Hindi ako OFW, pero isa rin akong mangagawang pinoy na kahit nasa pinas, ay malayo naman sa pamilya,mga kaibigang kasabayang lumaki at sa mga kamag anak na nagbigay inspirasyon upang humakbang pa at makamit ang mga pangarap, kayat kung tutuusin halos parehas lang ang aming nararamdamang pangungulila at pananabik na muling makauwi sa bayang sinilangan at muling madama ang kanilang yakap at pagmamahal.
Hindi ako OFW, subalit iisa lang ang aming mithiin ang mabigyan nang mas maginhawang pamumuhay ang aming mga mahal sa buhay. Ang mapagtapos ang aming mga kapatid o anak sa kanilang pagaaral upang magkaroon sila nang lakas, tibay at talino sa kanilang mga kahaharaping pagsubok sa buhay, Kayat kung tutuusin halos parehas lang kami nang adhikain ang lumayo sa lupang sinilangan at maghanap nang trabahong may mas malaking kita upang matustusan ang mga pang araw araw na pangangailangan.
Hindi ako OFW, pero pareho kaming mangagawa na walang ninanais kundi pagbutihin ang trabaho upang umunlad at magkaroon nang mas magandang buhay, at kasabay nito ang pagasang sana ang aming mga karapatan bilang mangagawa ay igalang at mabigyang pansin at hindi ituring na mga alipin nang mga namumuno sa organisasyong aming pinaglilingkuran, kundi kapareha para sa ikakaunlad nito.
Hindi ako OFW, subalit pareho kaming umaasa na ang pamahalaan ay pansinin ang aming mga karapatan, at tulungan kaming lumaban kung kami ay naaapi at bigyan pa kami nang mas malawak na seguridad, hindi lamang sa mga papel na naipapasa at napipirmahan sa senado kundi sa gawa at tunay na pagtulong nang mga naglilingkod sa gobyerno.
Hindi ko man maramdaman ang tunay na saloobin nang isang OFW, at hindi ko man maipaliwanag nang mas malalim ang kanilang damdamin, alam ko na ang kanilang pagnanais na mapaunlad ang ating bansa upang hindi na muling lumayo upang kumita ay kasing sidhi rin nang aking nararamdaman.
hindi ko man alam ang tunay na pinagdadaanan nang isang OFW sa kanilang mga employer, subalit alam kong ang kanilang pagnanais na sana ay magising ang puso nang mga namumuno sa ating pamahalaan upang pagibayuhin pa ang kanilang pagtulong at paglilingkod upang maproteksiyonan ang mga mangagawang pinoy ay kasing sidhi rin nang aking nararamdaman.
hinihiling ko na lamang sa panginoon na sana ang mga iniwang mahal sa buhay na dahilan upang magsakripisyo ay maintindihan ang mga sakripisyong ito at suklian ang mga pasakit nang magagandang grado nang mga pinagaaral, at sa mga ibang kamag anak na nanghingi nang tulong na sana ang mga pinaghirapang perang ipinadala ay sa kapakipakinabang na adhikain napunta at hindi sa kung ano anong pampayabang lamang.
sana....
ako ay nakikiisa dito
Monday, October 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Ako ay sumasang-ayon.. OFW man o hindi, pare-pareho lang talaga ang layunin - makatulong sa pamilya, mairaos sa kahirapan at umunlad ang pamumuhay. Dumaranas ng paghihirap, pangungulila at kung minsan, ay pang-aabuso mula sa employers.
Sana nga lng ay mabigyan ito ng tamang pagkilala mula sa ating gobyerno at mula na rin sa mga mahal sa buhay.
I totally support PEBA. =)
Salamat sa pagsuporta sa peba parekoy, di ka ba sasali? message mo lang ako at iassist kita :)
@ Lord CM - wala akong maisip na entry parekoy hehehe, tsaka mejo matagal tagal na rin kasing nahimlay ang aking utak kayat e2 kinlawang na ata heheheh
pero susubukan ko na rin.. message kita kung sakali...
@ Leah - salamat sa comento kaibigan, wala naman talagang ninanais ang isang mangagawa kund ang mapabuti ang kanyang trabaho, kaya lang minsan sobrang kumplikado ang mga bagay bagay na siya namang nagiging sangkap upang mas magiging matatag at mabuhay nang mas masagana...
hayyyyysss... hehehe
Post a Comment