Friday, August 28, 2009

If....



If you were given the chance to live your life again are you going to commit the same mistakes to be with the person you love or to correct the mistakes you did and have a better life?

I had been thinking a lot of things i did wrong in the past, but fortunately i could say those mistakes led me to the company of the people, friends and love ones i have in my side today.

I was asked the question latter this day in a meeting and lots of people in the room said they would try to correct all of their mistakes to have a better life, lots of regrets came out, and lots of hopefuls that all would be good again as it was a few years and decades for some.

When we look back, when we see the glory days and compare it to where we are now, what do you see?

Are you still living the glory days? or are you one of the hopefuls that you would be given a second chance to correct the direction your life was going?

No one could predict the future, we could only see the past, we could only hope for the best and regret whats been done.

We always think "If we did this, could the outcome be like this...?", "If...." we are sometimes bombarded with the word "IF...".

But if you did not do what you did, will you still be here?

If only we are given the chance to see the outcome of our choices. If only we are allowed to peek into the future to see if our decisions are the right ones, if only, a lot of if...

But don't you think we regret too much? worry too much and sometimes forget the best our mistakes has to offer?

We sometimes give an exclamation point on the negative side of what we did, how about looking on the other side for a change?

I know its hard to look on the good part when your down and in the middle of regret, but its your choice, and whatever your choice should always be good.

I just hope i did the right thing....

Am i one of the hopefuls?..

Monday, August 24, 2009

paano ba maging matatag?


nasubukan mo na bang umiyak nang dahil lamang may nakita kang umiiyak rin? kung baga nakiiyak ka lang, nang dahil sa nasaksihan mo ay nasundot ang matagal nang nakahimlay na damdamin sa iyong puso at nakakita nang pagkakataon ang iyong mga luha upang humulagpos at lumaya sa mga mata mong naging kulungan nila.

pero paano kung ang umiiyak na iyon ay isang taong malapit sa iyo? isang taong masasabi mong nakinig sa iyong mga kadramahan, katarantaduahan, umintindi sa iyong mga kapilyuhan at nagpasensiya sa iyong mga pagmamalabis at mga pagkukulang, at ngayon ay kailangan niya nang isang taong malakas na pwede niyang masasandalan sa panahong siya ay nalulugmok, iiyak ka pa ba?

akala nila malakas ako, matatag, dahil iyon ang ipinakita ko, at iyon ang nakikita nila sa akin, pero ang hindi nila alam mababaw lang ang luha ko, na madali akong masaktan, hindi ako makatagal kapag may mga umiiyak, umaalis agad ako nang hindi nila namamalayan at naghahanap nang lugar na hindi nila nakikita at doon ko binibigyang laya ang aking mga luhang pumatak at rumagasa, o kaya ay magsindi nang yosi upang matakpan nang usok ang mga luhang sumusungaw sa aking mga mata.

hindi ko alam kung paanong gagawin ko, pero kailangan kong magpakatatag, ang lumakad nang nakataas pa rin ang noo at maging pader na pwedeng sandalan, kanlungan at magsilbing proteksiyon sa unos na dumaraan sa kanyang buhay.

kaibigang matalik ang turing niya sa akin, ako namay itinuring na siyang kapuso at kapamilya, lagi niya akong iniintindi at kinukunsinti kung minsan, malapit siya sa aking puso kung kayat napakahirap pigilin ang mga emosyong nagpupumilit lumabas lalo na kapag naguunahan na ang mga luha sa kanyang mga mata.

alam ko pinipigilan din niya ang kanyang sarili sa pagiyak subalit hindi talaga maiiwasang may mga pagkakataong natutulala siya, tumatawa nga pero tawang hangang sa kanyang mga labi lamang.

mahirap palang sabihing magiging okey din ang lahat lalo na kapag alam mong alam niya na hindi okey, para kang sinasakal, para kang sinasaksak, pero kailangan mong maging matatag at maging positive para hindi siya malugmok nang tuluyan.

mahirap palang magpakatatag, mahirap palang magkunwaring hindi nasasaktan, mahirap palang maging sandalan, pero kahit gaano pala kahirap basta para sa isang tunay na kaibigang nangangailangan nang tulong may mga kaibigan din palang lalabas at tutulong sa paglalakbay.

napatunayan ko ito sa aking sarili, mahirap pero alam ko hindi ako nagiisa, nauna lang siguro akong bigyan nang pagkakataon upang ito ay makita.

Sunday, August 23, 2009

naligaw ako....


mahirap palang maligaw, hindi mo alam kung saan ka papunta, hindi mo alam kung babalik ka ba o ipagpapatuloy mo nalang ang paglalakbay, dahil sayang naman ang miles na nalakbay mo na.

mahirap pala kapag hindi mo alam kung anong nasa dako pa roon, hindi mawala ang kaba, at pangamba sa iyong dibdib, ang pagaagam agam kung tama ba o mali ang tinahahak mong landas.

pero mas mahirap pala habang nagtgitipa ka sa keyboard nang computer mo, nasa kalagitnaan nang pageemote tapos nag automatic update ang computer mo nagre start, nawala tuloy ang emote mode mo...

anak nang tinapa..

hay buhay.. ewan ko ba, parang feeling ko kasi nagkawindang windang ang buhay ko in the past few weeks, nawalan ako nang ganang gawin ang lahat nang mga nakasanayan ko nang gawin, maging sa trabaho, sa bahay kahit na mga extra curricular and non curricular activities na dati ko namang ginagawa ay naiwang nabitin, hindi natapos, tumiwangwang at humambalang sa bawat kanto nang aking buhay.

parang nawalan ako nang gana, siguro nga dumarating talaga sa buhay nang isang tao ang bigla nalang magsawa, mawalan nang gana o kaya ay maligaw nang panandalian, kung ano pa mang dahilan ay hindi ko mawari, hindi ko maintindihan at lalong hindi ko siguro ito maipapaliwanag nang mabuti.

pero sa panandaliang pagkaligaw na yun ay malalaman mo kung gaanong kahalaga nang mga ito sa iyong buhay, yan ay kung matutuntun mo agad ang dating daang tinahatahak mo at hindi ka tuluyang malugmok sa pagkakaligaw.

sana nga lang magtuloy tuloy na ito at hindi na ako muling maligaw nang landas...

aheheheks...

bow....

Saturday, August 22, 2009

Thursday, August 6, 2009

hindi ka nagiisa!!!

"Paalam at Salamat sa lahat nang iyong mga ginawa para sa bayan...."

Hindi ko sinasadyang makarating nang Osmena Highway kahapon kung saan dumaan ang entorege nang namayapang pangulo nang Pilipinas na si President Cory Aquino, at hindi ko rin inaasahan ang pagkakatipon tipon nang nanapakaraming pilipinong naghintay sa pagdaan nang kanyang kabaong sa kalagitnaan nang malakas na ulan at sama nang panahon upang ipakita sa huling pagkakataon ang kanilang pagpapasalamat at respeto sa namayapang ina nang demokrasyang pilipino.

Bibili lang sana ako nang Plantsa sa SM Manila dahil nasira ang aking lumang plantsa na siya sanang gagamitin ko upang mapatino ang gusot gusot ko nang barong tagalog na siya naming uniporme.

Subalit hindi na nakalampas ang sinasakyan kong jeep kayat naglakad lakad ako gamit ang lumang payong na kung minsan ay hinihila nang malakas na hangin, hangang marating ko ang Osmena highway na punong puno nang tao na pati ang mga sasakyan ay walang nagawa kundi huminto at pumagilid upang bigyang daan ang pagdadalamhati nang marami dahil sa pagpanaw nang isang liwanag na nagsilbing tanglaw sa madilim na bahagi sa kasaysayan nang Pilipinas.

Pumapaimbabaw sa malakas na ulan ang paulit ulit na pagbigkas sa pangalan ni Cory, hangang mapalitan ito nang ibang pangalan at ipalit ang..."Gloria, Gloria Susunod ka na!!!" at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay unti unting lumakas, hangang sa pati ako ay nakisigaw...

Hindi ko ito napanood sa mga balita pero hindi maiiwasang ikumpara ang dalawang babaeng humawak sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa, at dahil ayaw kong isara nang google ang blog kong ito e kayo nan ang bahalang tumimbang.....

Biglang nagtanong ang isang babae sa aking likod, kapag kaya si Gloria ang namatay, ganito rin kaya kadaming tao ang darating? marami ang sumagot pero ang pinaka magandang sagot na pinalakpakan nang marami nasiyang dahilan upang maghiyawan ang mga tao ay..."Siyempre mas madami pang tao ang darating... Dahil sisiguraduhin talaga nilang patay na siya at di na muli pang makabangon..."

aheheheks.... binahagi ko lang ang aking naranasan kahapon.... aheheheks talaga....