Saturday, April 11, 2009
Tanong lamang...
Tapos na ang Semana Santa, tapos na rin ba ang pagkukunwari mo?
Binigyan tayo nang pagkakataon upang isipin at pagsisihan ang mga kasalanang nagawa natin sa mga nagdaang araw, pero nagawa mo ba ito kaibigan? o baka naman ginamit mo ang mga araw na ito upang magbakasyon, magsaya at sandaling kalimutan ang mga problema na dala nang ating mga trabaho?
Masakit isipin subalit kung minsan ay nakakalimutan na nang iba sa atin ang tunay na kahulugan nang semana santa. Ginugunita natin ang kamatayan at muling pagkabuhay namang uli ni Jesus Kristo sa krus upang isalba ang ating mga kaluluwa sa nagbabagang apoy nang impyerno, subalit pinahalagahan mo ba ito? Binigyan mo ba nang pagkakataon ang sarili mo na pagsisihan ang mga nagawa mong kasalanan o nagenjoy ka sa bakasyon, pamamasyal, at tuluyang kinalimutan ang tunay na kalahagahan nang araw na ito?
Anut ano pa man ang ginawa mo kaibigan, ang pagsisisi sa mga nagawang kasalanan ay hindi lamang tuwing sasapit ang semana santa, pwede nating gawin ito araw araw at ipangako sa ating mga sarili na iwasan na ang mga makamundong pagnanasa.
Namatay ang anak nang diyos sa krus para sa ating mga kasalanan at wala siyang hinihinging kapalit kundi ang ibigay mo sa kanya ang iyong mga pakgkakasala at maniwalang namatay siya upang makapiling natin siya sa kanyang kaharian sa langit. Pero ang pagsisisi ay dapat na galing sa iyong puso, taimtim at may paghahangad na siya ay iyong makapiling.
Tapos na ang semana santa , tapos na rin ba ang pagkukunwari mo, kaibigan?...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment