"Strengthening the OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation"
"Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan"
Isa akong anak na lumaki sa hirap na ang tanging ninanais sa ngayon ay ang maiahon ang aking mga magulang at mga kapatid mula sa yakap nang kahirapan. Hindi ko alam kung magtatagumpay ako sa aking hangarin subalit mas magandang subukang lumaban kesa hayaan na lamang lamunin nang kahirapan ang aking munting kayamanan. Ang aking Pamilya.
Hindi tamad ang aking mga magulang, naitaguyod nila nang matiwasay ang aking pag aaral, salamat sa banana que, kamote que, turon, at kung ano ano pang pwedeng pagkakitaan na pwede nilang ibenta at ipunin para sa aking matrikula at baon sa tuwing ako ay luluwas papuntang eskwelahan.
Panganay ako mula sa anim na magkakapatid, at bilang panganay inisip kong tangan ko sa aking balikat ang responsibilidad na subukang iahon ang aming pamilya mula sa kahirapan at maging ehemplo sa aking mga nakakabatang kapatid na hindi dapat mawalan nang pagasa at subuking lumaban hangat may pagkakataon.
Hindi pa inaabot nang karangyaan ang aming liblib na lugar kung kayat ako ay lumuwas nang maynila upang makipagsapalaran. Wala akong baong maraming pera, tanging lakas nang loob at pagmamahal na handog nila tatay at nanay ang aking taglay na lalong pinalakas nang aking mithiing magtagumpay at makatulong upang makapag aral din ang aking mga kapatid, dahil kung ang diploma ay hihinto sa aking mga kamay at hindi ko ito maililipat sa kanilang mga palad alam kong wala ring mangyayari sa aming laban. Dito ko hinugot ang tapang at pinilit kong ikinubli ang aking pagaalinlangan kahit hindi ko alam ang kapalarang naghihintay sa akin sa lungsod.
Balde baldeng luha na punong puno nang pagmamahal at pagasa ang pabaon ni Inay sa akin na walang tigil sa pagbibigay niya nang paalala na huwag pababayan ang sarili dahil mas mahalaga pa rin daw ang kalusugan upang may lakas na pwedeng ilaban sa ano pa mang unos na darating. Samantalang ang aking itay naman ay tahimik lamang na nagmamasid, may mga luhang ayaw kumalas sa kanyang mga mata na larawan nang tapang at ang tanging nasambit niya ay ang sundin ko ang bawat bilin ni nanay.
Ayaw ko na sanang balikan pa ang araw na iyon, dahil akala ko ang araw na iyon ang pinakamasakit kong karanasan ang mawalay sa piling nang mga magulang na tunay na nagmamalasakit at nagmamahal, subalit sa tuwing akoy malulugmok, mawawalan nang trabaho, o kaya ay may problema, ang mga luha ni nanay at ang pagsambit ni tatay na sundin ko ang lahat nang bilin ni inay ang siyang naguudyok upang akoy muling bumangon at patuloy na lumaban. Ngayon ko lang tunay na naiintindihan na ang aking lakas ay mula sa kanila, at para rin sa kanila.
Hindi madaling makahanap nang trabahong may malaking sahod dito sa maynila ,yung tipong pagkatapos mong bumili nang sabon, bigas, at toothpaste ay may matitira pang pambili nang ulam na hindi nagagalaw yung pambayad nang bahay, tubig at ilaw. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan may natitira pang pera para makapagpadala ako sa probinsiya para sa baon at matrikula nang aking mga kapatid.
Maraming beses ko na ring ninais na mangibang bansa upang kumita nang mas malaki, kaya lang hindi natutuloy dahil kadalasang problema ang kakulangan sa budget, kaya't patuloy pa rin akong nakikipagsapalaran sa ating bansa at umaasang sa kakarampot na kita ay matutupad pa rin ang aking pangarap ang mapagtapos ang aking mga kapatid, upang sa gayon ay makaahon din sila sa hirap na aming nararanasan.
