Monday, April 27, 2009
patawad....
Nagkawindang windang ang buhay ko, nawalan nang direksiyon at basta nalang nagpagugulong gulong.
Sa ngayon ay dama ko ang mga side effects na dulot nito sa akin, may mga pagkakataong akoy natutulala, nawawalan nang gana, napapaluha, nagsisisi, sana noon ko pa dapat naisipang maghanap, magparamdam, o kaya ay humanap nang paraan upang makausap sila, e di sana nandito pa siya, nagkausap, nagawan nang paraan, at muling nabuo ang samahan..
Ang dami kong naiisip sa ngayon, ang dami kong mga pagsisisi subalit wala na akong magagawa pa, marami akong dapat na ginawa, subalit wala nang saysay ang pagsisisi...
Ang sabi nga nila, "tuloy pa rin ang buhay", mahirap magsimula, mahirap hagilapin kung saan ka ba dapat magsimula, pero dapat mong ituloy ang paglalakbay...
"Tigilan mo nga ang kalokohan mong yan!", yan ang palagi kong naririnig sa kanya noon, lalo na at may mga kagaguhan akong naiisip, mga katagang kaytagal kong ninais na muling marinig, at ang realisasyon na hindi ko na ito muli pang maririnig mula sa isang kaibigang tunay na nagmamalasakit ay tunay na napakasakit.
Nais kong ihingi nang paumanhin ang aking kadramahan, subalit hindi ko maitago ang aking pagdaramdam, kailangan ko itong ilabas, kailangan ko itong iiyak...
Nagpapasalamat ako sa mga nakakaintindi, at humihingi ako nang paumanhin sa mga nakakaisip na ito ay kadramahan lamang.
Sa mga magkakaibigang nawalay nang matagal na panahon, subalit sa puso nyo ay alam nyong ang pagkakaibigan ay hindi nabago nang panahon, nang hindi pagkikita at nang kawalan nang komunikasyon. Nais kong sana ay gumawa na kayo nang paraan upang ang sakit at pagdaramdam sa aking puso at isipan ay hindi ninyo maranasan.
Sa aking kababata at pinakamatalik na kaibigan, patawad, sana kung nasaan ka man maligaya ka, ang alaala mo ay nakatatak na sa aking isip at puso magpakailan pa man.
Patawad... patawad kaibigan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Hay...napaisip tuloy ako sa best friend ko..Mula nang napunta ako dito sa Dubai wala na kaming communication...Sana din kung nasaan man siya ngayon sana maligaya din siya..
May mga katotohanan na mahirap tanggapin, mga kaganapan na hindi natin inaasahan at kadalasan ay mahirap unawain ng kaisipan nating mga tao.
May mga kaganapan na hindi kayang baguhin ng tao, sapagka't may mga bagay na bago pa lamang tayo isilang ay ang mga bagay na ito ay naisulat na sa Kanyang aklat, at ang lahay ng nasusulat ay magaganap sa Kanyang kalooban.
nakakalungkot at nakakatuwang isipin na mayroon pa plang mga kgaya mong mlambot ang puso pgdating sa isang kaibigan. sa pnahon kasi natin ngayon konti na lang tlaga ang mga taong maituturing na tunay na kaibigan.mrahil sa ibat ibang kdhilanan.
asan mn sya ngayon maiintndhan knya.
ano itatagay na ba?hehe
salamat mga kaibigan, kahapon ko pa kaharap si pareng gin, kaya medyo dispalinghado pa rin pagiisip ko hangang ngayon...
Sayang kasi, ganda nang samahan namin, hindi ako ganon ka outgoing, identified ako as reserved person, but with them i can be anyone, tatlo lang kami at ang samahan na iyon ay nagsimula noong first year high school pa...
naghiwa hiwalay lang pagka graduate nang college, at kung tutuusin pera ang dahilan kaya siya nawala, naguguilty ako dahil hindi man ganon kadami ay kahit papano meron naman akong maitutulong sana.
at two months lang akong nalate sa pagpapahanap sa kanila....
Alam mo yun, nagisip na rin lang akong makipagcommunicate sa kanila, bakit hindi ko pa inagahan....
di ba parang ang sakit....
sige kuya..i iyak mo lang, itagay mo lang...afterwards, accept what happened and forgive yourself...then move on. it already happened, you cannot turn back the time. hindi rin natin kontrolado ang mga pangyayari.gasgas man pero there's a reason behind it.
what you can do now is to whisper a prayer for him....
thanks jez, thats what i am trying to do... cry, accept the pain, and try moving on...
Post a Comment