Thursday, April 30, 2009
usapang in lab...
o huwag nang ikaila, nainlab ka na dati, maaaring inlab ka pa rin ngayon at pwede ring maiinlab ka pa lang sa mga susunod na araw , at lalong huwag mong ikaila na sa iyong pagkakahumaling ay nagkaroon kayo nang tawagan na kayo lamang ang nakakaalam at kahit na sa gitna nang sandamakmak na tao kapag narinig mo ito ay tiyak lilingon ka at hahanapin kung sino ang tumawag kahit alam mong hindi naman talaga ikaw ang tinutukoy.
nakakatuwang pakingan ang ilang tawagan nang ilan nating mga kaibigang inlab, may nay at tay, ma at pa, dadi at mami, kapag may mga supling na, meron din kayang lomi? aheheks... kung mga bago pa lamang ay mahal, beybi, lab, at kung ano ano pang mga nakakasukang pakingang tawagan kung hindi ka in lab... mapapa eeeewwwww ka talaga kung medyo mababaw lang ang iyong bituka.
at hindi ako exempted dyan sa kaek-ekan na yan, ewan ko ba, may sumpa yatang kapag inlab ka e mappabilang ka na sa mga baduy ...
pero kakaiba ang tawagan namin nang aking labidu, anibersary namin ang mayo uno, kayat memorable ang araw na ito, huwag mo nang itanong kung ilang taon at di ko matadaan, itatanong ko nalang nang pasimple bukas para di niya mahalata eheheks... basta ang alam ko six or seven years na, tagal na rin long engagement ba...
textmate lang kami dati, naging magkaibigan at yun na! kami na pala! mayo uno kami unang nagkita sa may Cowboy Grill Malate, habang ang karamihang mangagawa ay nasa edsa, at iba pang lansangan nang Metro Manila na nagrarally, o kaya ay nagpaparty,naisipan naming magkita dahil yun ang parehas kaming walang pasok sa opis. hindi namin alam kung kelan kami naging on, kaya yun nalang ang ginawa naming anibersary, ang weird no? aheheks....
ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote nang aking labidu at ang laging tawag sa akin ay "ENGOT', kaya engot na rin tawag ko sa kanya, hangang sa nakasanayan na namin, kapag naglalambing, engot ang tawag, kapag nagagalit engot ang tawag, at kapag wala lang ay engot pa rin ang tawag, kaya kapag may nagsasabing "ENGOT" ay napapalingon ako, napagkakamalan tuloy akong engot. aheheks....
gusto ko nga sanang baguhin kaya lang wala akong maisip na iba, at talaga namang ang aking labidu ay "ENGOT" pa rin ang tawag sa akin....
haaaay tatanda na yata akong "ENGOT'... aheheks.......
Wednesday, April 29, 2009
wala lang....
nakakatuwa namang talaga, mantakin mong pagkatapos kong matangap ang pinakakaasam kong adik ID este Cute Blogger ID eto na naman at nanominate pa akong employee of the month for February and March.
Nakakatuwa talaga, pagkatapos kong magawa ang bagong lay out nang aking friensdter, at multiply, iedit ang mga post ko para sa blog, at makipag chat ay eto at talagang pinili pa nila akong maging contender para sa pinakamasipag na mangagawa, aheheks talaga...
Anak nang tipaklong oo, eheheks....
Parang gusto ko tuloy pagaralang ibahin naman ang lay out nang blog ko, baka next month masungkit ko na talaga ang unang pwesto bilang pinakamasipag na mangagawa... aheheks...
Sana lang di maligaw ang aking boss na Finance Officer sa aking blog at baka mabuking ako aheheks talaga....
Tuesday, April 28, 2009
certified na to oy!
medyo dispalinghado pa rin ang aking pagiisip ngayon, pero napasaya talaga ako ni Boss Marlon nang Perspektib.
isa na akong certified Cute Pinoy Blogger, at wala nang makakadispute niyan ngayon, meron na akong ID na pinanghahawakan.... eheheks...
kahit papano ay nakapagdulot ito nang kasiyahan sa aking puso, munti man ito sa inyong paningin subalit gustong gusto ko ito, at iyon ang mahalaga.
Salamat kaibigan....
isa na akong certified Cute Pinoy Blogger, at wala nang makakadispute niyan ngayon, meron na akong ID na pinanghahawakan.... eheheks...
kahit papano ay nakapagdulot ito nang kasiyahan sa aking puso, munti man ito sa inyong paningin subalit gustong gusto ko ito, at iyon ang mahalaga.
Salamat kaibigan....
Monday, April 27, 2009
patawad....
Nagkawindang windang ang buhay ko, nawalan nang direksiyon at basta nalang nagpagugulong gulong.
Sa ngayon ay dama ko ang mga side effects na dulot nito sa akin, may mga pagkakataong akoy natutulala, nawawalan nang gana, napapaluha, nagsisisi, sana noon ko pa dapat naisipang maghanap, magparamdam, o kaya ay humanap nang paraan upang makausap sila, e di sana nandito pa siya, nagkausap, nagawan nang paraan, at muling nabuo ang samahan..
Ang dami kong naiisip sa ngayon, ang dami kong mga pagsisisi subalit wala na akong magagawa pa, marami akong dapat na ginawa, subalit wala nang saysay ang pagsisisi...
Ang sabi nga nila, "tuloy pa rin ang buhay", mahirap magsimula, mahirap hagilapin kung saan ka ba dapat magsimula, pero dapat mong ituloy ang paglalakbay...
"Tigilan mo nga ang kalokohan mong yan!", yan ang palagi kong naririnig sa kanya noon, lalo na at may mga kagaguhan akong naiisip, mga katagang kaytagal kong ninais na muling marinig, at ang realisasyon na hindi ko na ito muli pang maririnig mula sa isang kaibigang tunay na nagmamalasakit ay tunay na napakasakit.
Nais kong ihingi nang paumanhin ang aking kadramahan, subalit hindi ko maitago ang aking pagdaramdam, kailangan ko itong ilabas, kailangan ko itong iiyak...
Nagpapasalamat ako sa mga nakakaintindi, at humihingi ako nang paumanhin sa mga nakakaisip na ito ay kadramahan lamang.
Sa mga magkakaibigang nawalay nang matagal na panahon, subalit sa puso nyo ay alam nyong ang pagkakaibigan ay hindi nabago nang panahon, nang hindi pagkikita at nang kawalan nang komunikasyon. Nais kong sana ay gumawa na kayo nang paraan upang ang sakit at pagdaramdam sa aking puso at isipan ay hindi ninyo maranasan.
Sa aking kababata at pinakamatalik na kaibigan, patawad, sana kung nasaan ka man maligaya ka, ang alaala mo ay nakatatak na sa aking isip at puso magpakailan pa man.
Patawad... patawad kaibigan...
tag na pang otso otso...
eto na ang tag na pang nose bleed na galing kay LordCm at Bhing, na sinimulan nang ating kuyang si Super Gulaman, maming salamat at naalala nyo ako sa inyong paghihirap na magisip at ipinasa din sa akin ang paghihirap na yun .. (eheheks)... joke....
8 things i look forward to
1. Matuloy na sana yung matagal nang planong pamamasyal sa Disneyland...
2. Sana matapos na yung pinagagawa naming bahay...
3. Sana dumating na yung pinakakaantay na promotion...
5. Sana Tumaas ang sahod...
6. Sana magka gerlpren na ako... (eheheks)
7. Sana matuloy na reunion naming magkakaibigan kahit kulang na kami...
8. Sana nasa piling na ni lord ang aking best pren...
8 Things i did yesterday:
1. Umiyak nang umiyak...
2. Naglaba nang naglaba hangang napagod...
3. Humarap lang sa compyuter....
4. Naghanap nang bagong chat mate...
5. Kumain nang kumain nang ice cream
6. Naki misa...
7. Nag alay nang panalangin para sa aking bestpren...
8. Naglaro magdamag nang "God of War"...
8 Things i wish could do:
1. Matapos na ang tag na to at antok na ako.....di pa ko nakakatulog nang maayos eheheks...
2. Mapagtapos ang aking mga kapatid sa mataas na paaralan...
3. Wala na ako maisip...
4. Wala na nga...
5. Ala na...
6. La na...
7. a na....
8. ______ (blank na) eheheks...
8 Shows i watch:
1. Spongebob Squarepants
2. God (?) Save our king
3. National Geographic Channel
4. Discovery Channel
5. Eagle Eye
6. Dora the Explorer (eheheks)
7. Tom and Jerry (mas madaming cartoons no? hehe)
8. Avatar (the Legeng of Ang)Ipinapasa ko ito sa mga lahat nang nakabasa, walang bawian, nabasa mo kayat na TAG na kita... eheheks...
1. Tambaytambayan
4. Palipasan
5. On My OwN
6. PERFECT SQUARE.
1. Tambaytambayan
2. Tambay
3. Bomzz-in-Iraq4. Palipasan
5. On My OwN
6. PERFECT SQUARE.
Sunday, April 26, 2009
Good bye Best Friend...
BRB muna ako, kelangan ko munang palipasin ang sama nang loob ko sa aking kaibigang si Fraklin, siya yung isa sa bumubuo nang three muskeeters, ngayon ko lang nabalitaan ang kanyang pagpanaw, at masamang masama ang loob ko sa kanya. Hindi man lang kami nagkita o kaya ay nagusap pagkatapos nang sampung taon, pagkatapos ngayong pinahanap ko sila, iniwan naman nya kami.
(read more here)
naiinis ako sa yo pare, masamang masama ang loo ko, pero sana, saan ka man masaya ka...
Good bye Best Friend...
(read more here)
naiinis ako sa yo pare, masamang masama ang loo ko, pero sana, saan ka man masaya ka...
Saturday, April 25, 2009
nose bleed...
halfday ako tuwing sabado, tapos na ko sa reports at iba pang mga gawain sa opis, di rin nagparamdam ang aking ka chat kayat naisipan kong magpakalat kalat sa mundo nang kablagan!
Napadpad ako sa mundo ni pareng Thoughtskoto at isang nakaka nose bleed na hiling ang tumambad sa aking pamamasyal, nagsisi tuloy ako ... aheheks...
Tulungan daw natin siyang isalin sa wikang Pilipino ang mga katagang....
“Filipinos Abroad – Hope of the Nation, Gift to the World”
Ako ay Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.... pero hindi ko ito maisalin, lapit tuloy ako kay bro.. "Bro, i need your help..." ang sabi ni bro?... "Magsaliksik ka..." lapit ako kay meriam webster, sabi niya... "wala dito hinahanap mo", lapit ako kay google at sabi niya .. "Mamili ka...", lalo akong nalito, nahilo at nawalan nang ulirat.
Lapit ako sa aking mga kaibigan, ang sabi nila "Diyos ko, Pati ba yan pinoproblema mo?", "Problema mo yan bakit mo kami idadamay?" ang saklap diba? Pero in fairness tumulong sila word per word...
Dugo dugo na ilong ko, ubos na rin ang aking isang kilong bulak , nang may bumbilyang sumindi... "ting" (sound effects yan...)
eto ang kanilang mga translations:
Rinambol ko ito parang hueteng at ang lumabas..
hala... pinakyaw, eheheks..... ikaw kung meron kang idea, hala magpadugo ka rin nang ilong, at tumulong sa ating kaibigan. hahaha...
Lapit ako sa aking mga kaibigan, ang sabi nila "Diyos ko, Pati ba yan pinoproblema mo?", "Problema mo yan bakit mo kami idadamay?" ang saklap diba? Pero in fairness tumulong sila word per word...
Dugo dugo na ilong ko, ubos na rin ang aking isang kilong bulak , nang may bumbilyang sumindi... "ting" (sound effects yan...)
eto ang kanilang mga translations:
OFW - bagong bayani
HOPE - Sigarilyo ehe! Pagasa
NATION - UN? ngeeekk.. Bayan
GIFT - gantimpala, biyaya, handog
WORLD - PEACE? hehehe, Mundo, sangkatauhan, sanlibutan
HOPE - Sigarilyo ehe! Pagasa
NATION - UN? ngeeekk.. Bayan
GIFT - gantimpala, biyaya, handog
WORLD - PEACE? hehehe, Mundo, sangkatauhan, sanlibutan
Rinambol ko ito parang hueteng at ang lumabas..
"Pinoy: Bagong Bayani, Pag-asa at handog sa Mundo"
"Pinoy: Bagong Bayani, Pag-asa nang Bayan at handog sa Sanlibutan"
"Bagong Bayani: Pag-asa nang Bayan at Biyaya sa Sangkatauhan"
"Bagong Bayani: Pinoy, Pag-asa ka nang Sangkatauhan"
"Pinoy: Bagong Bayani, Pag-asa nang Bayan at handog sa Sanlibutan"
"Bagong Bayani: Pag-asa nang Bayan at Biyaya sa Sangkatauhan"
"Bagong Bayani: Pinoy, Pag-asa ka nang Sangkatauhan"
hala... pinakyaw, eheheks..... ikaw kung meron kang idea, hala magpadugo ka rin nang ilong, at tumulong sa ating kaibigan. hahaha...
Friday, April 24, 2009
week end na
haaaay salamat week end na ulet, makakapagpahinga na rin sa wakas mula sa mga nakakarinding reports, nakakatulirong memo, at kung ano ano pang mga pinaggagawa sa opis, kasama na dyan ang bagong lay out nang friendster at face book, mga ieedit na entries para sa BLOG, at siyempre isabay na rin dyan ang pagkikipag chat. O di ba? sobrang busy talaga sa opis, kung minsan nga tapos na pala lunch break di ka pa nakakain, kasi yung ka chat mo ayaw paawat, tapos itutuloy mo pa yan pagdating sa bahay, ang dami talagang ginagawa sa opis at kelangan talaga nang matindi tinding pahinga pagsapit nang week end.
Pero nakakapagpahinga ka ba talaga kapag week end?
Sa dami nang labahin, lilinisin, kukumpunihin, at kakalikutin tapos na pala ang week end di ka pa rin nakapagpahinga, at bago mo pa mapansing pagod ka pa rin nasa opis ka na ulet at binabalikan na ang mga hindi natapos na report, mga di pa nabasang memo, ang di mo natapos na layout nang friendster at facebook, tapos ayan na yung ka chat mo, may kasama pang buzzz .
Parang wala din di ba?
Bakit kaya di nalang palitan ang pangalan nang week end, imbes na SABADO at LINGO, gawin nating SALABA, SALINIS, SAKUMPUNI,SAKAKALIKUTIN, SAPLANTSAHIN.
Naisip ko lang... Naisip mo na rin ba?.... aheheks...
mula ka Pope
Bago ang lahat ito muna!
isang TAG NA AWARD PA, saan ka pa? galing ito kay Pope na ibinigay sa kanya na ipinamahagi naman niya sa kanyang mga masugid na tagasunod, tagabisita at kung ano ano pa.
at isa ako sa mga mapapalad na mabigyan nang pagkakataon na ipamahagi din ito sa inyo. Simple lang naman ang mga dapat gawin at depende kung gaano ka kabilis mag type, mag copy paste, at pagisipan kung sino sino ang iyong pagbibigyan, magagawa mo ito in five minutes... aheheheks....
At sa mga sumusunod... Mga blagerong aking binabalik balikan upang tignan kung may bago nang post, aking sinusubaybayan ang talambuhay, pagibig at kung ano ano pang kanyang naisipang ibahagi sa kanyang mga mambabasa.
da end.....
isang TAG NA AWARD PA, saan ka pa? galing ito kay Pope na ibinigay sa kanya na ipinamahagi naman niya sa kanyang mga masugid na tagasunod, tagabisita at kung ano ano pa.
at isa ako sa mga mapapalad na mabigyan nang pagkakataon na ipamahagi din ito sa inyo. Simple lang naman ang mga dapat gawin at depende kung gaano ka kabilis mag type, mag copy paste, at pagisipan kung sino sino ang iyong pagbibigyan, magagawa mo ito in five minutes... aheheheks....
- Place the logo / banner on your blog. (okey check)
- Add a link to the blog who gave the award. (okey na rin to, Check)
- Nominate at least 7 other blogs. (It says at least! If you've got more friends, go ahead) ( inang dito ako sablay, di ako umabot sa five minutes, ahuhuhu)
- Add links to the blogs that you have nominated. (okey check na to)
- Let them know by leaving a message (shout) on their blogs. (okey na din to)
At sa mga sumusunod... Mga blagerong aking binabalik balikan upang tignan kung may bago nang post, aking sinusubaybayan ang talambuhay, pagibig at kung ano ano pang kanyang naisipang ibahagi sa kanyang mga mambabasa.
da end.....
Thursday, April 23, 2009
meron akong barya...
Malapit na ang katapusan, magsisi ka na, aheheks ano ba yun? katapusan lang nang buwan ang darating, ibig sabihin madami na ang ubos na ang pera katulad ko, puro barya nalang ang natira, at pilit na minamadali ang pagdaan nang araw para maging katapusan na, pero kahit papano may barya pa naman diba? at sa ayaw mo man at sa gusto, matuto kang mabuhay sa tulong nang barya.
Napadukot tuloy ako sa aking bulsa, at wow! ang laman? isang halls na mentho-lyptus, dalawang bente singko at isang sampung piso na dating papel, ngayon ginawang barya at pinagtabi pa pala sina Apolinario at Andres. Hindi ko yun dating alam aheheks. Pramis...
Hirap talaga nang walang pera, iniisip ko tuloy magjowa kaya itong dalawang to? ahehe ano ba to? napasukan na nang kung ano ano utak ko.
Lapit tuloy ako kay bro, "Bro pengeng pera", ang sagot niya? "Magtrabaho ka!" aheheks suplado ang aking bro ngayon.
Pero bakit kaya ano? ang hirap kapag pera ang kulang sa buhay mo, kung minalas malas at puro ka yabang, sang katerbang maniningil ang hahabol sa iyo tuwing kinsenas at katapusan.
Pero kapag madami kang pera, problemado ka rin kung paano mo ito gagastahin... Pera talaga oo, punot dulo nang mga problema, mapadami at mapawala puro problema pa rin ang dulot.
Anut ano pa man, may pera ka man o wala basta nabubuhay ka, may pagasa pa ring magkakapera ka... aheheheks... sabi nga ni bro "Magtrabaho ka".
Napadukot tuloy ako sa aking bulsa, at wow! ang laman? isang halls na mentho-lyptus, dalawang bente singko at isang sampung piso na dating papel, ngayon ginawang barya at pinagtabi pa pala sina Apolinario at Andres. Hindi ko yun dating alam aheheks. Pramis...
Hirap talaga nang walang pera, iniisip ko tuloy magjowa kaya itong dalawang to? ahehe ano ba to? napasukan na nang kung ano ano utak ko.
Lapit tuloy ako kay bro, "Bro pengeng pera", ang sagot niya? "Magtrabaho ka!" aheheks suplado ang aking bro ngayon.
Pero bakit kaya ano? ang hirap kapag pera ang kulang sa buhay mo, kung minalas malas at puro ka yabang, sang katerbang maniningil ang hahabol sa iyo tuwing kinsenas at katapusan.
Pero kapag madami kang pera, problemado ka rin kung paano mo ito gagastahin... Pera talaga oo, punot dulo nang mga problema, mapadami at mapawala puro problema pa rin ang dulot.
Anut ano pa man, may pera ka man o wala basta nabubuhay ka, may pagasa pa ring magkakapera ka... aheheheks... sabi nga ni bro "Magtrabaho ka".
PINOY EXPATS/OFW BLOG AWARD
Dito pa rin ako sa "PINAS", kung minsan pasaway pa rin, minsan naman ay isang mabuting mamamayan na tumutulong din para sa ikakaunlad nang "Perlas ng Silangan".
Pero sa pamamagitan nang "BLOG" ay narating ko ang ibat ibang dako nang daigdig at nalaman ang ibat ibang kwento nang buhay, pagibig, pangungulila, at pagkamangha nang ating mga kababayan na mahilig magsulat nang kanilang mga adbentyur, kalokohan, at mga kabutihang kanilang itinatak sa kanilang paglalakbay at paghahanap para sa ikauunlad nang kanilang mga sarili at para na rin sa kanilang mga mahal sa buhay.
Hindi biro ang lumayo sa iyong mga mahal sa buhay upang mabigyan sila nang mas mabuting kinbukasan, at hanga ako sa mga kababayan natin na naging puhunan ang lakas nang loob, tapang at talino upang ikalat ang kabayanihan nang lipi ni Juan de la Cruz sa mundo. Ang ating mga bagong bayani.
Bilang pagpupugay sa ating mga kababayan sa ibat ibang dako nang mundo at "ADIK sa BLOG" ay muling inilunsad ang
kung saan paparangalan ang sampung mapipiling blog, ang sabi nga e
Salamat kay Lord CM dahil ginawa nya itong tag kayat itoy aking nalaman at nakasali sa pagbibigay alam sa isang makabuluhang proyekto, sa mga naligaw at nakibasa at di mo pa ito nagagawan nang entry magtulungan tayo para itoy maipakalat at maipagbigay alam sa lahat nang nais na sumali at ipagbigay alam sa mundo ANG PILIPINO -PAGASA AT REGALO SA MUNDO. di ba astiiiig....
bow...
Pero sa pamamagitan nang "BLOG" ay narating ko ang ibat ibang dako nang daigdig at nalaman ang ibat ibang kwento nang buhay, pagibig, pangungulila, at pagkamangha nang ating mga kababayan na mahilig magsulat nang kanilang mga adbentyur, kalokohan, at mga kabutihang kanilang itinatak sa kanilang paglalakbay at paghahanap para sa ikauunlad nang kanilang mga sarili at para na rin sa kanilang mga mahal sa buhay.
Hindi biro ang lumayo sa iyong mga mahal sa buhay upang mabigyan sila nang mas mabuting kinbukasan, at hanga ako sa mga kababayan natin na naging puhunan ang lakas nang loob, tapang at talino upang ikalat ang kabayanihan nang lipi ni Juan de la Cruz sa mundo. Ang ating mga bagong bayani.
Bilang pagpupugay sa ating mga kababayan sa ibat ibang dako nang mundo at "ADIK sa BLOG" ay muling inilunsad ang
kung saan paparangalan ang sampung mapipiling blog, ang sabi nga e
In its second year, PEBA will recognize Pinoy Expats and OFWs bloggers making a difference in their lives, workplace, community, the
This year the theme is
“Filipinos Abroad – Hope of the Nation, Gift to the World”.
Salamat kay Lord CM dahil ginawa nya itong tag kayat itoy aking nalaman at nakasali sa pagbibigay alam sa isang makabuluhang proyekto, sa mga naligaw at nakibasa at di mo pa ito nagagawan nang entry magtulungan tayo para itoy maipakalat at maipagbigay alam sa lahat nang nais na sumali at ipagbigay alam sa mundo ANG PILIPINO -PAGASA AT REGALO SA MUNDO. di ba astiiiig....
bow...
Wednesday, April 22, 2009
Ang aking prayer of the day...
Home Alone ang drama ko ngayon sa buhay, pano kasi ang lakwatsero kong uncle na kasama ko sa bahay e nagpuntang subic at may seminar daw na dadaluhan, at pinagyabang pang may safari pa daw sila, iningit pa ako? sabi ko sama ako, abat umayaw? kaya hayun pinagpray kong umulan, umulan nga at parang sinamahan pa nang bagyo, ang lakas ko talaga kay bro, aheheheks.....
Ayun nasa subic na pero panay ang text na di daw makapamasyal kasi panay daw ang ulan, ang sabi ko buti nga di mo kasi ako sinama, isang lingo siyang magbibilang dun nang ulan...
Pero napagisip isip ko wawa naman uncle ko dun, pero naisip ko rin mas kawawa ako, wala akong makain kasi wala akong tagaluto, in short wala akong katulong, kaya heto sa gutom kung ano ano nalang ang naisipang iBLAG.
Iniisip ko tuloy pagbalik nya ganito na magiging itsura ko, baka hindi na nya ako makilala ....
Naku bro, help mo naman ako, sana magpadala ka nang food at nagugutom na ako,
Pero sana bro, hindi rin nya malaman na ipinagpray kong umulan, at sana di rin niya mabasa ito, baka ganito ang aabutin ko....
run rhodey run .... ahihihi.... da end...
Ayun nasa subic na pero panay ang text na di daw makapamasyal kasi panay daw ang ulan, ang sabi ko buti nga di mo kasi ako sinama, isang lingo siyang magbibilang dun nang ulan...
Pero napagisip isip ko wawa naman uncle ko dun, pero naisip ko rin mas kawawa ako, wala akong makain kasi wala akong tagaluto, in short wala akong katulong, kaya heto sa gutom kung ano ano nalang ang naisipang iBLAG.
Iniisip ko tuloy pagbalik nya ganito na magiging itsura ko, baka hindi na nya ako makilala ....
Naku bro, help mo naman ako, sana magpadala ka nang food at nagugutom na ako,
Pero sana bro, hindi rin nya malaman na ipinagpray kong umulan, at sana di rin niya mabasa ito, baka ganito ang aabutin ko....
run rhodey run .... ahihihi.... da end...
Saturday, April 18, 2009
Barkada, Samahan... nasaan na kaya sila?
Naglinis ako nang kuarto ko kanina, mejo magulo na kasi, sangkaterbang memorabilla na kung saang saang lupalop nang aking mga pangarap ko binili, mga regalo, mga harbat, at kung ano ano pa.
At sa kakahalungkat, nakita ko rin sa wakas ang matagal ko nang hinahanap na photo album nang aming barkada.
Nakakalungkot isipin na wala na kaming balita sa isat isa. Tatlo lang kaming mga magbabarkada simula sa highschool kayat sobra ang closeness namin sa isat isa. The Three Muskeeters ang tawag namin noon sa aming samahan. Iba iba ang naging course namin nung college pero iisa lang school namin kaya okey lang, patuloy pa rin ang kulitan at talagang mejo napapatulo luha at uhog namin nang graduation na at pinatutug pa ang "Goodbye to you my friend, well see each other again.....", Tinginan lang kami noon, walang imikan alam kasi namin di na katulad nang dati, kelangan na naming maghanap nang trabaho, may mga responsibilidad nang nakaatang sa aming mga balikat at kelangan na naming maghiwahiwalay nang landas.
Nakatawang isipin ang huling reunion naming tatlo bago ako lumuwas nang maynila, tawanan kami nang tawanan habang tumutulo mga luha namin habang nagpapaalaman sa tabing ilog nang rio chico, natutuwa kasi may maipagyayabang nang diploma pero nalulungkot dahil buwag na ang samahang binuo nang sangkaterbang red horse, pinagdikit nang sandamakmak na yosi at pinagtagpi tagpi nang sangkaterbang kalokohan.
Tawa lang kami nang tawa dahil nagkakahiyaan kaming humagulgol pero talagang tulo ang mga luha namin at puro pigil na hikbi lang ang pwede naming ilabas, kayat ibinunton nalang namin sa sangkaterbang red horse ang lahat hangang makatulog sa kalasingan, hangang ngayon kapag naalala ko ang paalaman naming yun naluluha pa rin ako, at nakakapanghinayang dahil pagkalipas nang sampung taon wala pa rin kaming comunikasyon sa bawat isa.
Naghanap na ko sa friendster, facebook, tagged, multiply, at kung saan san pang site sa internet, pero wala akong makitang ni anino nang mga loko, parang napagiwanan na yata sila nang panahon at parang hindi yata marunong gumamit nang computer at internet. Nakakainis at nakakafrustrate.
Sabi namin noon sulatan kami kasi nga mahal pa ang cellphone at wala pang text, di pa din uso ang mga e mail, pero nakakalungkot dahil nang maghiwahiwalay kami nang gabing yun wala na rin akong naging balita sa kanila.
