Sunday, October 31, 2010
Kwento lang naman....
Araw na naman nang mga patay, at siyempre uso na naman ang takutan, minsan nakakatuwa lalo na kapag ikaw ang nananakot at nakakainis naman kapag ikaw na ang tinatakot, pero lalong nakakatawa kapag nanood ka lang sa mga takutang nagaganap.
Pero mas nakakatawa, na nakakainis, na nakakatakot kapag ikaw mismo ang nananakot sa sarili mo, yun bang tipong alam mong magisa ka lang sa bahay, sa kuarto, o kaya sa opisina, nang biglang may kumaluskos sa likuran mo, o kaya biglang may bumulong, at sa di maipaliwanag na dahilan biglang nagtayuan ang mga buhok mo sa batok, habang pakiramdam mo ay unti unting lumalaki ang ulo mo.
Ang sarap tumakbo sa mga pagkakataong ganyan di ba? Pero paano kapag sa pagtakbo mo, may nakaabang na palang anino sa pintuan, at sa paglingon mo sa iyong pinang galingan ay may nakatayong babaeng nakaputi.
Syet!.. tigas to the bones ang aabutin mo niyan... pero teka parang may nakatayo ata sa likuran mo!
hehehe, joke lang, nadala lang nang konti sa usapan, pero sino unang tatawagin mo? si Inay, si Itay, si Kuya, si Ate, o si boypren/gerlpren?
Minsan kapag nasa alanganin tayong sitwasyon, may mga tao tayong tinatawag, mga taong sa palagay natin ay safe tayo sa kanilang piling, hindi ka na makakapili kung minsan at magugulat ka nalang na siya ang nasambit mo at gusto mong dumating para alalayan ka.
Pero paao kung ang naiisip mong pangalan ay patay na, at sa di inaasahang pangyayari dumating nga, hehehe, joke lang ulit, pero malay mo, nasa likuran mo siya ngayon at nakikibasa na rin.. hehehehe...
Subukan mo kayang sumilip sa ilalim nang mesa? o kaya sa kama? sa aparador, may kumakaluskos ba?...
hehehe ako rin natatakot na, madals lang akong magisa sa bahay, at kahit sanay na akong may kung ano anong naririnig at nakikita, hindi pa rin mawala yung takot, lalo na kapag sinabayan nang malamig na hangin at ang nakakapangilabot na pagtindi nang balahibo sa batok at paglaki nang ulo.
Happy Halloween kaibigan...
at sana sa ating pagunita sa ating mga mahal sa buhay na namayapa ay ang panalangin na matahimik at mamayapa na sila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment