may mga kaibigan ka bang baliw?
may mga kaibigan ka bang abnormal?
o ikaw mismo ang baliw? na ikaw mismo ang kaibigan nilang abnormal?
mga kaibigan baliw, hindi ko ibig sabihing mga nakakulong sa mental, na nagsasalitang magisa, nagkakamot nang ulo at gulo gulo ang buhok, mga kaibigang baliw na hindi sumusunod sa normal na takbo nang buhay, hindi makapagisip nang matino at parang may mga sariling mundo.
mga kaibigang abnormal, hindi ko tinutukoy yung may mga pisikal na kapansanan, kundi mga kaibigag hindi mo maintindihan kung bakit nila magamit ang kanilang mga kamay paa, at utak, mga kaibigang parang lagi nalang umaasa sa iyong sipag at diskarte.
at ang talagang hindi ko maintindihan ay kung bakit patuloy mo pa rin silang kinukunsinti, pinababayaang lokohin ka, pagsamantalahan ang iyong sipag, talino, at kakayahan. sino nga ba talaga ang may problema, ikaw? o sila?
hindi ako nangangaral at lalong hindi ako nagagalit, nagtataka lang ako kung kayat naisipan kong magtanong...
ang mga magkakaibigan ay hindi ba dapat nagtutulungan? pero paano kung darating sa puntong alam mo nang pinagsasamantalahan na nila ang iyong mga kakayahan, hahayaan mo pa rin ba?
hahayaan mo pa rin ba sila dahil masyado mong niliitan ang mundo mo kayat umiinog nalang ito sa inyong dalawa, tatlo o lima?
sabagay kung tututusin, mas lalong nahahasa ang iyong utak, mas gumaganda ang iyong diskarte at laong tumitibay ang iyog loob, subalit paano naman siya? mas lalo siyang nagiging depende sa iyo, mas lalo siyang nagiging tamad at mas lalong mapapariwara ang kanyang buhay.
kung minsan hindi mo na talaga malaman kung sino talaga ang baliw, kung sino talaga ang abnormal at kung sino talaga ang niloloko, nanloloko, at kung sino talaga ang walang pakialam.
nararanasan ko ito ngayon, at hindi ko ito napapansin dahil akala ko ay nakakatulong ako, subalit may isang nagsabi nalang bigla sa mukha ko, "Oy masyado nang dependent sa iyo yan ha?". Napaisip ako, natulala, kayat naisipan ko itong isulat.
nalilito rin ako at hindi ko alam ang gagawin...
kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin mo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment