Friday, October 8, 2010
1948 Pinoy Classic movie...
wala kasi akong magawa, wala rin akong maisip na magandang isulat kaya sinubukan kong maghagilap nang mapapanood sa you tube, ayun oldies ang napag tripan, sana lang masakyan niyo ang trip kong ito.
hehehe... gudlak...
Manila: Queen of the Pacific 1938
Sunday, October 3, 2010
mahabang pahinga...
Tuesday, September 21, 2010
Kaibigan

Friends sometimes come and go, but they sure leave a mark in your life or in your heart, some memories could be something worth remembering and some could just be plain memories that vanishes as time passes by!
Its not always the length of friendship but on how the friendship was and will be, there is no exact definition of it because its meaning differs in every aspect of life but every person has a friend or someone he can call a FRIEND in any part of his existence!
Sunday, August 15, 2010
Beauty
Beauty... have you ever wondered its real meaning? most of us judge and sometimes we are judge by it, but have you discovered the real meaning and essence of the word?
... some believe that beauty is defined with the curves of the body, the shape of ones face, and other things that are pleasing to the eyes, qualities that often go away as age conquer us, qualities that we thought our own but unfortunately , they leave us...
... it is very unfortunate to think that all of us are deceived by these qualities, qualities that sometimes camouflage the real us, the real beast within..
... how often do we stare and despise those we believe are not at our level, how often do we laugh and glare those that we believe are ugly?..
hmmmmmm..... should we pity them? or should we pity ourselves?..
.. a question i don't know how to answer... and pity me for so long i have searched but the answer is beyond my grasp...
... I may not have the answers today, but eventually i know the answers will pour in my palm, but would those answers be too late for me?
... do you have the same dilemma?..
... do you have the same questions?..
... do we have the same thing in mind?..
... when will we find the answers?..
... i do not know, but for sure you and i will be in a quest to know the real meaning and essence of the word...
... help me... let us join hands and travel the world in search for the answers of these questions...
... will you?
Tuesday, July 27, 2010
luha...
Nakakatawang nakakalungkot isipin kung minsan no? Ganon na ba tayo kaiyakin at parang sa lahat nang pagkakataon ay umiiyak at napapaluha tayo.
Yung iba, pilit na itinatago ang mga luha nila, lalo na kapag mga lalaki, kasi nga sa Pinas kapag lalaki ka dapat matatag ka, at di ka naaapektuhan nang mga kadramahan at baka isipin nang iba na bading ka.
Kadalasan luha lang ang mga nakikita mo sa mga lalake, at kung may nakatingin ay agad na magpupunas, isa o dalawang patak lang okey na yun, tama na at magtatago na para makaiyak, pero kadalasan kinikimkim lang, kadalasan nga kapag may mga lalaking umiiyak nasasabihang parang di lalake.
Yung iba naman ay parang mga baka lang kung umatungal sa lakas nang pagpapahayag nang kanilang mga damdamin, at kadalasang nakikita mo to sa mga babae at kadalasan may kasama pang sigaw, kumpas nang kamay at kung minsan ay meron pang mga nahihimatay, at kapag babae okey lang kahit minuminuto pang umiiyak, kasi nga dito sa atin ang babae ay malalambot ang puso at iyakin.
Pero bakit kaya ano? kahit hindi ka malungkot o masaya kapag nakakakita ka nang mga taong umiiyak, napapaiyak ka na rin lalo na kapag kaibigan mo, kakilala o kahit sino lang basta ang iniiyakan nya ay naiyakan mo na dati at naiintindihan mo ang kanilang pinagdaraanan ay napapaluha ka na rin.
Nakakatawa no? kung minsan nga makaisip ka lang nang mga malulungkot na bagay o kaya ay nakapanood ka nang mga umiiyak sa tv o kaya sa sinehan, maya maya ay sumisinghot ka na rin, tulo na din luha mo lalo na kapag nakakarelate ka sa mga iniiyakan nila.
Napapaisip nga ako e, iyakin ba ang mga pinoy? Cyempre kapag mga lalake ang tatanungin, ang magiging sagot nila ay hindi, ewan ko lang kapag mga babae ang tatanungin, pero may ilan ang siguradong magsasabing oo, at may ilan na hindi aamin.
Haay naku, bakit ko ba naisipang isulat ito? baka mamaya napapaluha ka na. May kasalanan pa ako hehehe..
Pero ang mahalaga ay malaman natin na ang pagluha ay hindi para lamang sa mga babae, ito ay para sa lahat nang tao, kapag may mata ka na nakakita s mga nakakalungkot na bagay at pusong nakakaramdam nang pagmamahal ay tama lang na umiyak mapababae ka man o lalake.
Ate at kuya salamat sa pagbabasa, kung napaluha ka di ko na kasalanan, pero kung nainis ka, kasalanan mo yun
Saturday, June 12, 2010
Mangarap Ka..
Sabi nga nila libre namang mangarap kayat kung may pagkakataon ka at mangangarap, lakihan mo na at taasan, libre naman yun at bawat tao ay may karapatang gawin yun.
Pero kapag nangarap ka gumalaw ka at maghanap nang mga paraan upang ang iyong mga pangarap ay magkaroon nang buhay at maging katotohanan.
Ang mga pangarap mo ang siyang magbibigay sa iyo nang lakas at tibay upang lumaban sa mga unos nang buhay, at upang tumayo ka at patuloy na humakbang sa tuwing ikaw ay madadapa para makamit at tuluyang buuin ang mga ito.
Lumaki ako sa bukid, malayo kami sa kabihasnan, matatanaw mo na ang bundok nang Sierra Madre sa Kanluran at ang ilog nang rio chico naman ang pumapaligid sa aming nayon sa iba pang direksyon.
Masarap mabuhay sa bukid. Walang problema at higit sa lahat malinis ang hangin at libre ang mamasyal, subalit mahirap ang buhay sa nayon. Maraming pagkain kung masipag ka subalit walang pera na pwedeng ipantustus sa mga iba pang pangangailangan.
Bata palang ako sabi nila ay ambisyoso na daw ako, di ko rin masabi kung papano at bakit nila nasabi yun pero sa palagay ko ay tama sila. Mahal ko ang bukid na aking nilakihan subalit ayokong manatili dito habang buhay. Gusto kong maglibot sa iba pang lugar, at tumuklas ng mga bagay bagay na di ko pa nasisilayan sa aming nayon at ang maglakbay sa iba pang sulok nang daigdig.
Subalit ang buhay ay hindi isang palabas sa sine na laging may masayang kwento at katapusan, na ang bida ay palaging nananalo at nakakamit kung anuman ang kanyang naisin.
Nangarap ako, nadapa, at bumangon subalit di ko pa rin nakakamit ang aking mga pangarap. Nasa kalagitnaan pa rin ako nang paglalakbay at alam ko marami pang hirap at pasakit ang aking mararanasan bago ko makamit ang tagumpay na aking inaasam.
Mahaba pa ang aking lalakbayin subalit sa aking pagbabalik tanaw ay dito ko nakilala ang mga taong naghangad na makamit ko ang aking inaasam na tagumpay, Sa paglalakbay na ito nakasabay ko at naging kaibigan ang mga katulad ko rin nangangarap.
Marami akong nakakasabay at naging kaibigan, ang ilan ay dumaan lang at tuluyan ring lumisan subalit may mga ilan na gumagabay pa rin at tumutulong pa rin upang marating ko ang aking mga pangarap.
Sana lahat nang tao ay mangangarap din at tatahak sa daan patungo sa lugar nang mga buong pangarap, mahirap ang daang ito at marami ang hindi na ipinagpapatuloy pa ang kanilang paglalakbay, subalit sa twing lilingon ka sa iyong pinangalingan ay makikita mo ang mga taong iyong nakasabay, tumulong at nakipagagawan sa iyong pangarap.
Salamat at kahit papaano ay patuloy pa rin ako sa paglalakbay at alam ko mararating ko rin ang dulo at makakamtan ko rin ang aking mga pangarap.
Thursday, May 20, 2010
Positive? o Negative?
nakakatuwa lang isipin na pagkatapos nang lahat lahat na pinagdadaanan ko ay heto, nakatayo at lumalaban pa rin kahit papano...
pero hangang kelan kaya???... hehehe
gusto kong magmukmok at umiyak pero wala namang mangyayari diba???
gusto kong tumakbo at magtago pero saan naman ako pupunta???....
harapin na nga lang at baka matapos na yan, e di solb, no problem... okey na ulit.. pwede diba?
Hindi ako yung tipo nang taong puro positive ang nakikita, kung minsan mas marami nga akong nakikitang negative, pero minsan ang ulo kaya nilagyan nang utak at nilagay sa pinakaitaas na bahagi nang iyong katawan ay para lagi mong naalala at magamit ito.
Hindi rin ako yung tipong plastic na tao, subalit hindi ka pala pwedeng mamuhay na laging totoo, minsan kailangan mo rin palang magpaka plastic upang makasurvive sa magulong mundo nang mga sinasabi nilang "PROFESSIONALS".
Hindi ko rin alam kung bakit sila tinawag na "Profesional" samantalang hindi rin naman yata nila naintindihan tulad ko kung ano ang tunay na kahulugan nito sa dikstionaryo na kung ihahambing mo sa tunay na kalakaran sa mundo ay kakaiba at nakakatawa...
