Sunday, October 6, 2019




Sapatos, tsinelas, sandalyas,
Munting sapin sa paang matikas,
Proteksiyon sa batong matatalas,
Na sa daan ay nakakalat!

Pudpod man at butas butas,
Pasasalamat ko ay di sasapat,
Upang pangarap ko ay matupad,
Buhay mo ang itinapat!

Sapatos, tsinelas, sandalyas,
Salamat sa inyong paggabay,
Sa milya milyang paglalakbay,
At sa mga aral sa buhay!

Dahil sa iyo ay aking narating,
Mga naggagandahang tanawin,
Mga malalayong bukirin,
Na nagpapasaya sa damdamin!

Bundok, burol at mga kapatagan,
Siyudad, sitio, at mga barangay,
Binigyan mo ako ng lakas,
Upang pagasa ay iwagayway!



By: Rhoderic N. Domingo



No comments: