Friday, June 12, 2009

wala na siya...



mahal ko si YOSI, siya ang bumubuo sa mga malulungkot kong araw at gabi, siya ang aking kasama kapag nagiisip, nagiisa at nakatingala sa mga ulap at bituin sa langit, siya ang kasama ni kape sa aking breaktime, agahan at pati na sa hapunan, ngayon wala na siya, wala na rin akong kasama sa CR.....

Kinuha na siya ni Lord.

kesa naman ako ang kunin ni Lord no? mahal ko si Lord pero madami pa akong planong gawin, tuklasin, maramdaman, matikman at marating, kaya postpon nalang muna ang aming meeting at pinauna ko nalang muna si YOSI, siya ang isa sa mga humihila sa akin sa ilalim nang lupa, alam ko madami sila pero isa isa lang sa pagsusubtract, baka di kayanin nang aking body.. aheheheks...

Matagal ko nang plano ito pero ngayon ko lang tinotoo, sana nga lang ay magtuloy tuloy na ito at huwag nang bumangon pa si YOSI sa hukay at muli akong samahan sa aking pagiisa, (ano yun ZOMBIE?.)

mahirap sa simula, parang hinahanap hanap, naglalaway ka palagi, di makapagisip nang matino, nanghihina, nahihilo pero sa simula lang, pag nasanay ka nang wala nang nicotine ang katawan mo, balik ka na ulit sa normal na kilos, ngayon minus the usok and the amoy usok aheheheks...

at napatunayan sa aking sarili na meron din pala akong disiplina..

Pero ngayon naiisip ko si KAPE, malungkot na siya wala na ang kanyang barkada, wala na ang kanyang kaututang dila, wala na ang kanyang kumpare na humahalo halo sa kanyang usok, pero alam ko, malalampasan rin yan ni KAPE, maging matatag ka lang KAPE, dito lang ako sa tabi mo, kaya natin yan... aheheheks...

Palitan ko na rin kaya ang taytol nang aking BLAG? hmmmm.....

... in memory of yosi?
... nagiisa na si Kape?
... si kape?
... asan na si yosi?
... anak nang tipaklong bat mo pinatay si YOSI?


... hay saka ko na nga lag pagisipan yan, wala pang forty days si yosi... aheheheks...


11 comments:

Hermogenes said...

ayos yan parekoy! sana madere-deretso mo yan, ako nga rin ayoko na sanang maging cowboy, ayoko na ke Marlboro,lalo na ngayon tumaas pa ng singkwenta sentimos ang talent fee nya, dati dos lang sya ngayon dos singkwenta na, kaso nahihirapan talaga ako iwan sya, tsk! tsk! tsk!

Hermogenes said...

uy nauna pala ako, wala bang premyong yosi? aheheh

Cayy Cayy said...

Ay seryoso ka talaga koya?
Sige supportahan kita.
Pero maglalabing labing muna kami ni yosi.haha

Dhianz said...

naks.. we are proud of you... daz good... sa ikabubuti moh naman yan eh... i've heard lot of experiences in d' past kung gano kahirap huminto sa smoking... pero it helps nga ang discipline sa saliri, at makakatulong ren ang faith moh sa Kanyah.... sana magtuloy tuloy nah yan... Aja! kaya moh yan... Godbless! -di

poging (ilo)CANO said...

kape at kape na lang pre!

tiis lang yan parekoy kaysa naman ikaw ang maputa sa hukay.hehehe

Ang buhay ay parang sine said...

payo ko lang po bumili ka nung nicotine gum in case na mag-crave ka sa yosi. :D minus the usok pero to satisfy your cravings and soon, mawawala na yung pagkecrave mo ng yosi kapag regular ka na ngumunguya nung nicotine gum. meron ding mga herbal cigarettes na naimbento para maiquit ang yosi.

Anonymous said...

Akala mo ba'y matatakot mo ako at masisindak na hindi halata ..?? Hah!!! Sumagot kA...SagUt!!!
>>>>>>>>>Cut..!!:)

Rhodey said...

maraming salamat sa mga nakiramay at nakilamay sa pagpanaw ni pareng yosi, sa lahat nang nagsabing kaya mo yan! salamat, sa mga nagsabing palitan mo na siya! mumultuhin kayo ni yosi, aheheheks...

haaayy, hirap, di ako makapagisip nang matino, hehehe wala kasi akong mapaglaruan habang nakatingaa sa kisame at iniisip kung anong mga bagay bagay ang ibahagi ko sa inyo hehehe

anyways,... sana nga magtuloy tuloy na ito...

madaming salamat mga repapips.. aheheks...

Hari ng sablay said...

naks naman, buti kapa.hehe sana mgtuloy tuloy na ang gnyan, di bale ipagyoyosi nalang kita dodoblehen ko ang hitit sa isang araw,lols

abe mulong caracas said...

pwede ring "kape na lang dear"

haaaay galing pa naman sa taytol ng blog mo ang latest post ko hehehe

pero good for yoy (not yet for me)

congrats!

ROM CALPITO said...

parekoy mabuti napigilan mo na mag yosi.

Nabasa ko rin sa isang libro yan na nakakasama talaga sa kalusugan..
kaya itinigil ko narin...













Itinigil ko na ang pagbabasa ng libro.