Wednesday, June 24, 2009

transformers:

Kasabay nang araw nang maynila ang muling pagdating nang mga nagdidigmaang sasakyan na pinamumunuan ni Optimus Prime na isang Autobot, at ni Megatron na isa namang Decepticon na pareho namang galing sa Cybertron, kung saan man yun di ko alam, nakinood lang ako, kung gusto mong malaman, hanapin mo, bumili ka nang mapa.. aheheheks... wala akong pasok, holliday, at kailangang maglakwatsa hehehe...

kahit na may nagbabadyang unos ay sige pa rin ako, sugod sa sinehan at pumila,... wow, hanep. nakalimutan ko premiere nga palang ngayon, dumating ako sa sinehan mga bandang alas tres, pangalawang screening na daw yun at ang third screening ay magsisimula mga bandang alas kuatro pa, anak nang tipaklong....

Kung saan saang banda tuloy nang mall ang narating ko, lakad dito, lakad doon, tingin dito, tingin doon... ngayon masakit ang paa ko... kailangan nang hilot... awwwwsssss....

maganda siya kung mahilig ka sa action, dahil talaga namang action packed itong palabas na ito, pero kung ang hanap mo ay magandang storya???.... hmmmm... mejo naapektuhan yata nang rally nang mga writters ang kwento hehehe...

at ang masakit habang nanonood ako, may nagkukwentuhan sa likuran ko... anak nang tipaklong talaga... gusto kong sigawan, kaya lang magisa lang ako, apat sila, kaya nakinig na rin ako sa kwento niya... haaaayssss... anak nang tipaklong talaga....

Hindi naman ako fan ni transformers kaya hindi ko sila masyadong kilala, pero dahil na rin sa kwento nang kung sino mang nilalang na nasa likuran ko habang nanonood kami, magkapatid daw sila, at yun daw ang tatay nila, tutulungan daw siya, .... anak nag tupa... napanood mo na ba? akala ko ba premiere? nanood ka na kanina?.. ang sarap sakalin... pero sabi ko nga apat sila, isa lang ako, makinig nalang ... aheheheks..

eto ilang mga SPOILERS, ... hihilutin ko muna paa ko, masakit talaga... aheheheks...

7 comments:

HARI NG SABLAY said...

xcited na din ako mpanuod ito lalo na pg magvovolt-in na sila,lols

hndi ko binasa yung spoilers, sinilip ko lang.

poging (ilo)CANO said...

hahaha..meron na ako copy niyan.kaya lng bukas ko pa panonoorin kasi ala akong pasok..

download ko sa torrent.hehehehe

Rhodey said...

kaya hindi ako nagpost nang kung ano ano para hindi masira ang exitement nyo hehehe...

tonio said...

mukang mganda yan a..

makabili nga ng pinirata nyan...yaikz!!!

Lord CM said...

Parekoy, nag volt in na ba? hehehe

Ruphael said...

Bro, maganda ba talaga siya?Doon ka na lang sana ngbayad sa mga taong nasa likuran mo para mag-narrate..hehe kakainis kaya ang ganun no?

JasOnizeRs said...

Ang sarap gumising sa

umaga na may katabing

Mainit na Kape. : )

Magandang Umaga!!