Wednesday, June 3, 2009

May bagong Uso...


Ayan official na, idineklara na kahapon ang pagdating nang tagulan, ibig sabihin...

Uso na naman ang mga payong, kapote, sumbrero, at kung ano ano pang pwedeng panangga sa ulan upang hindi ka dapuan nang sakit.

at higit sa lahat....

Uso na ulit ang mga baha, sipon, alipunga, at mabahong paa mula sa pagkababad sa basa mong sapatos at medyas at kung ano ano pang sakit sa balat na pwedeng makuha sa paglusong mo sa maitim na tubig baha mula sa ibat ibang parte nang maynila.

Uso na ulit ang pagpaiinit nang tubig para makaligo, o kaya ay wisik wisik na lang dahil sa sobrang lamig nang tubig mula sa gripo.

Uso na naman ang mga maliliit na tulay na may bayad, o kaya ay mga pabuhat, at higit sa lahat mas mataas na naman ang singil ni mamang pedicab driver na sinasamantala ang pandidiri mo sa tubig baha na ayaw mong suungin dahil bukod sa maiitim na ay mabaho pa.


Uso na naman ang mga batang kalye na nagtatakbuhan sa ulan nang hubad, at ang mga pipit na may kasama pang itlog nang pugo ay lulundag lundag na naman sa maiitim na tubig baha sa kahabaan nang kalsada.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga paslit sa kanilang paglalaro sa ulan, ang kanilang habulan, harutan at tawanan sa ilalim nang tulay, habang nakikipagpatitero sila kay kamatayan sa pagdaan nang mga jeep at iba pang sasakyan.

Nakakadiri ding pagmasdan ang paglutang nang mga nalunod na daga, ipis at kung ano ano pang hayop na nakatira sa mga imburnal at ngayon ay sumasama sa agos, patungo sa iyong kinatatayuan.

Nakakabuwisit isipin na ang lahat nang ito ay pwede sanang maiwasan kung hindi iniwang nakatiwangwang at sana ay tinapos na ang hindi matapos tapos na paghuhukay sa ibat ibang parte nang kalsada, na siya nagdudulot nang mas matinding pagbaha.

Anak nang Tipaklong.....

kelan kaya mababago ang usong yan?...

11 comments:

2ngaw said...

Brod naman, di pa tapos ang issue tungkol kina Katrina Halili at Hayden Kho eh dinadagdagan mo pa, hayaan mo pagtapos ng video scandal...aayusin na nila yan lolzz

miss Gee said...

Naman uso na nga yan...pero di na nababago,kada taon na lng ganyan!palaos na hayden chorva! Nakaka umay na!haha

Rhodey said...

lord@ haha ganon? naman, sabi nga ni missguided nakakaumay daw e hahaha, pano yan e di isusunod na yug mga imburnal na yan,o isusunaod na yung mga pipit na may akay akay na itlog nang pugo? aheheks....

missguided@ umaasa lang na sana pagtuunan na nila nang pansin yung mga imburnal na yan para wala nang malanguyan ang mga pipit aheheks...

Hari ng sablay said...

naku tulad ko nakiuso na din. may sipon ako ngayon at nanlalambot na di maintindihan. ano kaya kulang sakin?

Rhodey said...

hari @ kulang ka lang sa TLC... aheheheks...

Taimtim na Ligo Caibigan... aheheheks...

poging (ilo)CANO said...

uso na ulit ang tulo....



tulo mula sa bubong ng bahay...

Vivian said...

Busy pa sila sa ibang mga nonsense na bagay...nagsisipasikat pa sa issue...

soberfruitcake said...

nkakainis ung tulay na may bayad..buti nlng may overpass na from trinoma to sm north ngayon.hehe.dti pag tag ulan, bayad kmi ng byad.amf.hehe

SEAQUEST said...

Isa sa mga usong di ko gusto di man ako lumaki sa ganito subali't sa mga nakikita ko, naku..ewan ko na lang.....

abe mulong caracas said...

dahil nandyan na ang tag ulan patamaran na...

gumising
bumangon
maligo
pumasok
magtrabaho...

ano pa ba?

Rhodey said...

pogi @ dapat laging gumagamit nang proteksiyon para di magkatulo ... aheheheks...

bingkay @ sabagay oo nga, saka lang ulit pagtutuunan nang pansin ang mga yan kapag may mga batang nalunod... tapos pinagkaguluhan nang media.. nakakapanghina nang tuhod..

sober @ sa taft naman ako madalas nakokotongan nang piso nang mamang bantay sa munting tulay.. sarap niyang itulak at lunurin sa baha aheheheks....

Seaquest @ mapalad ka at di mo naranasang lumusong sa baha para makapasok sa trabaho o para makauwi na, sana nga ay magkaroon na nang mga pagbabago...haaaayyyy....

abe @ bed weather nga daw kapag naulan e, yung masarap mamalagi sa bed hahaha...