Monday, January 18, 2010

wala lang....

haaaay..... kalagitnaan na pala nang enero, ilang tulog na lang at araw na naman nang mga puso, akala ko pagsapit nang 2010 may oras na ulit ako para mag blog, magisip at magsulat nang kung ano ano lang na binabasa naman nang kung sino sino lang din, na maaring ikangiti, ikasimangot o kaya ay ipagwalang bahala lang din, hekhekhek..

pero eto pa rin, hindi makalamyerda sa blogsperyo at tinambakan nang isang bulto nang mga paper works na dapat basahin, rebisuhin, kalkalin at hanapan nang mali, upang hindi mapagalitan, mabulyawan o kaya ay mapingot ang ilong, makurot nang pinong pino o kaya ay maihulog sa hagdan kapag ipinasa mo at mali pa rin... anak nang tinapa namang buhay ito oo...

ang hirap pala nang accounting, maga na ang ilong ko sa nose bleed sa twing tatanungin ako bakit may variance, bakit hindi balanse, bakit.... puro nalang bakit at isa pa ulit na bakit....

para tuloy gusto kong umorder nang isang bucket nang mainit na kape upang malaklak, malagok, at isang truck nang toothpick at gawing paningit sa aking namumungay nang mata dahil sa ilang linggo nang walang tulog sa kakaobertaym dahil sa sangkaterbang reports na yan na walang tigil sa pagbagsak sa aking harapan na animo ay ulan... anak nang tinapa namang buhay ito oo...

pero sa kabilang dako, dahil sa kaoobertaym, nadadagdagan naman ang sahod ko hehehehehe.., para tuloy gusto ka na ring mag obertaym lagi hahaha

ano ba to, naloloko na ata ako at kung ano ano na lang to...

pasencya na kaibigan at hangang dito ay binabasa mo pa rin ang walang kwenta kong kwento, pero siguro ay nakakarelate ka, maari ding wala kalang magawa kayat pinatulan mo nang basahin ito, ano man ang rason mo, salamat at kahit papano ay sinamahan mo ko...


(kape yan, nilagay ko lang sa kopita para hindi halata hehehe!!! adik)

ang tagal ko rin palang di nakabalik, ang tagal ko rin palang nanahimik, pero susubukan kong muling bumalik at muling maging aktibo sa mundo nang blogosperyo...

salamat sa pagbisita at kung may oras ka pa, subukan mo namang magiwan nang mensahe... hehehe...

2 comments:

Rhodey said...

hehehe halatang halata ang mga eyebags, ganun pa man cheers para sa new beginning...

inom tayong kape heeehehe

Chad the Coffeeholic said...

Naku, boss mo ba si Miss Tapya? Parang elem. yung mga parusa. Ahehehe!

Ahylayket! Kakatuwa naman na isinalin mo sa kopita ang kape. Minsan, isang araw na walang magawa, naisipan kong istrohin ang mainit na kape. Ayun, wala naman palang diperensiya. Mas exciting nga lang dahil baka mapaso pero walang epek. Bwahahaha!