Hindi ko alam kung tunay na naiintindihan nang aking mga kapatid ang aking sakripisyo, pero natutuwa ako na sa bawat taong ginugugol nila sa paaralan laging matataas ang markang ipinapakita nila sa akin sa tuwing natatapos ang bawat semestre, at masaya akong ipamalita sa inyo na ang pangatlo namin sa ngayon ay hindi na kailangan magbayad pa nang tuition fee dahil scholar na ito nang Unibersidad na kanyang pinapasukan.
Alam kong hindi ako nagiisa, marami tayong lumalaban sa kahirapan na ang tanging ninanais ay ang umangat ang kabuhayan at tuluyang makahulagpos mula sa yakap nang kahirapan, kung kayat katulad ko ay marami pa ring kababayan natin ang gustong lumabas nang bansa at doon hanapin ang nagtatagong tagumpay, subalit nais ko lang ipaalala kung hindi natin isasama sa laban ang mga taong ating gustong ipaglaban ay maaring matalo tayong tuluyan nang kahirapan.
Hindi ko alam kung hangang kailan ako magiging matatag, at lalong hindi ko alam kung hangang kailan ako pwedeng lumaban, subalit natutuwa ako na kahit papaano naipakita ko at napatunayan ko sa aking sarili na kaya ko, at sana kapag hindi ko na kayang lumaban pa ay maipagpapatuloy nang aking mga kapatid ang aking nasimulan, ang aming hangarin na mabigyang laya ang aming pamilya mula sa kahirapan.
Malayo pa ang aming lalakbayin, pero tangan ko sa aking puso ang aking tunay na hangarin kung kayat ang bawat unos na nagdaraan ay kinakaya ko at napagtatagumpayan. Alam ko hindi ako nagiisa sa laban, alam kong sa bawat parte nang daigdig may mga ama, ina, anak, kapatid o kamag anak na nakikipaglaban upang mabigyan nang mas disenteng pamumuhay ang kani kanilang pamilya.
Hindi matatawaran ang mga sakripisyong hinahandog nang bawat kasapi nang Pamilyang Pilipino upang mapagtagumpayan ang laban sa kahirapang bumabalot pa rin sa ating bansa. kung kayat lahat nang pwedeng gawin upang magtagumpay ay ating sinusubukan marami sa atin ang umaasang sa paglabas nang bansa ay nasusumpungan ang mga pangarap na ito. Subalit ang ating mga sakripisyo ay maaring mawalan nang saysay kung hindi natin mabigyan nang armas at panangalang ang ating mga mahal sa buhay at higit sa lahat ang maturuan rin silang lumaban.
Naniniwala akong diploma pa rin ang pinakamabisang panangalang sa mga batong ipinupukol nang kahirapan at ang kursong natapos ang maaring tumalo sa kahirapan. Palakasin natin ang bawat miyembro nang pamilyang pilipino sa pamamagitan nito at umasang ang pamahalaan ay gawin rin ang kanyang resposibilidad at matulungan ang bawat mamamayang magkaroon nang mas matiwasay na trabahong mapapasukan.
Ang pakikipaglaban sa kahirapan ay mahaba at mahirap, subalit kung tayong lahat ay magtulong tulong, magkapit bisig at simulang palakasin ang ating tahanan hindi malayong magkaroon tayo nang mas malakas at maunlad na bayan.
Hindi ako OFW, subalit alam kong halos magkaparehas lang ang aming mga hangarin, Hindi ako OFW subalit alam kong halos magkasintulad lang din ang aming mga nararanasang kalungkutan sa pagkakawalay namin sa aming mga mahal sa buhay, Hindi ako OFW subalit alam kong nagsasakripisyo siya hindi lamang para sa kanyang sarili dahil katulad ko siya ay nagsasakripisyo para rin sa ikakaunlad nang kanyang mga mahal sa buhay. Hindi ako OFW subalit alam kong katulad ko siya rin ay umaasang ang ating pamahalaan ay gumagawa nang hakbang upang ang mga mangagawang pilipino saan mang sulok nang mundo ay mapangalaan at mabigyan nang mas malawak na karapatan, at higit sa lahat katulad ko siya rin ay umaasang ang aming mga mahal sa buhay ay bigyang halaga ang aming mga sakripisyo at paghihirap at magpursiging pagyamanin rin ang kanilang mga sarili at lumaban upang umunlad.
