Thursday, June 4, 2009

ang homework ni bunso? o ni kuya?



Unang lingo palang nang pasukan inulan na agad, kaya sigurado may mga klasroom na namang lubog na sa tubig at siguradong ang ilang mga magaaral kung hindi pinapasok nang mga magulang ay tinamad nang pumasok. Baha na kasi sa ilang bahagi nang maynila sa halos isang linngo nang pabugso bugsong ulan.

Pero ako inuulan ako nang text at mga tanong nang aking bunsong kapatid patungkol sa kanyang mga takdang aralin, unang baitang palang siya sa mataas na paaralan at ipinangako ko kasi na kapag mataas ang kanyang mga grades ay dito siya sa maynila magaaral nang college, pero hindi ko naman sinabing sa akin siya magtanong nang kanyang mga takdang aralin, anak nang tipaklong talaga aheheheks...

mabuti nalang at may internet na sumasagot sa mga takdang aralin ni bunso. ang tagal ko na kayang wala sa paaralan at inaamag na ang aking utak sa mga tanong na walang kinalaman sa aking trabaho ngayon.

Hindi ko sinasagot nung una, ayun nanay ko na nagtext at umiiyak na daw dahil hindi din daw alam ni nanay ang sagot, hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako dahil ipinapakitang pursigido o maiinis ako dahil kinukulit ang aking inaamag nang utak aheheheks...

Ewan ko ba kung bakit at paano silang nakakapagaral nang walang mga aklat, paano nalang yung ibang magaaral na walang mga kapatid upang tumulong sa kanilang takdang aralin? Ganon ba talaga sa public school? walang mga books?

Pinapahiram ko yung aklat nang kanilang teacher para ipa xerox niya upang magkaroon siya ng reference, sana nga lang pumayag, hay naku...

9 comments:

Hermogenes said...

nakapaswerte talaga ng pamilya mo sayo parekoy!

sa public school talagang minsan kulang ang mga libro, kung meron man maswerte ka kapag nakakuha ka nang kumpleto sa pahina...

Gi-Ann said...

sa public school talaga kelangan mo minsan ng photocopies..sa grades school na public school binibigay din naman yung libro tapos kaw din aayos pag me sira.. hehe sira na talaga..

anak ng tipaklong..ganda ng tunog.. :)

Dhianz said...

sagot dyan google.com ... yan kadalasang tinatanong koh kapag may question akoh... *wink* lolz... yeah hirap nga minsan sa mga public schools.. kulang sa mga books... pero teka... noon bah? nde koh naman tlgah kinailangan ang books... ni hindi koh nga maalala na gumagawa akoh nang homeworks... lolz... ingatz.. Godbless! -di

Rhodey said...

tonio @ masyado mo naman akong nipraise aheheks... pero thank you na din hehehe..

Gi ann @ marunong na daw siyang gumamit nang library card para konti nalang daw ang ipapa photo copy niya aheheks...

Dhianz @ kapag english sa google, kapag tagalog sa yehey.com.... Genius ito aheheks

pero kahit papano na rerefresh yung utak ko sa mga tanong ni bunso kaya parang okey na rin aheheks...

RED said...

sabi ng titser ko pag may tanong daw lagyan lang daw ng dot(.)com at nasa internet na. ang buti mong kapatid. hindi ako ganyan sa mga kapatid ko eh. hehe. pagpatuloy mo lang.

keepitup.com!

Anonymous said...

ang tagal ko na kayang wala sa paaralan at inaamag na ang aking utak sa mga tanong na walang kinalaman sa aking trabaho ngayon.

ang tanda mo na kc! hehehe! pis

Rhodey said...

stupidient @ salamat po sa tip hehehe

Ate Jelai @ salamat sa pagnisita ate...hehehe musta na ba ang home for the aged? nyahahaha...

Anonymous said...

ate ka ng ate eh 10 years ang tanda mo sakin! hahaha!

Hari ng sablay said...

sinabi mo pa, nung kami nga may mga libro nga kulang kulang naman ang page,yung iba naka stapler pa saka scotchtape ang bwiset,haha

ang galing mo talaga kuya saludo ako sayo :)