Sunday, June 7, 2009

Vowels for sale...


naranasan mo na bang makalimutan ang sana ay sasabihin mo? nasa dulo nang dila mo pero hindi mo mabigkas dahi nga hindi mo na maisip kung ano yung sasabihin mo.

Madalas mangyari sa akin ang ganyan pero baligtad, kadalasan mga ka opismate ko ay hindi na maalala ang sasabihin sa akin, nakakatawa noong una pero pagtagal nakakairita na, dahil pati ikaw ay mapapaisip kung ano yung sana ay sasabihin niya.
"Sir kanina ko pa kayo hinahanap, kaya lang mamaya nalang kasi nakalimutan ko na sasabihin ko hehehe...", ganyang ganyan ang mga kadalasang naririnig ko, hindi ko tuloy malaman kung gusto lang nilang sabihin pumirme ka nga sa mesa mo nang hindi ka namin hinahanap para hindi namin makalimutan ang sasabihin namin sa iyo. hay naku naman....

Minsan sa telepono
"Hello this is Rhodey, how may i help you?", tapos ang isasagot sa iyo " a.. e.. sir tawag ulit ako mamaya, nakalimutan ko sasabihin ko hehe..." , o kaya naman ay ganito "Ay sir sorry, hindi po pala ako dapat diyan tatawag sorry po wrong number hehehe.." anak nang tipaklong hindi bat nakakairita?

Noon ang kadalasang sinasagot ko
"Okey sige, feel free to call back later", kaya lang ngayon iba na.. nakakairita na e, pinapabili ko na sila nang vowels and consonant to complete yung phrases nila..

Ayaw ko nang sabihin ang
"okey lang", ngayon ang sagot ko, "Sige kaya mo yan, may letter S ba?, o kaya bili ka nang vowels, yung letter A, 5 pesos lang naman, meron ka na bang choice?"

hay naku talaga naman.....

Ikaw? baka gusto mo ring bumili nang Vowels? five pesos lang!... aheheheks...






12 comments:

Dhianz said...

naaliw naman akoh sa post moh... aheheh... oo nga siguro kung ganon palagi kaasar nah... kc gusto moh ren kc malaman kung ano ang sasabihin nilah... nabibitin kah ren kc eh... wehe... at least akoh kahit papaano eh naalala koh ang ikokoment koh... lolz.. ingatz. Godbless! -di

Dhianz said...

based palah akoh! yahoo.. 'la bang prize.. lolz.. Godbless! -di

Hermogenes said...

naunahan ako ni dhianz!

Hermogenes said...

tagal ko kasing magbasa e!

eniwey, madalas ganyan din ako, kulang na lang iuntog ko ulo ko kapag merong akong gustong sabihin pero di ko maalala kahit nasa dulo ng ng dila ko, ang mahirap pa nito di ko makita yung dulo ng dila ko kaya di ko mabasa...yaikz!

Gi-Ann said...

there goes my favorite ending ..aheheks. ah 5 pesos lang pala vowels dito. pwedeng tumawad?
wholesale naman eh.

hahaha. :d

poging (ilo)CANO said...

gusto kong bumili ng vowels para masagot ko yung fill in the blanks mo..hehehe..

pedeng piso isa? mamasahe pa ako eh!..hehe..lolz

Rhodey said...

salamat sa mga bumili nang vowels, sa mga tumawad... wala na.. puhunan na yun aheheheks..

Dhianz @ nagiisip pa ako kung anong vowel ang ibibigay kong premyo hehehe...

tonio @ hindi kaya dala lang yan nang edad kuya? aheheks... kuya talaga o? haha

Gi-ann @ ala nang tawad yan, puhunan ko na nga lang ibenebenta, ano ka ba? naaadik ka pala sa aheheheks?.. haha

Pogi @ hala nagkaubusan na nang vowels kaya hindi mo na mapipil apan yung pill in da blanks... aheheheks...

Hari ng sablay said...

ah... eh... umh...

nakalimutan ko icocoment ko...

balik na lang ako mamya...

Rhodey said...

okey feel free to come back later.... teka anong come back later ka diyan, bumili ka nang letters oy, may letter O, meron ding V, o kaya E, sale na ang R...

ano na? aheheheks...

The Pope said...

I share the same experience with you, may pagkakataon na uutal tayo sa ating sasabihin hehehehe or minsan nasa dulo ng nga ng dila natin but it seems na di pa rin natin mabanggit.

Hmmm I would prefer to buy a vowel, sana available pa ang I - O - U

"I OWE YOU" a salute for being responsible blogger.

Life is Beautiful, Keep on Blogging.

Rhodey said...

thank you po sa pagbisita and pagkumento kuya pope, hindi nga talaga maiiwasan na kung minsan ay mautal, makalimot, pero huwag lang sanang madalas at baka alsaymer na yan... aheheheks...

abe mulong caracas said...

hahaha patok ang kwento at ang litrato!

pero teka may kwento ako...ano nga ba yun nakalimutan ko!

may tinda ka bang vowel?