Thursday, August 6, 2009

hindi ka nagiisa!!!

"Paalam at Salamat sa lahat nang iyong mga ginawa para sa bayan...."

Hindi ko sinasadyang makarating nang Osmena Highway kahapon kung saan dumaan ang entorege nang namayapang pangulo nang Pilipinas na si President Cory Aquino, at hindi ko rin inaasahan ang pagkakatipon tipon nang nanapakaraming pilipinong naghintay sa pagdaan nang kanyang kabaong sa kalagitnaan nang malakas na ulan at sama nang panahon upang ipakita sa huling pagkakataon ang kanilang pagpapasalamat at respeto sa namayapang ina nang demokrasyang pilipino.

Bibili lang sana ako nang Plantsa sa SM Manila dahil nasira ang aking lumang plantsa na siya sanang gagamitin ko upang mapatino ang gusot gusot ko nang barong tagalog na siya naming uniporme.

Subalit hindi na nakalampas ang sinasakyan kong jeep kayat naglakad lakad ako gamit ang lumang payong na kung minsan ay hinihila nang malakas na hangin, hangang marating ko ang Osmena highway na punong puno nang tao na pati ang mga sasakyan ay walang nagawa kundi huminto at pumagilid upang bigyang daan ang pagdadalamhati nang marami dahil sa pagpanaw nang isang liwanag na nagsilbing tanglaw sa madilim na bahagi sa kasaysayan nang Pilipinas.

Pumapaimbabaw sa malakas na ulan ang paulit ulit na pagbigkas sa pangalan ni Cory, hangang mapalitan ito nang ibang pangalan at ipalit ang..."Gloria, Gloria Susunod ka na!!!" at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay unti unting lumakas, hangang sa pati ako ay nakisigaw...

Hindi ko ito napanood sa mga balita pero hindi maiiwasang ikumpara ang dalawang babaeng humawak sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa, at dahil ayaw kong isara nang google ang blog kong ito e kayo nan ang bahalang tumimbang.....

Biglang nagtanong ang isang babae sa aking likod, kapag kaya si Gloria ang namatay, ganito rin kaya kadaming tao ang darating? marami ang sumagot pero ang pinaka magandang sagot na pinalakpakan nang marami nasiyang dahilan upang maghiyawan ang mga tao ay..."Siyempre mas madami pang tao ang darating... Dahil sisiguraduhin talaga nilang patay na siya at di na muli pang makabangon..."

aheheheks.... binahagi ko lang ang aking naranasan kahapon.... aheheheks talaga....


8 comments:

poging (ilo)CANO said...

Siyempre mas madami pang tao ang darating... Dahil sisiguraduhin talaga nilang patay na siya at di na muli pang makabangon..." - tatagay ako par jan..hehe

Ruel said...

Bro, umiyak ka din ba kahapon?Halata kasing umiyak ka eh.."Gloria, Gloria susunod ka na". Medyo mahirap ata ang sinisigaw ng mga tao..hehe

The Pope said...

It's one of the greatest events in our history as Filipinos na miss ko, I was in Ninoy's burial at EDSA Revolution. If I am in the Philippines I would be with you and the thousands of our kababayan who will pay our last respect to the Mother of Phil. Democracy.

May God bless her soul, a true hero of our generation.

abe mulong caracas said...

u r part of history.

kakainggit ka tuloy because i never had the chance na makapunta because of time constraints.

sana naintindihan niya

2ngaw said...

Hehehe :D Natawa ako sa huli eh, kawawa namang Gloria lolzz

Eli said...

haaay why must the good die young? haha natawa naman ako dun gloria gloria hahaha susunod ka na.

Anonymous said...

wakwak!...

buti ka pa nakita mo ng personal yung entorege...

ako eh, hanggang sa tv lang....

Rhodey said...

maganda rin palang makilahok sa mga ganong okasyon, isang pagkakataon upang makasama sa isang historical moment...

iba ibang reaksiyon ang makikita mo, iba ibang mga comento ang maririnig mo, festive ang mood nang mga tao pero pumapaimbabaw pa rin ang kanilang kalungkutan sa pagpanaw nang dating presidente..

at mula sa aking kinatatayuan ang mga tao ay umaasa sa malaking pagbabago at umaasa sila na sa malapiit na hinaharap ay sumunod na rin si gloria upang makahulagpos na daw sila sa kahirapan...

aheheheks...