Thursday, May 20, 2010
Positive? o Negative?
nakakatuwa lang isipin na pagkatapos nang lahat lahat na pinagdadaanan ko ay heto, nakatayo at lumalaban pa rin kahit papano...
pero hangang kelan kaya???... hehehe
gusto kong magmukmok at umiyak pero wala namang mangyayari diba???
gusto kong tumakbo at magtago pero saan naman ako pupunta???....
harapin na nga lang at baka matapos na yan, e di solb, no problem... okey na ulit.. pwede diba?
Hindi ako yung tipo nang taong puro positive ang nakikita, kung minsan mas marami nga akong nakikitang negative, pero minsan ang ulo kaya nilagyan nang utak at nilagay sa pinakaitaas na bahagi nang iyong katawan ay para lagi mong naalala at magamit ito.
Hindi rin ako yung tipong plastic na tao, subalit hindi ka pala pwedeng mamuhay na laging totoo, minsan kailangan mo rin palang magpaka plastic upang makasurvive sa magulong mundo nang mga sinasabi nilang "PROFESSIONALS".
Hindi ko rin alam kung bakit sila tinawag na "Profesional" samantalang hindi rin naman yata nila naintindihan tulad ko kung ano ang tunay na kahulugan nito sa dikstionaryo na kung ihahambing mo sa tunay na kalakaran sa mundo ay kakaiba at nakakatawa...
Minsan masarap din palang sumama nalang sa agos, hayaang dalhin ka nang tubig o hangin sa ibat ibang lugar, dahil mahihirapan ka lang kung pilit mong puntahan ang mga nais mong marating lalo na kung sinasalubong mo ang ihip nang hangin o kaya ay ang agos nang tubig...
Hindi ko sinasabing huwag kang magpakatotoo, subalit kung alam mong mahihirapan ka upang maabot ang iyong mga nais, ipagpipilitan mo pa rin ba???
Kung ang mga paniniwala mo ay ayaw tangapin nang nakararami, maaring bang ikaw ang talagang hindi nakakaintindi???
Kung sa bawat bigkas mo nang katotohanan ay maraming masasaktan at maaring ikabagsak mo, magsasalita ka pa rin ba???
maraming tanong na hindi ko mawari kung saan huhugutin ang mga sagot, pero ang alam ko kaya nga tayo binigyan nang free will ay upang magawa natin ang bagay na nais natin ayon sa ating kunsensiya, pero may konsensiya ka nga ba???
pwede bang mamahagi nang safeguard? baka sakaling sa pagbukas nila nang karton o sachet nito ay may nakalakip na mga katagang.....
"YOU WON 1 MELYON KONSENSIYA"....
amen...
Monday, April 12, 2010
old house secrets
I live in an old house! but i didn't expect that this old house holds so many secrets!
I thought this is just an ordinary piece of furniture stored up in the second floor but when i finally decided to open it up, wow an old player!
I was practically covered with dust because we do not ussualy open this room where old stuff are stored!I thought this is already busted but because i am naturally "Pakialamero" hehe, I tried turning it on and wow, the old player is still working haha!
the fun and excitement i felt was WOW! imagine i don't exactly know how old this player but this is one certified antique!
And other old players just showed themselves to me! hahaha
Monday, March 1, 2010
Choices....
Minsan nakakapagod na! Minsan gusto mo nang umayaw, pero kailangan mong lumaban, hindi para lang sa iyo pero para sa mga mahal mo na umaasa sa iyo, mahirap, masalimuot, pero kailangan mong muling humakbang at ipagpatuloy ang laban...
At sa iyong paglalakbay, hindi maiiwasang may masumpungan kang sangang daan kung saan kailangan mong mamili, at sa bawat desisyong iyong gagawin ay nakasalalalay hindi lamang ang iyong kinabusan pero nang lahat nang umaasa sa iyong kakayahang humusga at mamili nang mas nakabubuti sa iyo, o kaya ay para sa inyo....
Pero paano kapag ang napili mo ay iyong pinagsisisihan? Paano kung ang napili mo ay isang pagkakamali? paano mo ito lulusutan at paano mong maibabalik ang isang lumipas na pagkakataon upang makapamili?
