Sunday, October 6, 2019

Buhay Mangagawa..





Bahay, Jeep, LRT, Trabaho, Trabaho, LRT, Jeep, Bahay, 
Paulit ulit nalang, araw araw, Wala ng pagbabago.
Nakakasawa, nakakairita, lalo na kapag traffic, 
Ang daming oras magisip, Nakakasakit ng ulo.

Hindi makagimik, Hindi makagala, 
Sahod na darating, alam na Kung saan mapupunta.
Tubig, kuryente, at bahay, hiling na sapatos ni kuya. 
damit din daw ni ate, at si bunso manok na masaya.

Saan ba aabot, Kakarampot na kita, 
Kinsenas at katapusan, payslip nalang ang natitira.
Laban lang, bukas ganito ulet. Pero Teka, may natira pang barya, 
pwede pa sa isaw at kwek-kwek, pasalubong kay bunso,
para masaya!


by: Rhoderic Domingo


No comments: