Tuesday, July 28, 2009

ano na???

Ang tagal ko rin palang nawala, ang tagal ko rin palang nahimlay at nanahimik, ang tagal rin bago ako nagising at muling ipinagpatuloy ang pagsusulat sa kwento nang aking buhay....

Nalusaw na ang mga yelo sa mundo ni Scrat, yung makulit na squirel sa isang pambatang pelikula na alam kong ikaw at ako ay nakinood, nakiusyoso, nakitawa at nalungkot dahil hindi pa rin niya nakuha ang kanyang acorn, parang ibig ipahiwatig na meron na naman itong kasunod...

Natapos na rin ang pakikipaglaban ni Harry kay Snape at natapos na rin ang ika siyam na araw nang pagunita sa pagpanaw ni Dumbledore..

At alam ko muli mo namang aabangan ang isa na namang pakikipaglaban ni harry sa susunod niyang paglabas sa ginintuang tabing...

Marami nang naganap, marami nang nabago pero heto pa rin ako, bagong gising mula sa isang napakagandang bangungot, isang panaginip na hindi ko malaman kung masaya, malungkot, o nakakatakot...

Hangang ngayon nanginginig pa ako, pero hindi ko maipaliwanag kung dahil sa excited ako, o dahil natakot ako...

Pero ang mahalaga heto na ako, muling nagbabalik sa mundo nang blogosperyo, humahabol sa mga nasayang na panahon, binabalikan ang mga post sa mga blog na aking sinusundan....

makahabol pa kaya ako?....

Gising na ba ako? o itoy karugtong pa rin nang aking naputol na panaginip?...


Anak nang tipaklong... ang drama naman... eh ang ibig ko lang namang sabihin ay...

"Im Back..." aheheheks...

5 comments:

Lord CM said...

Hehehe :D Welcome Back!!!

Ruel said...

Oo nga no ang tagal mo pala nawala bro..Ngayon ikaw ay nagbalik..Blow-out naman dyan..hehe

HARI NG SABLAY said...

welcome back pare,tagal mo nga nawala pati yung plurk mo wala ng karma,hehe

The Pope said...

Welcome bro, you have been long missed sa blogsphere, we're happy to see you again.

A blessed Tuesdays morning.

abe mulong caracas said...

oo nga, alam mo bang ipinalabas din ang transformers? hahaha