Wednesday, June 24, 2009

transformers:

Kasabay nang araw nang maynila ang muling pagdating nang mga nagdidigmaang sasakyan na pinamumunuan ni Optimus Prime na isang Autobot, at ni Megatron na isa namang Decepticon na pareho namang galing sa Cybertron, kung saan man yun di ko alam, nakinood lang ako, kung gusto mong malaman, hanapin mo, bumili ka nang mapa.. aheheheks... wala akong pasok, holliday, at kailangang maglakwatsa hehehe...

kahit na may nagbabadyang unos ay sige pa rin ako, sugod sa sinehan at pumila,... wow, hanep. nakalimutan ko premiere nga palang ngayon, dumating ako sa sinehan mga bandang alas tres, pangalawang screening na daw yun at ang third screening ay magsisimula mga bandang alas kuatro pa, anak nang tipaklong....

Kung saan saang banda tuloy nang mall ang narating ko, lakad dito, lakad doon, tingin dito, tingin doon... ngayon masakit ang paa ko... kailangan nang hilot... awwwwsssss....

maganda siya kung mahilig ka sa action, dahil talaga namang action packed itong palabas na ito, pero kung ang hanap mo ay magandang storya???.... hmmmm... mejo naapektuhan yata nang rally nang mga writters ang kwento hehehe...

at ang masakit habang nanonood ako, may nagkukwentuhan sa likuran ko... anak nang tipaklong talaga... gusto kong sigawan, kaya lang magisa lang ako, apat sila, kaya nakinig na rin ako sa kwento niya... haaaayssss... anak nang tipaklong talaga....

Hindi naman ako fan ni transformers kaya hindi ko sila masyadong kilala, pero dahil na rin sa kwento nang kung sino mang nilalang na nasa likuran ko habang nanonood kami, magkapatid daw sila, at yun daw ang tatay nila, tutulungan daw siya, .... anak nag tupa... napanood mo na ba? akala ko ba premiere? nanood ka na kanina?.. ang sarap sakalin... pero sabi ko nga apat sila, isa lang ako, makinig nalang ... aheheheks..

eto ilang mga SPOILERS, ... hihilutin ko muna paa ko, masakit talaga... aheheheks...

Sunday, June 21, 2009

Laro lang....

noong una isa lang itong katuwaan, isang laro, pakyutan lang, hangang sa lumawak nang lumawak hangang sa halos lahat ay nakisali, nakigulo at naging isang malaking laro...

May mga ilang umayaw, hindi nakisali, umayaw, pero ganon pa man masasabi kong mas marami ang nakisama, nakigulo, nakisaya...

Isang laro, isang eksperimento, isang pagpapakilala....







Mula sa HK and HR Dept...



Accounting, Finance, Sales Depts.





Guest Services and Dining Depts.




Boys from different depts.
(Eng, Housekeeping, Dining and Banquet waiters, OJT, and etc...)



maraming salamat sa mga nakigulo sa larong aking sinimulan...

Saturday, June 20, 2009

matagal na ito...








matagal na po ito kaya lang ngayon ko lang napagtuunan nang pansin dahil na rin sa aking pangungulila at pagdadalamhati sa pagpanaw ni Yosi.

Pinapasalamatan ko ang mga nagbigay, si ...... nakalimutan ko sila... aheheheks... si ano... hay... hala... sino sino nga ba sila? aheheheks ano ba yun... anak nang tipaklong talaga... matagal na kasi ito sa aking computer at nakalimutan kong lagyan nang mga links.. my bad, im sorry....

Maraming salamat nalang sa kanilang lahat.... maging sino man sila... hehehe, ang naalala ko lang ay si Jelai, si Hari nang Sablay at si Gi-Ann...

at kung gusto mo rin ang mga iyan, kunin mo na rin... maraming salamat...

bow...


Friday, June 19, 2009

directions... directions... directions...

nakakasunod ka ba sa mga utos? directions at kung ano ano pang tawag mo sa may ipapagawa muna sa iyo para marating mo ang dulo nang isang bagay?

o katulad ka rin nang iba, nawawala, nabubugnot, kaya sa huli hindi na alam kung nasaan sila?...




