
kasi naman minsan ang sungit mo,
minsan naman basta ka nalang nagagalit,
di mo naman sinasabi ang dahilan.
nakakainis ka na nga e,
pero di kita matiis...
.
kapag naglulungkot lungkutan ka sa tabi,..
kapag kunwari iiyak ka na,
kahit alam ko nagdadrama ka lang,
kapag nagpapapansin ka,
kapag nagseselos ka sa wala,
nakakapraning ka na nga e,
sige pa rin,
kahit minsan nakakatawa na,
kahit latay na katawan ko sa kurot mo,
sige pa rin..
.
minsan nakakapagod na,
minsan di na nakakatuwa,
minsan gusto na nga kitang patulan e,
kaya lang,
wala e,
hindi ko kaya,
kaya naman sinasamantala mo,
ewan ko ba sa iyo,..
kesyo alam mong di ko kayang wala ka,
parang gusto mo namang abusuhin...
minsan nga kahit pagod na pagod ako,..
nagpapakarga ka pa,
buti sana kung slim ka,
tuwang tuwa naman ako,
nakakainis,
ginayuma mo ako ano?
makapaghanap nga nang albularyo,
makapaghanap nga nang pangontra,
haaaay...
anak nang tinapang isda...
ikaw na nakibasa,
kung may kilala kang albularyo,
i refer mo naman ako, Please...
pero whag muna ngayon,
ineenjoy ko pa,
iwan mo lang address niya,
puntahan ko after 50 years,
kasi naman tong mangkukulam kong mahal,..
nasa likod ko at nakikibasa,
nangungurot pa...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
albularyo? meron pare kaso mangkukulam din yun. nice poem dude :D
thanks pareng bino, kumpare na tayo hehe, actually i was trying to make a story, kaya lang inistorbo ako nang mangkukulam kong mahal kaya naging poem nalang hehehe... (shinortcut nalang.. hehehe)
pero salamat...
Ang cheessinessssss =)
yun oh gumaganun naks naman hehehe :D
Post a Comment