Sabi nga nila ang opportunidad daw ay isang beses lang kung dumaan sa iyong buhay at sabi rin nila ito daw ay parang isang matandang ang buhok ay nasa magkabilang gilid lamang na mabilis na dumaraan at kapag dumaan sa iyong tapat ay kailangan mong sungaban dahil kapag itoy nakalampas ay hindi mo na mahahabol at lalong hindi na ito magbabalik sa iyong paglalakbay...
Pero paano kung pinili mong hayaan na lang itong dumaan sa harap mo? Paano kung pinili mong huwag siyang tignan? paano kapag pinili mong huwag nang pumili at ipagpatuloy na lamang ang anumang iyong ginagawa nang siya ay dumaan?...
Mahirap isipin pero mas mahirap ang magsisi, ito ang pinili mo at dapat lamang na ito ay iyong panindigan, maaring mahirap pero mas mahirap ang malugmok at umiyak dahil sa pagsisisi at pagaalinlangan sa sariling kakayahan...
Sabi nga nila, mas maganda na iyong kahit papano ay may napili ka, at kung ano man daw ang iyong pinili ay dapat mong pagyamanin ito at gawing inspirasyon upang mas umunlad ang iyong pamumuhay...
ewan ko kung tama... naguguluhan din ako, may pinalagpas din akong pagkakataon at nagkataon din naman na ang pinili ko ay siyang mas lalong nagpapahirap sa aking kalooban...
hindi ko rin maintindihan ang takbo nang buhay, ang biro nang tadhana, pero anuman ang mangyari hindi ako malulugmok dahil sa aking desisyon, desisyon ko ito at anuman ang kahihinatnan nito ay dapat ko itong pagyamanin upang maging kapakipakinabang...
sana...
Friday, February 12, 2010
Philippine Folk Dance: Carinosa
alam ko kahit papano, napanood mo na to, o kaya nasayaw mo na rin...
samahan mo nalang akong magbalik tanaw...
hehehe...
Sunday, January 24, 2010
I google mo manong..
sus maryosep..... nagkawindang windang ang aking mundo sa translation ni pareng google.. google ba talaga to o goolo, goolo? ahihihiiiii...
JUST FOR LAUGHS LANG KAIBIGAN, PWEDE MONG BASAHIN MUNA YUNG ORIGINAL NA TAGALOG DUN SA IBABA...
A Question...
But so Answer?
have friends you crazy?
have friends you abnormal?
or you yourself crazy? you own the friend they abnormal?
friends mad, I mean greenhouse mental, that sound alone, the head nagkakamot chaos and mess the hair, crazy friends that do not follow the normal course of life, not a sensible and makapagisip like there own world.
abnormal friends, I have determined yung physical disabilities, but the kaibigang do not understand why they use their hands feet and brain, like friends lagi nalang rely on your diligence and strategy.
and really do not understand is why you still keep them kinukunsinti, pinababayaang fool you, exploit your diligence, talent and ability. who is you really have problems, you? or they?
I am not preaching and not especially angry, I just wonder if seepage naisipan to ask ...
The friends you will not be together? but how you come to know the point that they exploited your skills, let you still?
still let you because they too want the world you niliitan seepage rotary lang in your two, three or five?
sabagay if tututusin, better nahahasa your brain, more gumaganda your strategy and the Ancient tumitibay iyog inside, but how naman siya? especially becomes more depending on you, more especially becomes lazy and better mapapariwara his life.
Sometimes you do not really know who really is crazy, who really abnormal and who really niloloko, nanloloko, and who really is not intrusive.
experiencing it now, and I did not notice because I think helps me, but with a nalang suddenly told to my face, "Hey too dependent when you yan ha?". Napaisip me, natulala, so naisipan I write it down.
still confused and I do not know what to do ...
if you're in the situation, what do you do?