1. May sasabihin sana ko sau... Basahin mo muna no. 5
2. Nagmamadali ka ba?! Read no. 8
3. Curious ka noh? Read no. 9
4. Uu na.. Malalaman mo na sa susunod.. You better read no. 15
5. Sandali lang.. Just read no. 17
6. Gusto ko na talagang sabihin sa'yo.. But you should read no. 16
7. Sasabihin ko na.. Pero basahin mo muna no. 2
8. Simple lang 'to.. Just read no. 4
9. Oo na eto na.. 'Wag ka nang kabahan.. Just read no. 18
10. 'Di pa.. But read no. 19
11. Napapagod ka na ba? Relax! Just read no. 13
12. Tulad ng sinasabi ko.. Read no. 3
13. Malapit na talaga.. Read no. 20
14. Gusto ko lang malaman kung masunurin ka nga .. d;)" Ahihi..=) Peace..
15. Kinakabahan ka na ata eh.. Just read no. 6
16. 'Di mo pa ba alam? Just read no. 12
17. Naku, kainis naman.. Read no. 7
18. Pero 'di ko 'lam kung maiintindihan mo sasabihin ko eh.. Just read no. 10
19. Basahin mo na no. 11.. Slowly.. And you'll find out..
20. Sasabihin ko na nga.. Read no. 14.



hmmmm.....


Tuesday, June 16, 2009

haaay....




and dami ko na palang nasimulang entry pero puro hindi natapos, puro simula lang, pagkatapos nang ilang talata, wala na, hindi na itinuloy dahil nawala na ang interes ko sa bagay na iyon. Minsan naman masyadong malawak ang sakop nito at nahihirapan akong hatihatiin ito upang mailahad ko nang mahusay.

Ewan ko ba, mejo naapektuhan ang aking pagiisip sa pagkawala ni yosi, madaling maginit nang aking ulo, madali rin akong mabugnot, madaling nasisira ang aking konsentrasyon, in short miss na miss ko na si yosi..

Pero ganon pa man, ipinagyayabang kong magiisang buwan na rin akong hindi na muling lumanghap sa maladonselyang usok ni yosi (aheheheks...) hindi na rin ako madalas pumunta sa rooftop upang panoorin ang mga ulap na naghahabulan sa bughaw na kalangitan habang bumubuga nang bilog bilog na usok na humahalo sa mga ulap, hindi na rin ako pumupunta sa 10th floor terrace upang manood sa unti unting paglubog nang araw sa manila bay habang iniisip kung nakakarating nga ba ang usok mula sa yosi sa mga ulap above..

haaay... kailan kaya matatapos ang aking pangungulila at hangang kelan ako magiging matatag at hindi na muling titikim sa maladonselyang usok na aking kinabaliwan... hehehe

Pero ramdam ko na ngayon ang pagbabago sa aking paghinga, hindi na ako hinihingal kapag nagjojoging sa EDSA o kaya ay akyat baba sa hagdanan, hindi na rin ako madalas ubuhin, hindi na rin nagtatakip nang ilong ang aking labintatlong crush na bebot kapag kasabay ko sila sa elevator, madalas na rin akong ikiss nang panlabing apat... aheheks... (joke lang!!!)

anak nang tipaklong.... aheheks talaga....

Friday, June 12, 2009

wala na siya...



mahal ko si YOSI, siya ang bumubuo sa mga malulungkot kong araw at gabi, siya ang aking kasama kapag nagiisip, nagiisa at nakatingala sa mga ulap at bituin sa langit, siya ang kasama ni kape sa aking breaktime, agahan at pati na sa hapunan, ngayon wala na siya, wala na rin akong kasama sa CR.....

Kinuha na siya ni Lord.

kesa naman ako ang kunin ni Lord no? mahal ko si Lord pero madami pa akong planong gawin, tuklasin, maramdaman, matikman at marating, kaya postpon nalang muna ang aming meeting at pinauna ko nalang muna si YOSI, siya ang isa sa mga humihila sa akin sa ilalim nang lupa, alam ko madami sila pero isa isa lang sa pagsusubtract, baka di kayanin nang aking body.. aheheheks...

Matagal ko nang plano ito pero ngayon ko lang tinotoo, sana nga lang ay magtuloy tuloy na ito at huwag nang bumangon pa si YOSI sa hukay at muli akong samahan sa aking pagiisa, (ano yun ZOMBIE?.)

mahirap sa simula, parang hinahanap hanap, naglalaway ka palagi, di makapagisip nang matino, nanghihina, nahihilo pero sa simula lang, pag nasanay ka nang wala nang nicotine ang katawan mo, balik ka na ulit sa normal na kilos, ngayon minus the usok and the amoy usok aheheheks...

at napatunayan sa aking sarili na meron din pala akong disiplina..

Pero ngayon naiisip ko si KAPE, malungkot na siya wala na ang kanyang barkada, wala na ang kanyang kaututang dila, wala na ang kanyang kumpare na humahalo halo sa kanyang usok, pero alam ko, malalampasan rin yan ni KAPE, maging matatag ka lang KAPE, dito lang ako sa tabi mo, kaya natin yan... aheheheks...

Palitan ko na rin kaya ang taytol nang aking BLAG? hmmmm.....

... in memory of yosi?
... nagiisa na si Kape?
... si kape?
... asan na si yosi?
... anak nang tipaklong bat mo pinatay si YOSI?


... hay saka ko na nga lag pagisipan yan, wala pang forty days si yosi... aheheheks...


Wednesday, June 10, 2009

bagong bisita...


MENstream

baka mabisita niyo at maibigan ang dalawang blog na yan na aking binabalik balikan, at dalawa sa aking pinakapaborito, mejo may pagkasuplado nga lang ang author pero may sense naman ang mga sinasabi hehehe...

Sige, blog hop na muna kayo at mejo di ko pa alam ang isusunod kong post... aheheks...




Sunday, June 7, 2009

Vowels for sale...


naranasan mo na bang makalimutan ang sana ay sasabihin mo? nasa dulo nang dila mo pero hindi mo mabigkas dahi nga hindi mo na maisip kung ano yung sasabihin mo.

Madalas mangyari sa akin ang ganyan pero baligtad, kadalasan mga ka opismate ko ay hindi na maalala ang sasabihin sa akin, nakakatawa noong una pero pagtagal nakakairita na, dahil pati ikaw ay mapapaisip kung ano yung sana ay sasabihin niya.
"Sir kanina ko pa kayo hinahanap, kaya lang mamaya nalang kasi nakalimutan ko na sasabihin ko hehehe...", ganyang ganyan ang mga kadalasang naririnig ko, hindi ko tuloy malaman kung gusto lang nilang sabihin pumirme ka nga sa mesa mo nang hindi ka namin hinahanap para hindi namin makalimutan ang sasabihin namin sa iyo. hay naku naman....

Minsan sa telepono
"Hello this is Rhodey, how may i help you?", tapos ang isasagot sa iyo " a.. e.. sir tawag ulit ako mamaya, nakalimutan ko sasabihin ko hehe..." , o kaya naman ay ganito "Ay sir sorry, hindi po pala ako dapat diyan tatawag sorry po wrong number hehehe.." anak nang tipaklong hindi bat nakakairita?

Noon ang kadalasang sinasagot ko
"Okey sige, feel free to call back later", kaya lang ngayon iba na.. nakakairita na e, pinapabili ko na sila nang vowels and consonant to complete yung phrases nila..

Ayaw ko nang sabihin ang
"okey lang", ngayon ang sagot ko, "Sige kaya mo yan, may letter S ba?, o kaya bili ka nang vowels, yung letter A, 5 pesos lang naman, meron ka na bang choice?"

hay naku talaga naman.....

Ikaw? baka gusto mo ring bumili nang Vowels? five pesos lang!... aheheheks...






