Ang bilis talaga nang panahon, parang hindi ko namalayan at 2010 na pala, parang kelan lang gumagawa ako nang new years resolution, pero hindi ko pa nasisimulang gawin ang mga yun, heto at may panibagong new years resolution na naman palang dapat gawin....
Pero bago ako gumawa nang mga listahan nang mga babaguhin, parang mas gusto kong gumawa nang list of things i wish to accomplish. Yung mga bagay na inaasam ko, na sana sa taong ito ay matupad, magkaroon nang buhay at maging isang katotohanan. Pero teka may pagkakaiba ba ito sa new years resolution? hmmmm.... A ewan, basta....
1 - Sana magkaroon nang raise sa sahod. hehehe sa hirap nang buhay ngayon no? kelangan talagang magkaroon nang dagdag sa income. (pera talaga ang inuna hahaha napaghahalata tuloy hehehe)
2 - Sana mapromote na rin sa wakas, ang tagal tagal ko na kayang inaalila nila at inaalipin, sana naman ako na ang mang aalila sa mga susunod na buwan no? hekhekhek... (wish mo lang, magtrabaho ka kasi at wag laging natutulog sa work...)
3 - Sana payagan na akong makabili nang motorsiklo, at sana huwag na rin silang magpalabas nang mga report sa mga naaaksidente sa motor (nakakainis... ayaw tuloy akong bigyan nang motor at baka daw mamatay agad ako, as if parang hindi ko alam na ang mga masasamang damo matagal mamatay hekhekhek)
4 - Sana magkaroon nang mas madaming kaibigan at konting kaaway lang hehehehe. (Parang galing sa ilong lang ito... hehehe)
5 - Sana kumonti na ang mga plastic sa lahat nang dako nang mundo.. (wish mo lang e madami kayang pabrika nang plastic sa Pinas..)
hay naku wala na akong maisip.. susunod na lang yung iba.... hehehe
Saturday, January 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Mula sa Arabian Gulf, bumabati ng isang mapagpalang Bagong Taon sa iyo at iyong pamilya.
salamat Pope, parang ang tagal kong nawala sa blogosperyo hehehe...
Happy new year and sana a more prosperous year to come...
salamat po...
Happy New Year, Rhodey! Sige, tutuparin ko na yung pang-apat na accomplishment na gusto mo. Hahaha! Malakas ka ata kay Bro -- halos instant na natupad ang isa.
Exchange links tayo dahil ang title ng blog mo ay may kape at yosi. Hahaha! Malakas ang kutob kong magiging magkatoto tayong totoo dahil walang masamang taong marunong magkape na may ulam na yosi. Hahaha! Happy New Year ulet! Inadd ko na yung link mo. Punta ka na lang sa blog ko. May coffee shop dun!
Post a Comment