Monday, April 6, 2009
Sa hapag Kainan
Nandidiri ka ba sa mga insecto at itinuturing mong peste na kumukulit sa iyo? Pano kaya kung ang mga ipis, bulate at ibat iba pang insecto ang ihain sa inyong hapag kainan? Papayg ka kaya?
Sa ngayon ang ating mga sayantipiko ay meron ng ginagawang mga pagaaral tungkol sa mga insectong pwede nating ipangtawid gutom.
"Entomology" ang tawag dito, hindi ko alam kung bakit pero malamang ay meron pang mga mas malalim na dahilan kung bakit ang ating mga sayantipiko ay pinagaaralan na ang mga ito at pinaglalaanan nang panahon.
Marami nang mga pagkaing insecto na nakalathala sa internet na pwede mong orderan kung gusto mo silang matikman.
Isa na dito ang "SenseList", "Thailand Unique" at madami pang ibang site kung saan madami kang mapagpipiliang insekto na pwede mong kainin, papakin o iulam sa kanin, at kung gusto mo namang ikaw mismo ang magluto ay pwede rin, maghanap ka lang nang mga "insect recipe" sa internet at tiyak meron kang makikitang mga site.
Sa ngayon hindi pa masyadong kilala ang mga ito sa Pinas, pero noong bata pa ako, marami na rin akong natikmang mga pagkaing ganyan katulad nang "tipaklong", "palakang bukid", "beetles"(abal abal) at "Abaleng"(larvae), pero ang hindi ko lang alam ay kung mapakain mo pa ulet ako nang mga yun.
Sabi nga ni Mac Callister sa kanyang comment sa aking unang post sa mga insecktong pwedeng kainin ay ewwwww ewwwww ewwwwww.
Pero malay mo? ang ipis na pinandidirihan mo sa ngayon ay magiging isa na sa mga ulam mo sa mga susunod na araw... ewwwwww talaga hahaha...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
sasamahan kita sa pagsabing.....eeeeeewwwwwww
hindi lang sanay ang ating isip, mata, bibig, at tyan sa ganyan klaseng "pagkain"
pero, ang palakang bukid, sarap yun in fairness
Hehehe :D Putek!!!Anong lasa nyan?
Sabagay, tama si Jez..Sanayan lang yan,kapag nasanay naman na tayo, balewala na ung eeeewwwww lolzz
Kahit kadiri ang mga yan tignan (eew) sinasabing ang mga insekto ay mas sagana pa sa protein kesa sa mga kadalasan nating kinakaing meat. Pero, hindi ko pa yan nasusubukan at sana hindi dumating iyong panahon na dapat ako kumain ng ganyan. hahaha
hindi ko kayang kainin ito
www.laagansagayud.com
Saan po dito aa manila meron abbiling fresh ng mga ito please help me...
I need asap pls....
Text me 09431296707
Along manila lng please po
Post a Comment