Sunday, August 23, 2009

naligaw ako....


mahirap palang maligaw, hindi mo alam kung saan ka papunta, hindi mo alam kung babalik ka ba o ipagpapatuloy mo nalang ang paglalakbay, dahil sayang naman ang miles na nalakbay mo na.

mahirap pala kapag hindi mo alam kung anong nasa dako pa roon, hindi mawala ang kaba, at pangamba sa iyong dibdib, ang pagaagam agam kung tama ba o mali ang tinahahak mong landas.

pero mas mahirap pala habang nagtgitipa ka sa keyboard nang computer mo, nasa kalagitnaan nang pageemote tapos nag automatic update ang computer mo nagre start, nawala tuloy ang emote mode mo...

anak nang tinapa..

hay buhay.. ewan ko ba, parang feeling ko kasi nagkawindang windang ang buhay ko in the past few weeks, nawalan ako nang ganang gawin ang lahat nang mga nakasanayan ko nang gawin, maging sa trabaho, sa bahay kahit na mga extra curricular and non curricular activities na dati ko namang ginagawa ay naiwang nabitin, hindi natapos, tumiwangwang at humambalang sa bawat kanto nang aking buhay.

parang nawalan ako nang gana, siguro nga dumarating talaga sa buhay nang isang tao ang bigla nalang magsawa, mawalan nang gana o kaya ay maligaw nang panandalian, kung ano pa mang dahilan ay hindi ko mawari, hindi ko maintindihan at lalong hindi ko siguro ito maipapaliwanag nang mabuti.

pero sa panandaliang pagkaligaw na yun ay malalaman mo kung gaanong kahalaga nang mga ito sa iyong buhay, yan ay kung matutuntun mo agad ang dating daang tinahatahak mo at hindi ka tuluyang malugmok sa pagkakaligaw.

sana nga lang magtuloy tuloy na ito at hindi na ako muling maligaw nang landas...

aheheheks...

bow....

2 comments:

Hari ng sablay said...

ako din minsan nawawalan ng gana at naliligaw na din,sana nga magtuloy tuloy na yan pare,gudluck!

SEAQUEST said...

MAybe, kasi nakalimutan mong huminto paminsan-minsan tumahimik at makinig naman, kaya ayun nawindang ka tuloy kung san ang daan...Anywayz, im sure nakabawi ka na din naman.