Thursday, April 2, 2009

Naloko ka na ba?


Naloko ka na ba? Nawantutri, nagoyo, nagantso, nabiro at kung ano ano pang tawag nang ating mga luko lukong kababayan sa kanilang ginagawa?

Nakakainis no? nakakapanginig nang laman, lalo na kung ang nanloko sa iyo kilala mo, kaibigan o isang taong iyong pinagkakatiwalaan, kaya lang teka muna diba kaya ka nga naloko e kasi pinagkatiwalaan mo cya pero ipinagwalang bahala nya ang iyong tiwala at pinili nyang lokohin ka. Ang gulo yata? pero alam ko naintindihan mo yun, ulitin mo nalang kung mejo nalabuan ka hehehe.

Pero bakit kaya ano? pinagkatiwalaan mo na't lahat lahat pero winalang hiya ka pa rin at kung pupwede mo nga lang sana siyang tirisin at dikdikin pa nang pinong pino hangang tuluyan na siyang mahipan ng hangin para di mo na siya makita forever and ever ay tiyak na gagawin mo.

Pero bakit nga ba may mga taong mahilig manloko? Sigurado ako may mga nakatagong rason kung bakit nila ginagawa ito, hindi naman pwedeng basta nalang nilang gawin ito, di ba?

Una sa aking palagay ay Dala nang matinding pangangailangan, (wow mahaba habang paliwanagan ito) kung minsan may mga pagkakataon sa ating buhay na kailangan natin nang tulong at kung wala na tayong malapitan ay napipilitan tayong manloko para maka survive. Mahirap isipin subalit kung minsan mapaglaro ang tadhana at kung magpapadala ka sa tukso at hirap nang buhay ay malamang isa ka na sa mga naloko o kaya ay nakapanloko na. Isang klasikong halimbawa dito ay ang pangungutang pagkatapos ay pinagtataguan ang taong pinagkautangan. kayo na ang bahalang magexpand at madugong explanasyon ang kailangan dyan at ayokong magka nose bleed hehe.

Sunod na yung Wala na siyang alam gawin kundi manloko, dito naman ay nasanay na siyang gawin ang panloloko, pero maaring dala pa rin ito nang matinding pangangailangan dahil meron siyang mahaba habang gastusan at dahil hindi kasya ang kanyang kinikita sa araw araw kayat napipilitan siyang manloko upang matustusan ang kanyang pangangailangan. Anu't ano pa man ang panloloko ay laging may dalawang talim, pwedeng ito ay nagawa nya dahil sa pamilya o kaya ay pansariling interes lamang.

Ang panloloko para sa ikabubuti nang pamilya ay isang bagay na hindi ko malaman kung paanong ipaliwanag subalit may mga pagkakataon na na ang isang ama ay kailangang sumugal at itaya ang buhay para sa kanyang anak, o kaya ay ina at mga kapatid na kailangan isakripisyo ang kanilang karangalan upang mapabuti ang buhay nang kanilang mga anak o mga kapatid. Maganda ang kanilang mga hangarin subalit hindi abot nang kanilang pangunawa na hindi kailangang manloko upang isalba sa putik ang isa pang buhay.

May mga ibang tao naman na nanloloko para lamang sa kanilang mga pansariling kapakanan, dito na pumapasok ang mga taong madaming bisyo at mga ganid sa pera, dito kailangan na nilang manloko upang matustusan ang kanilang mga bisyo, maaring sa sugal, alak, droga, at pakikiapid. Subalit kapag ang isang tao ay ganid sa yaman, lahat ay gagawin upang makamkam ang mga pinaghirapan nang iba.

Marami pang pwedeng idagdag, mahaba pa ang listahan subalit kaibigan gusto mo pa bang magbasa? Pagod na ako sa kakatype kayat ikaw naman ang bahala, pwede mong ibahagi ang iyong nasa isip at idagdag sa comments box.

Isa lang ang malinaw ang panloloko ay masama, maganda man ang iyong hangarin ay dapat mo ring alalahanin ang kasabihan " The end doesn't justify the means". Tayo na kaibigan usap tayo... (hindi ko idolo yung nagsabi nyan ha? hehehe wala lang akong ibang maisip)


No comments: