Monday, August 24, 2009
paano ba maging matatag?
nasubukan mo na bang umiyak nang dahil lamang may nakita kang umiiyak rin? kung baga nakiiyak ka lang, nang dahil sa nasaksihan mo ay nasundot ang matagal nang nakahimlay na damdamin sa iyong puso at nakakita nang pagkakataon ang iyong mga luha upang humulagpos at lumaya sa mga mata mong naging kulungan nila.
pero paano kung ang umiiyak na iyon ay isang taong malapit sa iyo? isang taong masasabi mong nakinig sa iyong mga kadramahan, katarantaduahan, umintindi sa iyong mga kapilyuhan at nagpasensiya sa iyong mga pagmamalabis at mga pagkukulang, at ngayon ay kailangan niya nang isang taong malakas na pwede niyang masasandalan sa panahong siya ay nalulugmok, iiyak ka pa ba?
akala nila malakas ako, matatag, dahil iyon ang ipinakita ko, at iyon ang nakikita nila sa akin, pero ang hindi nila alam mababaw lang ang luha ko, na madali akong masaktan, hindi ako makatagal kapag may mga umiiyak, umaalis agad ako nang hindi nila namamalayan at naghahanap nang lugar na hindi nila nakikita at doon ko binibigyang laya ang aking mga luhang pumatak at rumagasa, o kaya ay magsindi nang yosi upang matakpan nang usok ang mga luhang sumusungaw sa aking mga mata.
hindi ko alam kung paanong gagawin ko, pero kailangan kong magpakatatag, ang lumakad nang nakataas pa rin ang noo at maging pader na pwedeng sandalan, kanlungan at magsilbing proteksiyon sa unos na dumaraan sa kanyang buhay.
kaibigang matalik ang turing niya sa akin, ako namay itinuring na siyang kapuso at kapamilya, lagi niya akong iniintindi at kinukunsinti kung minsan, malapit siya sa aking puso kung kayat napakahirap pigilin ang mga emosyong nagpupumilit lumabas lalo na kapag naguunahan na ang mga luha sa kanyang mga mata.
alam ko pinipigilan din niya ang kanyang sarili sa pagiyak subalit hindi talaga maiiwasang may mga pagkakataong natutulala siya, tumatawa nga pero tawang hangang sa kanyang mga labi lamang.
mahirap palang sabihing magiging okey din ang lahat lalo na kapag alam mong alam niya na hindi okey, para kang sinasakal, para kang sinasaksak, pero kailangan mong maging matatag at maging positive para hindi siya malugmok nang tuluyan.
mahirap palang magpakatatag, mahirap palang magkunwaring hindi nasasaktan, mahirap palang maging sandalan, pero kahit gaano pala kahirap basta para sa isang tunay na kaibigang nangangailangan nang tulong may mga kaibigan din palang lalabas at tutulong sa paglalakbay.
napatunayan ko ito sa aking sarili, mahirap pero alam ko hindi ako nagiisa, nauna lang siguro akong bigyan nang pagkakataon upang ito ay makita.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
ang sabi nga ni Chun-Li... "Sometimes you have to stand up, when standing isn't easy"...
pero kung bakit kailangan mong maging matatag at bakit hindi dapat sumuko...panoorin mo ang sinabi nito:
CLICK HERE
Ang pagiging matatag ay hindi nakikita sa pagluha. May mga sitwasyon na kelangan mo ilabas ang iyong luha upang maging mas matatag kpag tumigil na ang iyong pagluha.
Ewan ko ha, pero ang alam ko mas matatabunan ang katatagan ng isang tao kung ang emosyon o pagluha ay pilit itinatago..
parang walang sense enoh :D
haaaaay, malungkot na nga ako ngayon mas naging malungkot pa.
Tayong mga lalake subok na matibay padating sa pagpigil sa emosyon pero ang totoo mahina talaga tayo....
may mga pagkakataon nga na kailngang itago ang pagluha sa iba at ipakita naman sa iba para mailabas lang at lumuwag sa paghinga
pero sa mga pagkakataon sinabi mo, baka kailangang walang magtago sa inyo at sa halip ay umiyak kayo sa isat isa. kanino pa ba kayo hahanap ng lakas di bat sa isat isa rin?
hindi naman mangangahulugang kapag umiyak kayo ng sabay ay mahina kayong pareho. baka paraan nga ito para sabihin ninyo sa isat isa na kahit anong mangyari, wag kang bibitaw at nandito lang ako.
di ba magiging patunay lang din ito sa oras man ng kasiyahan at kalungkutan, kayo pa rin ang magsasandalan!
ngiti lang pare!
Post a Comment