and dami ko na palang nasimulang entry pero puro hindi natapos, puro simula lang, pagkatapos nang ilang talata, wala na, hindi na itinuloy dahil nawala na ang interes ko sa bagay na iyon. Minsan naman masyadong malawak ang sakop nito at nahihirapan akong hatihatiin ito upang mailahad ko nang mahusay.
Ewan ko ba, mejo naapektuhan ang aking pagiisip sa pagkawala ni yosi, madaling maginit nang aking ulo, madali rin akong mabugnot, madaling nasisira ang aking konsentrasyon, in short miss na miss ko na si yosi..
Pero ganon pa man, ipinagyayabang kong magiisang buwan na rin akong hindi na muling lumanghap sa maladonselyang usok ni yosi (aheheheks...) hindi na rin ako madalas pumunta sa rooftop upang panoorin ang mga ulap na naghahabulan sa bughaw na kalangitan habang bumubuga nang bilog bilog na usok na humahalo sa mga ulap, hindi na rin ako pumupunta sa 10th floor terrace upang manood sa unti unting paglubog nang araw sa manila bay habang iniisip kung nakakarating nga ba ang usok mula sa yosi sa mga ulap above..
haaay... kailan kaya matatapos ang aking pangungulila at hangang kelan ako magiging matatag at hindi na muling titikim sa maladonselyang usok na aking kinabaliwan... hehehe
Pero ramdam ko na ngayon ang pagbabago sa aking paghinga, hindi na ako hinihingal kapag nagjojoging sa EDSA o kaya ay akyat baba sa hagdanan, hindi na rin ako madalas ubuhin, hindi na rin nagtatakip nang ilong ang aking labintatlong crush na bebot kapag kasabay ko sila sa elevator, madalas na rin akong ikiss nang panlabing apat... aheheks... (joke lang!!!)
anak nang tipaklong.... aheheks talaga....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
haha.kaya mo yan.
wag kang mainggit sakin na nagyoyosi habang ngty-type. whoooh... sarap! lols
ako ang iyong konsensya...gusto mo ba ang nararamdaman mo ngayong wala na siya? bakit di mo subukang ibalik upang malaman mo kung mababago ba ang pakiramdam mo...
hahaha bad influence talaga!
hahaha anak nang tipaklong.. dinalaw ako nang mga BI hehehe...
hari nang sablay @ alangya talaga... hirap nga magconcentrate ngayon e, nangingit ka pa, nasanay din akong laging may yosi kapag nagiisip, haay naku...
Abe Mulong @ hehehe sayang naman ang nasimulan ko na, cge yaan ko nalang si yosi sa inyong mga piling hehehhe
Alam ko nangungulila ka na sa akin! pero wag ka mag aalala. Ganon rin ang nararamdaman ko. Bawat hit hit at buga mo. Bawat pitik mo ng lighter.Namimiss ko.- YOSI
haha.goodluck sa'yo! mahirap(i know!) pero tingin ko kaya mo yan :)
Mahirap ba talaga 'yan? Di ko alam kasi wala ako nyan..Nakakamis talaga ang mga bagay kung saan parte na sila ng ating buhay..Masama nga daw ang yosi sa katatawan..Lalo kang hihikain pag gumamit ka nito..Itry mo na lang kaya ang shisha...hehe
balang araw, makakalimutan mo din si pareng yosi kaya magkape ka na lang muna at baka ikiss ka pa ng ika labinglima..hehehe
Post a Comment