Wednesday, July 1, 2009

Happy Birthday to me!!!



Happy Birthday to me!!!
(aheheheks....)

Ganyan talaga ang buhay, bawat taon nadadagdagan ang ating karunungan, mga kaibigan, kakilala at higit sa lahat ang edad...

At ngayon official na, wala na sa kalendaryo ang edad ko .... huhuhu ang saklap, kasama na ako sa mga senior citizen ... aheheheks...

Pero masaya ako dahil narating ko ang ika tatlumpo't dalawang taon nang aking buhay na matiwasay, masaya at maligaya.

Una gusto kong pasalamatan si Bro, dahil binigyan niya ako nang buhay na masaya, mga magulang na puno nang pagmamahal, at mga kapatid na masunurin din naman sa akin hehehehe... at sa kanyang patuloy na paggabay sa akin sa malikot na mundong ito...

Pangalawa sa aking mga kaibigan sa trabaho, lalo na ang housekeeping department na kahit accounting talaga ang departamento ko ay inampon nila ako at itinuring na tunay na kapamilya nila, na sinurpresa ako sa makabagbag damdamin nilang pagalala sa aking kapanganakan, lalo na kay Miss Elaine, Ate Melda, Bert, Malou, Jane, Dwight, Darwin, Michael, at sa lahat nang bumati sa akin maraming salamat. Sa Engineering, Kitchen, Dining, Accounting and Finance, salamat sa pagalala...

Pangatlo sa aking mga naging kaibigan at nakilala sa mundo nang blogosperyo, na sumubaybay sa aking mga likha mula pa sa Coffee Break, hangang sa Kape at Yosi... madaming madaming salamat sa pakikibahagi sa isang yugto nang aking buhay, at sa pakikipag palitan nang mga kuro-kuro, komento, ideya, at karunungan...

at higit sa lahat kay ENGOT na hindi nagsawa sa aking kakulitan, kakyutan, at kakisigan... aheheheheks... ay lab yu... hehehe...

7 comments:

abe mulong caracas said...

base!

inuman na!

sa iyo ang inumin...sa iyo ang pulutan

hapi hapi hapi berdey....sanay malasing mo kami!

HARI NG SABLAY said...

wow pre ang tanda mo nah,haha

hapi beerday,ang saya naman nung surprise.

hayaan mo kahit wala na sa kalendaryo edad mo nsa lotto card pa namn,lols

Lord CM said...

Hehehe :D Inuman na!!!Happy Birthday brod!!!

SEAQUEST said...

HAppy Birthday...Wah ka magalala bata ka pa di ka pa seniors remember may lotto pa noh!! hehehe (lols)

poging (ilo)CANO said...

hapi beerday parekoy!

sanay malasing mo sila pati ako..hehehe

The Pope said...

Naku late pala ako sa party, HAPPY BIRTHDAY bro, wish ko sa iyo, A HAPPY, HEALTHY AND WEALTHY LIFE.

God bless you.

Rico said...

Wowowee! Belated happy birthday Pareng Rhodey!