Minsan masarap din palang sumama nalang sa agos, hayaang dalhin ka nang tubig o hangin sa ibat ibang lugar, dahil mahihirapan ka lang kung pilit mong puntahan ang mga nais mong marating lalo na kung sinasalubong mo ang ihip nang hangin o kaya ay ang agos nang tubig...
Hindi ko sinasabing huwag kang magpakatotoo, subalit kung alam mong mahihirapan ka upang maabot ang iyong mga nais, ipagpipilitan mo pa rin ba???
Kung ang mga paniniwala mo ay ayaw tangapin nang nakararami, maaring bang ikaw ang talagang hindi nakakaintindi???
Kung sa bawat bigkas mo nang katotohanan ay maraming masasaktan at maaring ikabagsak mo, magsasalita ka pa rin ba???
maraming tanong na hindi ko mawari kung saan huhugutin ang mga sagot, pero ang alam ko kaya nga tayo binigyan nang free will ay upang magawa natin ang bagay na nais natin ayon sa ating kunsensiya, pero may konsensiya ka nga ba???
pwede bang mamahagi nang safeguard? baka sakaling sa pagbukas nila nang karton o sachet nito ay may nakalakip na mga katagang.....
"YOU WON 1 MELYON KONSENSIYA"....
amen...
Monday, April 12, 2010
old house secrets
I live in an old house! but i didn't expect that this old house holds so many secrets!
I thought this is just an ordinary piece of furniture stored up in the second floor but when i finally decided to open it up, wow an old player!
I was practically covered with dust because we do not ussualy open this room where old stuff are stored!I thought this is already busted but because i am naturally "Pakialamero" hehe, I tried turning it on and wow, the old player is still working haha!
the fun and excitement i felt was WOW! imagine i don't exactly know how old this player but this is one certified antique!
And other old players just showed themselves to me! hahaha
Monday, March 1, 2010
Choices....
Minsan nakakapagod na! Minsan gusto mo nang umayaw, pero kailangan mong lumaban, hindi para lang sa iyo pero para sa mga mahal mo na umaasa sa iyo, mahirap, masalimuot, pero kailangan mong muling humakbang at ipagpatuloy ang laban...
At sa iyong paglalakbay, hindi maiiwasang may masumpungan kang sangang daan kung saan kailangan mong mamili, at sa bawat desisyong iyong gagawin ay nakasalalalay hindi lamang ang iyong kinabusan pero nang lahat nang umaasa sa iyong kakayahang humusga at mamili nang mas nakabubuti sa iyo, o kaya ay para sa inyo....
Pero paano kapag ang napili mo ay iyong pinagsisisihan? Paano kung ang napili mo ay isang pagkakamali? paano mo ito lulusutan at paano mong maibabalik ang isang lumipas na pagkakataon upang makapamili?
Sabi nga nila ang opportunidad daw ay isang beses lang kung dumaan sa iyong buhay at sabi rin nila ito daw ay parang isang matandang ang buhok ay nasa magkabilang gilid lamang na mabilis na dumaraan at kapag dumaan sa iyong tapat ay kailangan mong sungaban dahil kapag itoy nakalampas ay hindi mo na mahahabol at lalong hindi na ito magbabalik sa iyong paglalakbay...
Pero paano kung pinili mong hayaan na lang itong dumaan sa harap mo? Paano kung pinili mong huwag siyang tignan? paano kapag pinili mong huwag nang pumili at ipagpatuloy na lamang ang anumang iyong ginagawa nang siya ay dumaan?...
Mahirap isipin pero mas mahirap ang magsisi, ito ang pinili mo at dapat lamang na ito ay iyong panindigan, maaring mahirap pero mas mahirap ang malugmok at umiyak dahil sa pagsisisi at pagaalinlangan sa sariling kakayahan...
Sabi nga nila, mas maganda na iyong kahit papano ay may napili ka, at kung ano man daw ang iyong pinili ay dapat mong pagyamanin ito at gawing inspirasyon upang mas umunlad ang iyong pamumuhay...
ewan ko kung tama... naguguluhan din ako, may pinalagpas din akong pagkakataon at nagkataon din naman na ang pinili ko ay siyang mas lalong nagpapahirap sa aking kalooban...
hindi ko rin maintindihan ang takbo nang buhay, ang biro nang tadhana, pero anuman ang mangyari hindi ako malulugmok dahil sa aking desisyon, desisyon ko ito at anuman ang kahihinatnan nito ay dapat ko itong pagyamanin upang maging kapakipakinabang...
sana...

