Thursday, July 30, 2009

Laro lang...

Naranasan mo na bang ma adik sa mga larong pang browser? yung mga laro sa computer na may mga inaalagaan ka, maaring mga halaman na dapat mong diligan araw araw upang hindi malanta, o kaya ay isang buong Village na dapat mong bisitahin upang mandohan ang mga villagers nito upang maghakot nang kung ano anong bagay para sa ikakaunlad nang iyong Village.

Nakakaaliw kasi, pero nakakainis rin kung minsan lalo na kapag ang pinasukan mong laro ay yung pang war games na kung minsan ay kailangan mong i raid or i attack ang isang village upang madagdagan ang iyong mga resources, at kung ano ano pang points upang maging isa kang matatag na village.

Masaya kung ikaw ang nagre raid at umaatake sa mga ibang Villages pero nakaka praning at nakakainit nang ulo kapag ikaw naman ang inaatake lalo na kapag ang umatake sa iyo kasapi sa isang malaking Alliance at hindi ka maka attack back.

Nagsimula ako sa Travian masyado akong naaliw hangang nakarating ako sa Ikariam hangang sa Facebook, sa Pet Society, Farmville, Farm town, Barn Buddy, at Yoville.

Ewan ko ba pero pati ibang ka office mate ko nahila ko na rin sila sa paglalaro nito at naging mga ka alliance, nieghbor, at kung ano ano pang pwedeng itawag sa mga magkaibigang naglalaro nito.

Malamang sa malamang katulad rin kita... Isang certified Browser game adik.. madami pang iba pero hindi ko na maalala, kung may account ka, tag mo ko, friends tayo hehehe...

7 comments:

Ruel said...

Hindi ako adik to any online games..Galit ako nito..Bakit?kasi 'yon ang kinasisira ng computer ko before..Ngayon ini-snab ko na lang ang mga ito..

Pacenxa na bro , di kita ma-tag..hehe

poging (ilo)CANO said...

nag-uumpisa pa lang akong magtanim...lolz

The Pope said...

I used to be an online game addict, pero nagsawa na rin me, dati inaabot me ng umaga. Now, I still play games tulad ng "Left For Dead" pero di na ako naglalaro online.

chimimay.com said...

aku wala pa aku alam sa ganyan. bagu pa lang kasi aku. patanung lang sana kung pede aku makipag linkex? tnx

Ako pala si Chimmie

ELAY said...

wala lang, hindi ako maxadong fan ng mga online games lalo na sa FB lalo na pag maraming sign up procedures.

Gi-Ann said...

ako Yoville lang talaga alam ko eh..haha

di nga?
yung sa Facebook kasi parang di mo talaga maiwan iwan . ganda nga naman din nga mga laro.

Uuuy..tagal mo din nawala ano.?


ehem.nagsalita ang hindi.
:D

SEAQUEST said...

Basta ang tinatapos ko ngayon eh etong command & conquer expansion....dahil kakatpos ko lang yuri at ng diablo hehehehe...di ako adik ha...past time ko lang pag andito sa bahay..