Saturday, April 18, 2009
Barkada, Samahan... nasaan na kaya sila?
Naglinis ako nang kuarto ko kanina, mejo magulo na kasi, sangkaterbang memorabilla na kung saang saang lupalop nang aking mga pangarap ko binili, mga regalo, mga harbat, at kung ano ano pa.
At sa kakahalungkat, nakita ko rin sa wakas ang matagal ko nang hinahanap na photo album nang aming barkada.
Nakakalungkot isipin na wala na kaming balita sa isat isa. Tatlo lang kaming mga magbabarkada simula sa highschool kayat sobra ang closeness namin sa isat isa. The Three Muskeeters ang tawag namin noon sa aming samahan. Iba iba ang naging course namin nung college pero iisa lang school namin kaya okey lang, patuloy pa rin ang kulitan at talagang mejo napapatulo luha at uhog namin nang graduation na at pinatutug pa ang "Goodbye to you my friend, well see each other again.....", Tinginan lang kami noon, walang imikan alam kasi namin di na katulad nang dati, kelangan na naming maghanap nang trabaho, may mga responsibilidad nang nakaatang sa aming mga balikat at kelangan na naming maghiwahiwalay nang landas.
Nakatawang isipin ang huling reunion naming tatlo bago ako lumuwas nang maynila, tawanan kami nang tawanan habang tumutulo mga luha namin habang nagpapaalaman sa tabing ilog nang rio chico, natutuwa kasi may maipagyayabang nang diploma pero nalulungkot dahil buwag na ang samahang binuo nang sangkaterbang red horse, pinagdikit nang sandamakmak na yosi at pinagtagpi tagpi nang sangkaterbang kalokohan.
Tawa lang kami nang tawa dahil nagkakahiyaan kaming humagulgol pero talagang tulo ang mga luha namin at puro pigil na hikbi lang ang pwede naming ilabas, kayat ibinunton nalang namin sa sangkaterbang red horse ang lahat hangang makatulog sa kalasingan, hangang ngayon kapag naalala ko ang paalaman naming yun naluluha pa rin ako, at nakakapanghinayang dahil pagkalipas nang sampung taon wala pa rin kaming comunikasyon sa bawat isa.
Naghanap na ko sa friendster, facebook, tagged, multiply, at kung saan san pang site sa internet, pero wala akong makitang ni anino nang mga loko, parang napagiwanan na yata sila nang panahon at parang hindi yata marunong gumamit nang computer at internet. Nakakainis at nakakafrustrate.
Sabi namin noon sulatan kami kasi nga mahal pa ang cellphone at wala pang text, di pa din uso ang mga e mail, pero nakakalungkot dahil nang maghiwahiwalay kami nang gabing yun wala na rin akong naging balita sa kanila.
Ang sarap balikan ang mga nakaraan, pero kasama nang mga magandang alaala ay mga luhang tutulo dahil sa bawat magagandang alaala may mga di maiiwasang bagay at tao tayong maaalala, at ako miss na miss ko na ang aking barkada, ang aming dating samahan. Mabubuo pa kayang muli ang Three Muskeeters?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
nakakaiyak nman post mo.. pre... naalala ko tuloy tropa ko sa amin hehehe.. talagang masarap balikan ang alala ng mga nakaraan lalo nat puno ito ng saya... kalungkot lang pre dimo sila nahagilap ... matapos ang ilan taon.....
i pa blotter mo kaya niyahahahaha...
aray ko, sana naman hindi mganyan ag mangyari samen ng mga kaibigan ko, hayssttt. x-link po tao kuya? hehe :D
Sa paglipas ng panahon, hindi maiwasan na mapahiwalay tayo sa ating mga kababata at mga kaibigan, tulad mo rin, ganyan din ang nararamdaman nila, ang balikan ang nakaraan ng inyong masayang pagsasamahan. isang simpleng pangarap at panalangin, at panahon lang ang makapagsasabi na naway magkita-kita kayong 3 Musketeers.
"i pa blotter mo kaya niyahahahaha..."
magandang idea yan boomzz haha, mga hinayupak kasi mga mokong na yun, ayaw magparamdam...
Pero miss ko na talaga barkadahan namin, 3 lang kami noon kaya yung bonding at closeness namin noon sobra..
netaholic21:
hindi na siguro mangyayari sa inyo, maami nang ways of communication ngayon, kami kasi noon wala e. Sulat na de selyo pa noon ang uso, baka tinamad mga mokong magsulat haha
The Pope:
sana nga...
salamat po sa pagbabasa..
Post a Comment