Posted by Rhodey at 8:52 AM Posted by rhodey at 8:52 PM
Labels: sagot , tanong , trip ko to , trip lang , walang personalan Labels: answer, question, I to trip, trip lang, no person
hihihi ... o biba? san ka pa?...
anak nang tinapa talaga hahaha
Isang tanong... Subalit may sasagot kaya?
may mga kaibigan ka bang abnormal?
o ikaw mismo ang baliw? na ikaw mismo ang kaibigan nilang abnormal?
mga kaibigan baliw, hindi ko ibig sabihing mga nakakulong sa mental, na nagsasalitang magisa, nagkakamot nang ulo at gulo gulo ang buhok, mga kaibigang baliw na hindi sumusunod sa normal na takbo nang buhay, hindi makapagisip nang matino at parang may mga sariling mundo.
mga kaibigang abnormal, hindi ko tinutukoy yung may mga pisikal na kapansanan, kundi mga kaibigag hindi mo maintindihan kung bakit nila magamit ang kanilang mga kamay paa, at utak, mga kaibigang parang lagi nalang umaasa sa iyong sipag at diskarte.
at ang talagang hindi ko maintindihan ay kung bakit patuloy mo pa rin silang kinukunsinti, pinababayaang lokohin ka, pagsamantalahan ang iyong sipag, talino, at kakayahan. sino nga ba talaga ang may problema, ikaw? o sila?
hindi ako nangangaral at lalong hindi ako nagagalit, nagtataka lang ako kung kayat naisipan kong magtanong...
ang mga magkakaibigan ay hindi ba dapat nagtutulungan? pero paano kung darating sa puntong alam mo nang pinagsasamantalahan na nila ang iyong mga kakayahan, hahayaan mo pa rin ba?
hahayaan mo pa rin ba sila dahil masyado mong niliitan ang mundo mo kayat umiinog nalang ito sa inyong dalawa, tatlo o lima?
sabagay kung tututusin, mas lalong nahahasa ang iyong utak, mas gumaganda ang iyong diskarte at laong tumitibay ang iyog loob, subalit paano naman siya? mas lalo siyang nagiging depende sa iyo, mas lalo siyang nagiging tamad at mas lalong mapapariwara ang kanyang buhay.
kung minsan hindi mo na talaga malaman kung sino talaga ang baliw, kung sino talaga ang abnormal at kung sino talaga ang niloloko, nanloloko, at kung sino talaga ang walang pakialam.
nararanasan ko ito ngayon, at hindi ko ito napapansin dahil akala ko ay nakakatulong ako, subalit may isang nagsabi nalang bigla sa mukha ko, "Oy masyado nang dependent sa iyo yan ha?". Napaisip ako, natulala, kayat naisipan ko itong isulat.
nalilito rin ako at hindi ko alam ang gagawin...
kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin mo?
Monday, January 18, 2010
wala lang....
pero eto pa rin, hindi makalamyerda sa blogsperyo at tinambakan nang isang bulto nang mga paper works na dapat basahin, rebisuhin, kalkalin at hanapan nang mali, upang hindi mapagalitan, mabulyawan o kaya ay mapingot ang ilong, makurot nang pinong pino o kaya ay maihulog sa hagdan kapag ipinasa mo at mali pa rin... anak nang tinapa namang buhay ito oo...
ang hirap pala nang accounting, maga na ang ilong ko sa nose bleed sa twing tatanungin ako bakit may variance, bakit hindi balanse, bakit.... puro nalang bakit at isa pa ulit na bakit....
para tuloy gusto kong umorder nang isang bucket nang mainit na kape upang malaklak, malagok, at isang truck nang toothpick at gawing paningit sa aking namumungay nang mata dahil sa ilang linggo nang walang tulog sa kakaobertaym dahil sa sangkaterbang reports na yan na walang tigil sa pagbagsak sa aking harapan na animo ay ulan... anak nang tinapa namang buhay ito oo...
pero sa kabilang dako, dahil sa kaoobertaym, nadadagdagan naman ang sahod ko hehehehehe.., para tuloy gusto ka na ring mag obertaym lagi hahaha
ano ba to, naloloko na ata ako at kung ano ano na lang to...
pasencya na kaibigan at hangang dito ay binabasa mo pa rin ang walang kwenta kong kwento, pero siguro ay nakakarelate ka, maari ding wala kalang magawa kayat pinatulan mo nang basahin ito, ano man ang rason mo, salamat at kahit papano ay sinamahan mo ko...
ang tagal ko rin palang di nakabalik, ang tagal ko rin palang nanahimik, pero susubukan kong muling bumalik at muling maging aktibo sa mundo nang blogosperyo...
salamat sa pagbisita at kung may oras ka pa, subukan mo namang magiwan nang mensahe... hehehe...