Ang sarap balikan ang mga nakaraan, pero kasama nang mga magandang alaala ay mga luhang tutulo dahil sa bawat magagandang alaala may mga di maiiwasang bagay at tao tayong maaalala, at ako miss na miss ko na ang aking barkada, ang aming dating samahan. Mabubuo pa kayang muli ang Three Muskeeters?
Monday, April 13, 2009
wHo wants To buy my Heart?
wHo wants to buy my heart?!.
im having it 4 sale.. though its only
2nd hand,still it functions well.. coz
once i sold it whole it was returned
to me in pieces. so now i had it all
repaired and now Im back in my
business. who wants to buy my heart?
satisfaction guaranteed. it has free
service charge and a lifetime
warranty . so if ur asking 4 d price
well ur in a bargain. it only costs ur
LOVE..
im having it 4 sale.. though its only
2nd hand,still it functions well.. coz
once i sold it whole it was returned
to me in pieces. so now i had it all
repaired and now Im back in my
business. who wants to buy my heart?
satisfaction guaranteed. it has free
service charge and a lifetime
warranty . so if ur asking 4 d price
well ur in a bargain. it only costs ur
LOVE..
Depress...
Saturday, April 11, 2009
Tanong lamang...
Tapos na ang Semana Santa, tapos na rin ba ang pagkukunwari mo?
Binigyan tayo nang pagkakataon upang isipin at pagsisihan ang mga kasalanang nagawa natin sa mga nagdaang araw, pero nagawa mo ba ito kaibigan? o baka naman ginamit mo ang mga araw na ito upang magbakasyon, magsaya at sandaling kalimutan ang mga problema na dala nang ating mga trabaho?
Masakit isipin subalit kung minsan ay nakakalimutan na nang iba sa atin ang tunay na kahulugan nang semana santa. Ginugunita natin ang kamatayan at muling pagkabuhay namang uli ni Jesus Kristo sa krus upang isalba ang ating mga kaluluwa sa nagbabagang apoy nang impyerno, subalit pinahalagahan mo ba ito? Binigyan mo ba nang pagkakataon ang sarili mo na pagsisihan ang mga nagawa mong kasalanan o nagenjoy ka sa bakasyon, pamamasyal, at tuluyang kinalimutan ang tunay na kalahagahan nang araw na ito?
Anut ano pa man ang ginawa mo kaibigan, ang pagsisisi sa mga nagawang kasalanan ay hindi lamang tuwing sasapit ang semana santa, pwede nating gawin ito araw araw at ipangako sa ating mga sarili na iwasan na ang mga makamundong pagnanasa.
Namatay ang anak nang diyos sa krus para sa ating mga kasalanan at wala siyang hinihinging kapalit kundi ang ibigay mo sa kanya ang iyong mga pakgkakasala at maniwalang namatay siya upang makapiling natin siya sa kanyang kaharian sa langit. Pero ang pagsisisi ay dapat na galing sa iyong puso, taimtim at may paghahangad na siya ay iyong makapiling.
Tapos na ang semana santa , tapos na rin ba ang pagkukunwari mo, kaibigan?...
Thursday, April 9, 2009
What kind of Blogger are you?
Dahil sa tanong ni LordCm na "Bakit ka Nagba-Blag", napaisip tuloy ako, Bakit nga ba?
Naisip mo na ba kung ilang oras na ang ginugugol mo sa harap nang computer para lang magblog, o kaya ay mag blog hopping at nakibasa sa mga post na ginawa nang iyong mga kaibigan sa blogosphere, o kaya ay makibalita at magiwan nang walang kwentang message tulad nang "I was here", "Nice post" , "Nice template" at kung ano ano pang mensahe na wala namang koneksyon sa sinulat nang author nang iyong binisitang site.
Ilang beses ka na bang nadapa, natalisod at nabanga nang walang malay na pedestrian sa kalye kasi busy ka sa pagmamasid, at pagtingin sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran upang may malagay ka sa iyong blog.
Ilang beses ka na rin bang napraning kasi "blanko" ka at wala kang maisip ipost sa iyong blog?
Isang napakasimpleng tanong pero malalim ang tarak nito sa puso at isipan nang isang Blagero.
Bilang ganti! hehe may nakita akong site na nagtatanong naman nang....
What Kind of Blogger Are You?
may test dyan, ihanda ang lapis at papel hehe... para lang malaman mo, Anong klaseng blogger ka ba?Tuesday, April 7, 2009
(BRB) emo mode muna...
Bakit kaya ano? dumarating tayo sa mga pagkakataong parang pagod na pagod ka na? Yun bang tipong isang hakbang pa at babagsak ka na.
Ang dami mo pang nais gawin pero di na kaya nang iyong katawan, gusto mo mang matapos ang iyong mga nasimulan pero wala na, ubos na ang iyong lakas at di ka na makakilos. Uupo ka na lang ba at hayaang lumipas ang oras?
Masarap magpahinga kaibigan, ang hindi muna magisip at hayaang gumalaw ang mundo nang di ka kasama, subalit kapag napagiwanan ka na nang panahon, may lakas ka pa kayang humabol?
Napakabilis na nang pagikot nang mundo ngayon, minsan ka lang malingat ay malayo na ang iyong dapat habulin, paano nalang kung hahayaan mong lumakad ang panahon na hindi ka kasama? May lakas ka pa kayang habulin ang nagdaan?
Nakakalungkot mang isipin subalit wala na tayong panahong magpahinga. Wala na ang mga panahong pwede kang maupo at magmuni muni at isipin ang bukas. Ang bukas ay naririto na, kailangan mong lumakad, lumaban o mapagiiwanan ka nang panahon.
Monday, April 6, 2009
Sa hapag Kainan
Nandidiri ka ba sa mga insecto at itinuturing mong peste na kumukulit sa iyo? Pano kaya kung ang mga ipis, bulate at ibat iba pang insecto ang ihain sa inyong hapag kainan? Papayg ka kaya?
Sa ngayon ang ating mga sayantipiko ay meron ng ginagawang mga pagaaral tungkol sa mga insectong pwede nating ipangtawid gutom.
"Entomology" ang tawag dito, hindi ko alam kung bakit pero malamang ay meron pang mga mas malalim na dahilan kung bakit ang ating mga sayantipiko ay pinagaaralan na ang mga ito at pinaglalaanan nang panahon.
Marami nang mga pagkaing insecto na nakalathala sa internet na pwede mong orderan kung gusto mo silang matikman.
Isa na dito ang "SenseList", "Thailand Unique" at madami pang ibang site kung saan madami kang mapagpipiliang insekto na pwede mong kainin, papakin o iulam sa kanin, at kung gusto mo namang ikaw mismo ang magluto ay pwede rin, maghanap ka lang nang mga "insect recipe" sa internet at tiyak meron kang makikitang mga site.
Sa ngayon hindi pa masyadong kilala ang mga ito sa Pinas, pero noong bata pa ako, marami na rin akong natikmang mga pagkaing ganyan katulad nang "tipaklong", "palakang bukid", "beetles"(abal abal) at "Abaleng"(larvae), pero ang hindi ko lang alam ay kung mapakain mo pa ulet ako nang mga yun.
Sabi nga ni Mac Callister sa kanyang comment sa aking unang post sa mga insecktong pwedeng kainin ay ewwwww ewwwww ewwwwww.
Pero malay mo? ang ipis na pinandidirihan mo sa ngayon ay magiging isa na sa mga ulam mo sa mga susunod na araw... ewwwwww talaga hahaha...
enjoy....
Friday, April 3, 2009
Achiever ako e, may problema ka?
Minsan kapag nagtratrabaho ka nang mahusay may mga komento kang maririnig na kesyo nagpapalakas ka lang sa boss nyo kaya ginagawa mo on time ang iyong mga reports para mapansin ka nang head.
Nakakainis ano? Bakit, ano bang pakialam nila? E sino ba ang nahihirapan kapag puro rush ang reports mo? Di ba kadalasan nga kapag rush walang laman, maraming flaws, at maraming mali, at kapag madaming mali, pinapaulit na, may kasama pang sabon, mabuti sana kung may banlaw, e pano kung ikinula ka pa, e di namuti mga mata mo?
Sino ba ang apektado? diba ikaw din? Paano nalang ang performance rating mo? Tapos in the end iiyak iyak ka, magsisisi at isipin na sana pinagbuti mo nalang ang trabaho mo para hindi ka natanggal.
Ang hirap kayang maghanap nang trabaho ngayon tapos papabayaan mo nalang nang basta basta? Pano nalang kapag tinanggal ka? E di wala kang kita, walang pera, tambay ka, kawawa ka naman diba?
Kung minsan mahirap makibagay sa mga taong "bobo", yung tipong ang iniintindi ay yung ngayon lang at di man lang maisipang tumingin kahit isang dipa lang mula sa kanilang kinatatayuan, yung mga taong sa bangin na pala papunta ang tinatahak na landas ay patuloy pa rin sa paglalakad.
Hindi ko naman sinasabing "matalino" ako, pero di ba dapat "you plan as you go along the way", dahil kung wala kang plano at pangarap at kuntento ka na kung nasaan ka, e ano nalang ang mangyayari sa iyo? "stagnant" ka na, para ka lang tubig sa "lake", umiikot lang pero walang patutunguhan.
Minsan "common sense" lang paiiralin mo, malayo na ang mararating mo, pero kapag nagbulag bulagan ka at "conceited" ka pa at iniisip na "indispensable" ka, e wala na patay kang bata ka! malamang bukas makalawa good bye ka na sa trabaho mo!
Parang ang galing galing ko no? hehe Pero sa palagay mo, may tama naman talaga ako diba?
Nak nang pusa oo, Ano to awards night? hehehe
Isang nagbabagang award
ito ang nagbabagang award mula kay lordcm, mula sa blog na Dungeon Lord.... Wheeew... mainit init pa tsong.
Para tuloy gusto kong humigop nang isang galong kape na may sangkaterbang yelo. Pero dahil mas tipo ko ang mainit at umuusok ay hahayan ko nalang na tupukin nito ang nadarang ko nang puso. (wow! swak na swak ito ngayong summer)
Pero bago pa umabot ang summer at gusto mo rin nito pwede mo ring kunin at ilagay saan ang parte nang blog mo.
Maraming salamat kay lordcm at sa lahat nang magnanais magkaroon nang Nagbabagang Blog Award.
Bow...
Para tuloy gusto kong humigop nang isang galong kape na may sangkaterbang yelo. Pero dahil mas tipo ko ang mainit at umuusok ay hahayan ko nalang na tupukin nito ang nadarang ko nang puso. (wow! swak na swak ito ngayong summer)
Pero bago pa umabot ang summer at gusto mo rin nito pwede mo ring kunin at ilagay saan ang parte nang blog mo.
Maraming salamat kay lordcm at sa lahat nang magnanais magkaroon nang Nagbabagang Blog Award.
Bow...
Thursday, April 2, 2009
Sa Jeep naman...
Sumasakay ka ba sa jeep? Madaming eksena dito lalo na sa umaga na ang karamihan ay papasok palang sa trabaho, may mga nakauniform na, may mga seksi, magaganda at meron din namang hayaan mo na hehehe.
Pero napansin mo na ba? kadalasan kapag sumasakay sa jeep maraming nauuntog sa ilaw na nakausli sa bandang gitna, at kadalasan iba iba ang kanilang reaksyon.
Kapag ang nauntog ay estudyanteng naka mini o kaya ay babaeng naka uniform nang pang opis ang sinasabi ay "Ouch!!!" sabay haplos sa malambot na buhok at kinakapa kapa ang ulo na akala mo ay tinubuan nang bukol na sinlaki nang chocolate hills.
Kapag ang nauntog ay lalaking estudyante na halatang sa computer shop pumapasok at mina master ang ibat ibang computer games, at mga kabataang lalaki na halatang tambay lang sa kanto ang sinasabi ay "Puta pare, nauntog ako, tirahin ko to e", sabay amba nang suntok sa ilaw na para bang may kalaban.
Pero kapag nauntog ay estudyanteng matino na halatang puyat pa dahil sa karereview ang sinasabi ay "Wow!", hindi ko rin alam kung bakit sila napapa wow, pero maaring dahil nauntog sila nagising ang kanilang natutulog pang utak o maari ring nawala ang kanilang nireview at mapapansin mo nalang na nakatitig sila sa ilaw na para bang gusto nilang tanungin yung driver kung bakit nilagay lagay ang ilaw na yan sa gitna nang jeep.
Masaklap kapag ang nauntog ay binabae, ang sinasabi ay "Araray...." (with feelings) na parang naiiyak lalo na kapag maraming nakakita sa kanyang madramang eksena.
Ang mga matatanda naman ay walang kareareaksyon, para bang sinasabi nilang "Sanay na kami dyan".
Magkakaiba man tayo nang reaksyon at pagkakasabing "masakit", iisa lang ang alam kong dapat gawin, pag sumakay ka nang jeep wag aanga anga upang sakuna ay maiwasan.
Naloko ka na ba?
Naloko ka na ba? Nawantutri, nagoyo, nagantso, nabiro at kung ano ano pang tawag nang ating mga luko lukong kababayan sa kanilang ginagawa?
Nakakainis no? nakakapanginig nang laman, lalo na kung ang nanloko sa iyo kilala mo, kaibigan o isang taong iyong pinagkakatiwalaan, kaya lang teka muna diba kaya ka nga naloko e kasi pinagkatiwalaan mo cya pero ipinagwalang bahala nya ang iyong tiwala at pinili nyang lokohin ka. Ang gulo yata? pero alam ko naintindihan mo yun, ulitin mo nalang kung mejo nalabuan ka hehehe.
Pero bakit kaya ano? pinagkatiwalaan mo na't lahat lahat pero winalang hiya ka pa rin at kung pupwede mo nga lang sana siyang tirisin at dikdikin pa nang pinong pino hangang tuluyan na siyang mahipan ng hangin para di mo na siya makita forever and ever ay tiyak na gagawin mo.
Pero bakit nga ba may mga taong mahilig manloko? Sigurado ako may mga nakatagong rason kung bakit nila ginagawa ito, hindi naman pwedeng basta nalang nilang gawin ito, di ba?
Una sa aking palagay ay Dala nang matinding pangangailangan, (wow mahaba habang paliwanagan ito) kung minsan may mga pagkakataon sa ating buhay na kailangan natin nang tulong at kung wala na tayong malapitan ay napipilitan tayong manloko para maka survive. Mahirap isipin subalit kung minsan mapaglaro ang tadhana at kung magpapadala ka sa tukso at hirap nang buhay ay malamang isa ka na sa mga naloko o kaya ay nakapanloko na. Isang klasikong halimbawa dito ay ang pangungutang pagkatapos ay pinagtataguan ang taong pinagkautangan. kayo na ang bahalang magexpand at madugong explanasyon ang kailangan dyan at ayokong magka nose bleed hehe.
Sunod na yung Wala na siyang alam gawin kundi manloko, dito naman ay nasanay na siyang gawin ang panloloko, pero maaring dala pa rin ito nang matinding pangangailangan dahil meron siyang mahaba habang gastusan at dahil hindi kasya ang kanyang kinikita sa araw araw kayat napipilitan siyang manloko upang matustusan ang kanyang pangangailangan. Anu't ano pa man ang panloloko ay laging may dalawang talim, pwedeng ito ay nagawa nya dahil sa pamilya o kaya ay pansariling interes lamang.
Ang panloloko para sa ikabubuti nang pamilya ay isang bagay na hindi ko malaman kung paanong ipaliwanag subalit may mga pagkakataon na na ang isang ama ay kailangang sumugal at itaya ang buhay para sa kanyang anak, o kaya ay ina at mga kapatid na kailangan isakripisyo ang kanilang karangalan upang mapabuti ang buhay nang kanilang mga anak o mga kapatid. Maganda ang kanilang mga hangarin subalit hindi abot nang kanilang pangunawa na hindi kailangang manloko upang isalba sa putik ang isa pang buhay.
May mga ibang tao naman na nanloloko para lamang sa kanilang mga pansariling kapakanan, dito na pumapasok ang mga taong madaming bisyo at mga ganid sa pera, dito kailangan na nilang manloko upang matustusan ang kanilang mga bisyo, maaring sa sugal, alak, droga, at pakikiapid. Subalit kapag ang isang tao ay ganid sa yaman, lahat ay gagawin upang makamkam ang mga pinaghirapan nang iba.
Marami pang pwedeng idagdag, mahaba pa ang listahan subalit kaibigan gusto mo pa bang magbasa? Pagod na ako sa kakatype kayat ikaw naman ang bahala, pwede mong ibahagi ang iyong nasa isip at idagdag sa comments box.
Isa lang ang malinaw ang panloloko ay masama, maganda man ang iyong hangarin ay dapat mo ring alalahanin ang kasabihan " The end doesn't justify the means". Tayo na kaibigan usap tayo... (hindi ko idolo yung nagsabi nyan ha? hehehe wala lang akong ibang maisip)
Subscribe to:
Posts (Atom)