Saturday, April 25, 2009

nose bleed...

(kopya mula sa internet)

halfday ako tuwing sabado, tapos na ko sa reports at iba pang mga gawain sa opis, di rin nagparamdam ang aking ka chat kayat naisipan kong magpakalat kalat sa mundo nang kablagan!

Napadpad ako sa mundo ni pareng Thoughtskoto at isang nakaka nose bleed na hiling ang tumambad sa aking pamamasyal, nagsisi tuloy ako ... aheheks...

Tulungan daw natin siyang isalin sa wikang Pilipino ang mga katagang....

“Filipinos Abroad – Hope of the Nation, Gift to the World”

Ako ay Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.... pero hindi ko ito maisalin, lapit tuloy ako kay bro.. "Bro, i need your help..." ang sabi ni bro?... "Magsaliksik ka..." lapit ako kay meriam webster, sabi niya... "wala dito hinahanap mo", lapit ako kay google at sabi niya .. "Mamili ka...", lalo akong nalito, nahilo at nawalan nang ulirat.


Lapit ako sa aking mga kaibigan, ang sabi nila "Diyos ko, Pati ba yan pinoproblema mo?", "Problema mo yan bakit mo kami idadamay?" ang saklap diba? Pero in fairness tumulong sila word per word...

Dugo dugo na ilong ko, ubos na rin ang aking isang kilong bulak , nang may bumbilyang sumindi... "ting" (sound effects yan...)

eto ang kanilang mga translations:

OFW - bagong bayani
HOPE - Sigarilyo ehe! Pagasa
NATION - UN? ngeeekk.. Bayan
GIFT - gantimpala, biyaya, handog
WORLD - PEACE? hehehe, Mundo, sangkatauhan, sanlibutan

Rinambol ko ito parang hueteng at ang lumabas..

"Pinoy: Bagong Bayani, Pag-asa at handog sa Mundo"

"Pinoy: Bagong Bayani, Pag-asa nang Bayan at handog sa Sanlibutan"

"Bagong Bayani: Pag-asa nang Bayan at Biyaya sa Sangkatauhan"

"Bagong Bayani: Pinoy, Pag-asa ka nang Sangkatauhan"

hala... pinakyaw, eheheks..... ikaw kung meron kang idea, hala magpadugo ka rin nang ilong, at tumulong sa ating kaibigan. hahaha...


4 comments:

Hari ng sablay said...

ayos ah. mkapg isip nga ng gnyan. teka lang. hmmm...teka babalikan nalng kita.hehe

Rhodey said...

@ HARI NG SABLAY, post mo dun kay pareng thoughts ang iyong ma thought haha ...

The Pope said...

Mukhang mahirap talaga ang pagsasalita ng tunay na wikang tagalog, nakasanayan kasi natin ang salitang ingles at ang taglish sa araw-araw nating pakikipagtalasatasan sa kapwa, panunuod ng telebisyon at pagbabasa ng peryodiko.

poging (ilo)CANO said...

nakakapag nose bleed nga!

ah! basta,ang hirap maging OFW...