Saturday, January 2, 2010
sa pagsapit nang 2010
Pero bago ako gumawa nang mga listahan nang mga babaguhin, parang mas gusto kong gumawa nang list of things i wish to accomplish. Yung mga bagay na inaasam ko, na sana sa taong ito ay matupad, magkaroon nang buhay at maging isang katotohanan. Pero teka may pagkakaiba ba ito sa new years resolution? hmmmm.... A ewan, basta....
1 - Sana magkaroon nang raise sa sahod. hehehe sa hirap nang buhay ngayon no? kelangan talagang magkaroon nang dagdag sa income. (pera talaga ang inuna hahaha napaghahalata tuloy hehehe)
2 - Sana mapromote na rin sa wakas, ang tagal tagal ko na kayang inaalila nila at inaalipin, sana naman ako na ang mang aalila sa mga susunod na buwan no? hekhekhek... (wish mo lang, magtrabaho ka kasi at wag laging natutulog sa work...)
3 - Sana payagan na akong makabili nang motorsiklo, at sana huwag na rin silang magpalabas nang mga report sa mga naaaksidente sa motor (nakakainis... ayaw tuloy akong bigyan nang motor at baka daw mamatay agad ako, as if parang hindi ko alam na ang mga masasamang damo matagal mamatay hekhekhek)
4 - Sana magkaroon nang mas madaming kaibigan at konting kaaway lang hehehehe. (Parang galing sa ilong lang ito... hehehe)
5 - Sana kumonti na ang mga plastic sa lahat nang dako nang mundo.. (wish mo lang e madami kayang pabrika nang plastic sa Pinas..)
hay naku wala na akong maisip.. susunod na lang yung iba.... hehehe
Tuesday, September 29, 2009
"Nangarap ako noon...."
nangarap lang naman ako noon, na sana pagdating nang panahon ay mabuo ko rin ang aking mga pangarap, na sana matupad ko ang nais nang aking mga magulang, ang magkaroon nang mas mabuting buhay, yung hindi ka nabibilad sa bukid, yung hindi napuputikan, yung nakakin ang mga nais kanin, at yung laging malinis at mabango dahil may magandang uniporme at mamahaling pabango na magagamit sa pagpasok sa isang magandang trabaho araw araw.
kung tutuusin napakasimple lang naman nang aking mga pangarap noon, subalit hindi pala ganoon kadali, hindi pala iyon madaling marating, hindi pala iyon parang isang bagay na maaaring bilhin na kapag nagsawa ka na ay pwede mo nang itapon, itago o kaya ay ipamigay.
Mahirap palang mangarap, at mas mahirap palang abutin ang mga pangarap na iyon lalo na kapag sa pagtagal nang panahon, at sa iyong pagtanda, ang mga simpleng pangarap na ito ay malalaman mo na lamang na hindi na pala para lamang sa “iyo”, kundi para na sa “inyo”.
Iisa lang naman ang pangarap na iyon kung tutuusin, subalit sa pagikot nang panahon ang “Ako” ay unti unting naging “Tayo”, hangang sa maging “Kami”.
Iisang pangarap, subalit sa pagyabong nito ay ang pagdagdag nang mga taong umiikot dito, umaasa, at nagdarasal na sana ay matupad mo ang iyong mga pangarap, dahil sa katuparan nang mga ito ay ang katuparan na rin nang mga pangarap nila.
Noon akala ko, nangangarap ako upang paunlarin lamang ang aking sarili, ang pagbutihin ito at mabuhay nang ayon sa gusto ko, ang makapagipon nang pera upang mabili ang aking mga nais bilhin, ang magkaroon nang magagarbong kasuotan, ang magkaroon nang magarang sasakyan, madaming alahas, at kung ano ano pang pwedeng ipalamuti sa katawan, subalit nagbabago pala ito dahil sa ngayon, hindi na iyon ang aking naiisip, pumapangalawa na lamang ito sa aking listahan o kadalasan panghuli na kung may matira ay pwede na.