Hindi ko man alam ang tunay na pinagdadaanan nang isang OFW sa ibang bansa, subalit alam kong ang kanilang pagnanais na sana ay magising ang puso nang mga namumuno sa ating pamahalaan upang pagibayuhin pa ang kanilang pagtulong at paglilingkod upang maproteksiyonan ang mga mangagawang pinoy ay kasing sidhi rin nang aking nararamdaman
Hinihiling ko na lamang sa panginoon na sana ang mga iniwang mahal sa buhay na dahilan upang magsakripisyo ay maintindihan ang mga sakripisyong ito at suklian ang mga pasakit nang magagandang grado nang mga pinagaaral, at sa mga ibang kamag anak na nanghingi nang tulong na sana ang mga pinaghirapang perang ipinadala ay sa kapakipakinabang na adhikain napunta at hindi sa kung ano anong pampayabang lamang.
Sa lahat nang nagpapakasakit para sa ikakakunlad nang bawat pamilya pilipino, kahit saang parte ka man nang mundo alam kong alam mong ikinararangal ka nang ating bayan at nang bawat taong iyong natutulungan.
Maraming salamat.
12 comments:
hindi ako OFW, pero sa tingin ko bilang isang mangagawang pinoy na malayo rin sa mga mahal sa buhay may mga pagkakahawig rin ang aming mga buhay buhay...
sana sa aking simpleng paraan maiparating ko rin ang aking pagkilala sa kanilang kadakilaan at pagpupugay sa kanilang mga adhikaing mas mapabuti pa ang pamumuhay nang kani kanilang mga mahal sa buhay..
maraming salamat...
ganun naman talaga tayong mga Pilipino. basta para sa pamilya lahat titiisin, lahat kakayanin. walang hindi gagawin, wlang hindi susubukan, walang uurungan all for our family's welfare.
salamat sa paglahok sa PEBA2010
goodluck and Godbless
yan ang sa tingin ko ang pinakamalaking pagkakaiba nang pamilyang pilipino sa mga ibang lahi.
hindi man masasabing pepekto ang pamilyang pilipino pero ang closeness nang bawat isa ay hindi mo matatawaran.
salamat sa pagkomenti YanaH..
Sa mg kwento ng matatagumpay na tao sa lipunan, may isang natatanging pagkakakilanlan- ang dumanas muna ng pagsubok kasama na ang dagok at kahirapan. Kapag nagtagumpay naman, langit na 'yon.
Nandito ka man, o bukas nasa ibang bansa ka na, gawin mong giya ang mga karanasang iyan, tiyak ang tagumpay mo sa buhay. Isang taong nagpunyagi para sa kaniyang pangarap, sa nais na marating.
Good luck sa entry mo Ginoo.
maraming salamat sa pag komento J. sayang nga lamang at parang naka private ang profile mo kayat hindi ko ma access ang iyong site...
pero ganun pa man salamat...
hi, the Filipino family as long as the love for each member is there, will always triumph from all the evils of life..
I wish you good luck and always hope for the best.
good job...
hi terrence, you are right the Filipino family will always triumph from all evils..
thanks for the comment and keep blogging..
sir rhodey,
welcome me here in blogspot.com sana maging follower ko rin kayo,sanyo ako na inspired isulat ang lahat ng nasa puso ko...
sag zki
hey zag zki,
thanks for dropping by and for letting me know i did spark your interest to blog.
what ever your reason for writing and sharing please make your stay in the blogosphere worthwhile, by learning from others, by setting an example, or simply to bring smile to all who visit your site.
thanks and good luck.
Ahaha. Pasensia ka na, nangangapa ako sa blogspot.
Si J, na nagkomento sa taas ay si J.Kulisap.
http://jkulisap.com ito ang aking site.
hi J. hehehe hindi pa rin working yung binigay mong link e, .. please check tapos magiwan ka nang message sa aking chatbox. paste mo nalang dun yung web address mo...thanks
sana patuloy kang maging modelong anak at kapatid ...
Post a Comment