Thursday, June 4, 2009

ang homework ni bunso? o ni kuya?



Unang lingo palang nang pasukan inulan na agad, kaya sigurado may mga klasroom na namang lubog na sa tubig at siguradong ang ilang mga magaaral kung hindi pinapasok nang mga magulang ay tinamad nang pumasok. Baha na kasi sa ilang bahagi nang maynila sa halos isang linngo nang pabugso bugsong ulan.

Pero ako inuulan ako nang text at mga tanong nang aking bunsong kapatid patungkol sa kanyang mga takdang aralin, unang baitang palang siya sa mataas na paaralan at ipinangako ko kasi na kapag mataas ang kanyang mga grades ay dito siya sa maynila magaaral nang college, pero hindi ko naman sinabing sa akin siya magtanong nang kanyang mga takdang aralin, anak nang tipaklong talaga aheheheks...

mabuti nalang at may internet na sumasagot sa mga takdang aralin ni bunso. ang tagal ko na kayang wala sa paaralan at inaamag na ang aking utak sa mga tanong na walang kinalaman sa aking trabaho ngayon.

Hindi ko sinasagot nung una, ayun nanay ko na nagtext at umiiyak na daw dahil hindi din daw alam ni nanay ang sagot, hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako dahil ipinapakitang pursigido o maiinis ako dahil kinukulit ang aking inaamag nang utak aheheheks...

Ewan ko ba kung bakit at paano silang nakakapagaral nang walang mga aklat, paano nalang yung ibang magaaral na walang mga kapatid upang tumulong sa kanilang takdang aralin? Ganon ba talaga sa public school? walang mga books?

Pinapahiram ko yung aklat nang kanilang teacher para ipa xerox niya upang magkaroon siya ng reference, sana nga lang pumayag, hay naku...

Wednesday, June 3, 2009

May bagong Uso...


Ayan official na, idineklara na kahapon ang pagdating nang tagulan, ibig sabihin...

Uso na naman ang mga payong, kapote, sumbrero, at kung ano ano pang pwedeng panangga sa ulan upang hindi ka dapuan nang sakit.

at higit sa lahat....

Uso na ulit ang mga baha, sipon, alipunga, at mabahong paa mula sa pagkababad sa basa mong sapatos at medyas at kung ano ano pang sakit sa balat na pwedeng makuha sa paglusong mo sa maitim na tubig baha mula sa ibat ibang parte nang maynila.

Uso na ulit ang pagpaiinit nang tubig para makaligo, o kaya ay wisik wisik na lang dahil sa sobrang lamig nang tubig mula sa gripo.

Uso na naman ang mga maliliit na tulay na may bayad, o kaya ay mga pabuhat, at higit sa lahat mas mataas na naman ang singil ni mamang pedicab driver na sinasamantala ang pandidiri mo sa tubig baha na ayaw mong suungin dahil bukod sa maiitim na ay mabaho pa.


Uso na naman ang mga batang kalye na nagtatakbuhan sa ulan nang hubad, at ang mga pipit na may kasama pang itlog nang pugo ay lulundag lundag na naman sa maiitim na tubig baha sa kahabaan nang kalsada.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga paslit sa kanilang paglalaro sa ulan, ang kanilang habulan, harutan at tawanan sa ilalim nang tulay, habang nakikipagpatitero sila kay kamatayan sa pagdaan nang mga jeep at iba pang sasakyan.

Nakakadiri ding pagmasdan ang paglutang nang mga nalunod na daga, ipis at kung ano ano pang hayop na nakatira sa mga imburnal at ngayon ay sumasama sa agos, patungo sa iyong kinatatayuan.

Nakakabuwisit isipin na ang lahat nang ito ay pwede sanang maiwasan kung hindi iniwang nakatiwangwang at sana ay tinapos na ang hindi matapos tapos na paghuhukay sa ibat ibang parte nang kalsada, na siya nagdudulot nang mas matinding pagbaha.

Anak nang Tipaklong.....

kelan kaya mababago ang usong yan?...