Sa ngayon, sa bawat patak nang pawis, sa bawat patak nang pisong pumapasok sa aking bulsa ay kasabay nito ang pagaalala na sana ay umabot ito para sa alawans nang aking mga kapatid na katulad ko noon ay nagsisimulang mangarap ngayon, na nagsisimulang buuin ang kanilang pag asa, na sana sa malapit na hinaharap ay malagpasan rin nila ang hirap nang buhay sa bukid, at pumalaot sa mundo nang buhay na mas nakakaangat sa iba.
Mahirap maging panganay dahil pasan mo sa iyong balikat ang mga responsibilidad na katulad na rin nang isang magulang, lalo na kapag katulad naming wala namang pwedeng ipagyabang, mahirap ang maging kuya dahil ikaw ang nagiging ehemplo sa iyong mga nakakabatang kapatid, mahirap kung iisipin, subalit masaya ako dahil bukal sa aking puso ang pagtangap sa hamon at sa mga responsibilidad na nakaatang sa aking balikat.
Ang aking simpleng pangarap noon ay patuloy na lumalago, unti unting nabubuo, nagkakaroon nang buhay subalit kasabay rin nito ang paglaki nang responsibilidad na nakaatang sa aking balikat, pero kapag tinangap mo pala ito nang buong puso, nang may pagmamahal, pang unawa at lambing, ito ay gumagaan, napapalitan nang ngiti ang bawat ngiwing sumasabay dahil na rin sa dagok nang buhay, at malalaman mo nalang, nandoon ka na, nadoon na kayo, at pwede mo nang ibaba ang dala dala mong responsibilidad dahil kaya na nila, at buo na rin ang mga pangarap na binuo “mo”, “ninyo”, “kayo” at “sila”.
Sabi nga nila ang buhay daw ay parang gulong, paikot ikot lang, nasa ilalim ka man ngayon darating din ang araw na papaibabaw ka, manalig ka lang, at harapin nang may ngiti ang bawat responsibilidad na darating sa iyong buhay at mararamdaman mo ang malaking kaibahan, hindi ako nagyayabang subalit hindi ko maiwasang lumakad nang nakaliyad ang dibdib sa paglalakad.
Marami pang taon ang bubunuin “ko”, “namin” upang tuluyang mabuo ang mga pangarap na sinisimulan namin subalit alam kong hindi ako nagiisa sa pagbuo nang mga pangarap na ito, dahil nakikita ko ang determinasyon, ang pagnanais nang lahat nang aking mga kapatid at magulang na lumaban, at pumaimbabaw sa bawat responsibilidad na darating, sabi nga nila, kayang kaya kung tulong tulong.
Ako ito, ikaw?… kumusta ka kaibigan?…
Sunday, September 20, 2009
puro ka kasi tanong...

Napansin ko lang bakit kaya may mga ibang pasawauy? yung tipong tinatanong mo naman nang maayos pero nakakatuwang nakakainis dahil kung minsan hindi naman talaga sinasagot kung anong tinanong mo.
tanungin mo kung "Kumain ka na?" sassagutin ka nang "Busog pa ako."
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo" sasagutin ka nang "Bakit?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ako."
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Madali lang."
O diba naman? parang praning lang yung tinatanong mo, parang bangag lang kayat may sarili siyang mundo..
Pero kung minsan yung iba mas malupit, tinatanong mo, pero imbes na sagutin ka tatanungin ka rin..
tanungin mo kung "Kumain ka na?" sasagutin ka nang "Anong ulam?"
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo?" sasagutin ka nang "Hindi mo ba nakasalubong?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ba ako?"
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Marunong ka rin bang gumawa nito?"
O diba? adik na adik ang dating... hehehe
anchuchay talaga oo....
Parang gusto ko tuloy sumigaw nang paglalakas lakas na ... "ano baaaaaaaa!!!!...
Ikaw makikisigaw ka rin ba?.. aheheheks...
